Chapter 17

5.4K 113 1
                                    

Jho POV

Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. Napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa kabang may nagsasamantala sa akin pero narelieve din ng maalala kong dito pala ako natulog kagabi sa kwarto ni Bea dahil past 12 am na.

" Hahahahaha! Ang epic ng mukha mo Jho! Para kang sinabuyan ng tubig diyan! "

Tinignan ko lang siya ng masama. Kay aga aga nang-aasar.

" No worries, Beh. Hindi kita ginalaw kagabi. Not unless kung gusto mo. " Ayan na naman po ang mga lines niya.

I just rolled my eyes. Ayokong patulan ang mga hirit niya, mas lalo lang yang gaganahang mang-asar.

" Ugh! Beatriz, pahiram ng maisusuot. " sabi ko sa kanya dahil gusto kong maligo. Nanlalagkit na ang katawan ko.

" Pati undies din Jho? " mang-aasar na naman to.

" Oo, ano pa nga ba! Pahiram ng bago yong di nagagamit ha! " sarcastic kong sabi.

" Pwede din namang walang suot na Jho. Shorts ko na lang. " Again I rolled my eyes.

" Magbiro ka lang sa taong lasing 'wag sa taong gising bwisit. Nabwiwisit na talaga ako lalo pa't kumakalam na sikmura ko.

Tinawanan niya lang ako.

" I prepared clothes na bago ka pa man magising. Yan oh, nasa side mo lang naman. Dakdak ka kasi ng dakdak. "

" Ahy sorry naman po. Ikaw kasi pinagtatawanan mo ako. " sabi ko sa kanya. Ang sweet nya pero mang-aasar din naman after.

" Lapit ka dito, Beh. " sabi ko.

" Why? Magpapahalay ka na? " tingnan mo to! Ang dami niyang sinasabi! Mabuti pa yon nung una kaming magkakilala hindi nang-aasar.

" Dali na bago pa magbago ang isip ko. " lumapit agad siya sa'kin. Lalapit ka lang naman pala.

Umupo na siya sa kama. Inayos ko ang upo ko at nagback hug sa kanya.

" Ang bango naman ng beh ko. " sabi ko sabay amoy sa leeg niya.

" Ewww ka Jho. Bitaw ka nga. Hindi ka pa naliligo. " komento niya.

Mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

" Wait lang. 5 minutes at maliligo na ako. " Inamoy- amoy ko pa siya.

" Beh, ang aga mo yatang nagising? " tanong ko sa kanya.

" Nagising ako sa hilik mo. Ang ingay. Tulo laway ka pang nakayakap sa'kin. Gross! "

Leche talaga to. I push her away kaya naman nalaglag siya sa kama.

" Ugh! Ba't ka nangtutulak dyan? " galit na tanong niya sa'kin.

" Hindi ako tulo-laway kung matulog! At hindi ako naghihilik.! "

" Eh, sa totoo naman! " galit pa din siya.

Tumayo na ako at nilapitan siya.

" I'm sorry. Did I push you that hard? " naguilty naman ako sa ginawa ko.

" Sobra Jho. Ang sakit kaya. "pagrereklamo niya.

" Saan banda? " pag-alalang sabi ko.

" Here. " tinuro niya ang lips niya. Kaya nahampas ko siya ng malakas. Leche! Nahuli na naman ako sa bitag niya.

" Che! Maliligo na ako! " sabi ko sabay pasok ng cr. Asar!

" Jho, mauna na ako sa baba. Baba ka na lang pagktapos. " sabi niya na kumakatok sa pintuan ng cr.

So Into YouWhere stories live. Discover now