Chapter 11

5.2K 106 1
                                    

Bea POV

I never leave her side when she's battling leukemia. I begged to keep her but seeing her hurting, a part of me wanted to let go.

Sa tuwing gumigising ako ng maaga, takot lang ang nararamdaman ko na baka hindi na niya ako hinintay. Gustuhin ko mang sundin ang sinasabi niyang 'wag ko na lang siyang puntahan dahil ayaw niya akong makikitang nasasaktan, awtomatikong dinadala naman ako sa dalawang paa ko sa kanya.

Narinig kong may nagsasabing code blue room 503 at alam kong siya na naman ang nirerevive. Alam kong pagod na siya pero lumalaban pa din siya dahil sa'kin, doon ko lang narealize na nagiging selfish na ako dahil sarili ko lang iniisip ko at nakalimutan ko na ang mga paghihirap niya.

I went to her room with staffs around her. I heard them say they're sorry. She's gone. She is gone. She is gone. Akala ko sapat na ang paghahanda ko pero hindi pala at kahit kailan hindi 'yon magiging sapat lang.

The sadness and pain are being felt all over the room and I feel like my heart shattered into pieces as I silently cry somewhere in the corner. My dad hugged me tight and I burst crying. And that's what all I need.

Naalala ko na naman siya. Tatlong taon na ang lumipas sa kanyang paglisan pero hindi ko pa din siya makalimutan.

"Bea iha, how are you?" ang palaging sinasabi ni tito Al pagnakikita niya ako.

Hindi ko siya sinagot bagkus niyakap ko lang siya at saka iniwan sila dad at mom para magkausap.

" Bei. " tawag ni Maki. Alam kong pupunta siya dito. I smiled sadly at her at tinapik ako sa balikat. We were sitting outside pero hindi kami nag-uusap. Ganito lang naman palagi kapag birthday niya. Dapat masaya ang mga tao pero hindi ko naman kayang magpanggap lang. Sabi pa ni Maddie sa akin na kailangan ako dapat ang pangalawang tao na pinakamasaya kapag birthday niya pero 'di ko naman nagawa.

Lumapit si ate Ella sa amin at naupo na din. AteE and Maddie are cousins kaya alam niya din ang lahat ng pinagdaanan namin.

" Bei, pasok ka na ng school bukas, may naghahanap sa'yo doon. " sabi ni ate E.

Si Jho agad ang unang taong pumasok sa mind ko sa sinasabi ni ate E. Maalala ko lang siya, gumagaan ang loob ko.

" Oo, bei. Si Jho ang naghahanap sa'yo. Di ka daw matawagan. " nabasa niya ata kung anong nasaisip ko.

Natuwa naman ako sa sinasabi ni ate ells. Hindi lang din ako umimik.

"Samahan ka namin sa memorial mamaya?" tanong ng dalawa.

" Huwag na. Dito na lang kayo baka hanapin pa kayo. "

Ilang oras din kaming nakaupo lang doon sa garden at bumalik na kami sa loob ng bahay.

Nagpaalam na akong umalis ng una sa kanila pati na din kina mom dad at kina tito. Tsaka alam na nila kung saan ako pupunta.

Nakarating na ako kay Maddie at dinalhan ko din siya ng paborito niyang bulaklak.

" Hi, babe.. Alam kong nagagalit ka na sa akin dahil hindi pa ako naghahanap sa taong makapagpasaya sa akin at mas lalong nagagalit ka ngayon dahil hindi ko pa magawang maglet go sa'yo. Siya nga pala, dinalhan kita ng tulips, paborito mo 'yon. Inaamoy ko pa to para sa'yo pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit gusto mo ito kahit ang baho ng amoy. "

Tumawa ako sa sarili ko.

" Oh, di ba nagiging tanga na naman ako sa harapan mo. "

" Pero alam mo babe, may nakilala akong babae. Sobrang sungit niya, kabaligtaran lang siya sa'yo pero sa tuwing nakikita ko siya or naririnig ko lang pangalan niya or ngumingiti siya sa'kin nakakalimutan ko ang sakit dito sa puso ko. Sana makilala mo din siya. I'm sure you will like her. "

So Into YouWhere stories live. Discover now