Chapter 24

4.9K 81 5
                                    

Bea POV

Nakita ko na naman silang magkasamang dalawa. Halos naman araw-araw silang ganyan, dapat nga sanay na ang dalawang mata ko pero tila naman parating panibago sa paningin ko. Ako na naman ang tanga, naghihintay kung walang Marci na dadating kay Jho. Tanggap ko ng second choice lang ako.

Anong magagawa ko, tinamaan na naman ng pana ni kupido. Hay, Jho. Pilit ko mang kalimutan itong nararamdaman ko sa'yo, mas lalo lang lumalim. Sa paggising ko, ikaw agad ang hanap ko. Sa pagtulog, ikaw pa din ang nasaisip ko. At pati ba naman sa pag-take ko ng exam, ikaw pa din ang laman ng brain cells ko. Malala na nga ako pagdating sa'yo.

"Hoy, bei! 'wag ka ngang magdi-daydream diyan! Para kang tanga nakanganga!" si Ate Ells na naman.

Sila lang namang dalawa ang palagi ko ng kasama, nauumay na ako sa mga mukha nila. Buti kung kasama ko si Jho, panigurado hinding-hindi ako magsasawa.

"Bei, mabuti pang samahan mo kami ni ate Ells manood ng movie ngayon. Showing na daw ang Can't help falling In Love ng KathNiel! " excited na sabi ni Maki.

" Pass ako niyan. Ayoko sa ganyang klaseng movie. "

" Ang sabihin mo, broken hearted ka! Dinamay mo pa ang movie sa feelings mo! "

" Duh, hindi ah. Pass lang muna ako ate Ells. Saka na ako manonood ng ganyan kapag kami na ni Jho. "

Just saying lang naman kahit na malabo.

"Kailan pa bei? Hanggang sa makasal na sila?"

Bibig talaga ni ate Ells walang preno! Deymn! Wala na nga akong pag-asa kay Jho, pinamukha pa niya ang kasalan! Nakakabadtrip!

"Ewan ko sa'yo ate Ells! Mauna na akong umalis sa inyo." sabi ko at saka umalis ng classroom.

Tinungo ko agad ang parking lot dahil gusto ko ng makaalis. Nagiging mabigat lang tong skul eh dahil sa unggoy na iyon!

Since I don't want to go home early at 4pm, nagtambay na lang ako sa cafe Antonio. Aside sa masarap ang coffee nila, maganda din ang interior design ng place, there are books displayed too pwede kang kumuha at magbasa habang tumatambay dito, may mga nakadisplay na din na christmas decorations dahil 2 weeks na lang at magpapasko na, and of course ang tahimik dito and that only the sound of music ang nakakapagbigay ng ingay. The place actually complements my mood at this moment.

Nag-order na ako ng fave cappuccino ko at saka kumuha na din ng librong nakadisplay sa gilid. Napangiti ako sa librong napili ko dahil nandito din pala ang one of my fave books ko na Toxin by Robin Cook. Tinawag na ang number ko at saka kinuha ang coffee at bumalik na sa kinauupuan ko.

While drinking my coffee and at the same time reading a book, I notice someone stops at my table pero binaliwala ko na lang dahil baka may nakalimutan lang siyang balikan doon sa may counter.

The girl then did come and sit to where I seated.

"It's you again! Hi, I'm Keanna in starbucks, remember?"

Who's who? I don't remember her.

Nakatingin ako sa kanya sa pagbabakasakaling she rings a bell pero hindi ko talaga siya maalala.

" Seems you don't remember then. Nevermind. I'm Keanna by the way. And you are? " she's smiling at me. She's really pretty. But Jho is prettier. Ayan na naman tayo!

"Hi. I'm Bea. Nice to meet you." I smiled back. Baka sabihin niyang snobbish ako.

Nakawhite uniform din sya na bumagay sa kanya.

"You're a med student too? What year?" she asked.

Now my perception is right. She's a med student.

So Into YouWhere stories live. Discover now