Chapter 6

5.6K 82 4
                                    

Jho POV

Hindi ko mapigilang hindi kabahan dahil kami na ang susunod na magdedefend sa case namin. Madami akong what ifs na iniisip kahit gustuhin ko mang maging kampante lang katulad ng mga kasama ko. Hindi ko na kinaya kaya sinabihan ko si Bea.

"Bei, we're the next presenter kinakabahan na ako.."

"Don't be Jho. Kaya natin 'to." Hinawakan   niya ang isang kamay ko at feeling ko napanatag na ang loob ko at lihim akong napatawa dahil mas colder pa ang kamay niya kaysa sa akin. Parang siya ata ang mas ninerbyos. Magkahawak pa din kami ng kamay hanggang sa tinawag na ang grupo namin para magpresenta.  

"Ano yan holding hands while waiting?" narinig kong sabi ni Maki.

"One point for Beadel!" sabat naman ni ate Ells.

Nakikita kong nakangiti lang si Bea sa mga pang-aasar nila. Nakukuha pa nilang magbiro sa ganitong sitwasyon samantalang ako naghihirap na pakalmahin ang sarili ko. Sila na talaga ang confident.

I let go of my hand and didn't bother to tell her. Kinuha ko na agad ang laptop ko at pumunta na kami sa harap. Napansin kong nag-iba ang mood ni Bea. Hindi na siya nakangiti, baka dahil nireready na niya ang kanyang sarili.

Si Maki ang naunang nagpresenta sa grupo namin. Magaling si Maki at nasasagot pa niya ang lahat na tinatanong ni doc.
Naalala ko pa noong nakaraang araw nang nagsurprise quiz kami, si Maki lang ang may sagot. Lihim akong nakatingin sa mga papel ni Bea at ate Ells at parehas lang kaming tatlong walang naisagot. Hindi ko kasi alam yong mga tanong ni doc, ayoko ding basta basta ko na lang sasagutan tapos babasahin ni doc sa harapan at mapahiya lang ako kaya ginuhitan na ko lang ang pangalan ko.

Natapos si Maki at tumayo na ako sa kinauupuan ko para magpresenta. Buti na lang nawala na ang kaba ko. Madaming questions binigay si doc at mabuti na lang  nakakasagot ako.  Natapos na ako at agad na lumapit si Bea dahil siya na ang susunod.

"It was perfect Jho." She whispered to me.  Her lips touched my ear and didn't know kung sinasadya ba niya. Napahinto ako at nilingon siya pero di na niya iyon napansin dahil focus na ito sa pagrereport. Napapailing na lang ako sa ginawa niya at bumalik sa kinauupuan ko.

Habang nagpresenta si Bea, napansin kong pati ang ibang mga estusyante mapa boys or girls man ay napapatingin sa kanya. Sino ba namang hindi mapapahanga sa kanya aside sa maganda siya, matalino pa. She's even good at it at kapag may times na hindi siya nakasagot or nakasagot ng tama she'll just smile and will humbly say to us "I'm sorry I don't know the answer doc." and "Okay doc, thank you doc, I'll read on that doc."  She's not afraid to admit na hindi niya alam rather she welcomed corrections.

Si ate Ells na ang sumunod. Sobrang napahanga ako sa kanya. Hindi ko kasi maimagine na sa sabrong kalog niya, sobra din ang brain neurons niya. She was asked more questions than any of us and smartly she knew. May times na sasabihin niyang hindi niya alam at kailangan niya ng tulong namin. Pati mga kaklase at doc namin napapahanga sa angking abilidad at talino nito.

Pagkatapos namin, nagcomment si doc sa presentation namin at nagustuhan niya naman ito. May ilang corrections din siyang binanggit at mga advices na ibinigay. Mabuti na lang at nagustuhan pa din iyon ng prof namin. Masarap sa pakiramadam when a prof praises us lalong lalo na't pinaghihirapan namin iyon. Yong pagsasacrifice ng tulog para lang mag-aral, nagiging worth it yon dahil sa appraisal niya.

"Jho, ang galing mo sobra. Look at those group of guys, they're still staring at you." comment ni maki nang makabalik na kami sa mga upuan namin.

"Hindi ka lang maitim, magaling pa." dugtong pa ni ate Ells.

Hindi na ako nakasagot sa kanila dahil nakatutok lang ako sa phone ko. Si Ged na kababata ko nagmimiscall at nagsesend ng madaming messages. Binuksan ko ito isa-isa at tsaka nireplyan. Ganyan talaga ang mokong na iyon kapag di agad narereplyan.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon