Chapter 31

5.9K 92 2
                                    

Jho POV

Maaga akong nagising para magready ng pumasok ng school dahil susunduin na ako ni Bea.

"Ang tagal mo Jho! Kung sana tinanggap mo na lang ang offer kong paliguan ka.. eh di sana..!'

"Leche! Kay aga-aga namamanyak ka!"

Nauna na akong pumasok sa loob ng sasakyan at sumunod din sya pagkatapos.

"Gutom ka na beh?"

"Oo, eh. kaya dalian mo ng magdrive dyan."

Nagtataka akong tiningnan sya at nagulat dahil itinaas niya ang blouse niya. Sumunod naman ang mata ko sa ginawa niya. Sheyt, ito na naman ang feeling na nag-iinit ang buong katawan ko.

Hindi ko man lang kayang iwasan ang abs niya at itong mata ko tinatraydor pa ako.
Infairness, ang hot niya. Gusto kong hawakan iyon.. Ano? Maghunos dili ka mind!

"Sige, lang beh. Sayong-sayo lang to. Pwede mong hawakan ang mga pandesal ko, gutom ka na eh."

Bigla naman akong natauhan at napalunok.

"Che, umayos ka De Leon! Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo!"

Ano ba yan, ni hindi ko sya kayang gantihan ng pang-asar.

Tinawanan niya ako ng malakas. Tiningnan ko na naman sya, ang ganda ng tawa niya parang musika sa tenga ko. Ang kanyang singkit na mga mata na mas nawawala kapag tumawa sya, nababagay iyon sa kanya. Ang matatangos niyang ilong na gusto kong hawakan ulit. Ang makakapal niyang kilay na kumukunot kapag nagagalit. At ang mapupula niyang lips.. Napalunok na naman ako sa naiisip ko!

" Hmmmn.. Done checking me out?" tanong niya sabay taas-baba ng kilay.

"Asa ka Bea! Paandarin mo na nga tong sasakyan at baka ma-late pa tayo!" sabi ko sabay tingin sa labas.

Hindi ko na yata kayang makikipagtitigan sa kanya.

She chuckled. Naramdaman ko na lang na may mukhang lumapit sa'kin.

"Good morning, Jho...Mas lalo kang gumanda lalo na't namumula ka." she whispered.

Nagiging sobrang open na si Bea pagkatapos ko siyang inayawan, lumalabas na ang kabastusan niya at sinadya pa niyang ilapit ang bibig niya sa tenga ko! Heto na naman, at umiinit na naman ang paligid.

"Beh, drive na please."

Hindi ko na siya nilingon. Feeling ko mukhang kamatis na ang mukha ko sa sobrang pula.

Nagsmirk lang ito sa'kin at saka pinaandar ang sasakyan.
_____

"Oh, asan na boylet mo Jho?" sabi ni Maki pagkaupo namin ni Bea.

"Ah, wala na. Hindi na magwowork eh."

Ngumiti ito ng malaki. Tiningnan ko si Bea at ganun din ang reaksyon niya.

"May, pumalit na ba dyan sa puso mo?"

Isa pa tong si Maki, maasarin!

"Walang pumalit, okay? Sobrang sarado na nito, makz! Walang kahit anong susi makakapagbukas pa."

Tinawanan na naman niya ako.

"Oo nga naman, susi nga ni Bea hindi tumalab!"

Leche. Hindi na ako nagtataka na malalaman nila ang ginawang pagrereject ko sa kanya.

"Wag magsalita ng patapos Makz, may special key na ako dito para sa kanya."

Tumawa na naman ito.

"Tumahimik nga kayong dalawa ang ingay nyo. Mabuti pa si ate Ells, natutulog lang!"

"Anong special key minimeant mo, Bei?"

So Into YouWhere stories live. Discover now