Chapter 15

222K 7K 2.7K
                                    

Tumakbo ako sa pinto nang marinig kong dumating na ang kotse ni Jave. Mag aalas-sais na ng hapon, maghapon siya sa school at sigurado akong pagod siya. Kaya naman nakangiti ko siyang sinalubong pagbungad niya palang ng pinto.

"Kumusta ang school Jave?" masigla kong sabi.

"Tinanong mo pa, eh di nakakapagod!" masungit niyang sagot na tila masakit ang ulo.

"Talaga?" nag-alala ako. Baka pinahirapan siya ng mga Professors doon dahil ngayon palang siya pumapasok? Nakakaawa naman. "Masakit ba ulo mo? Kumain ka na ba?"

Umiling siya. Dumiretso sa sofa, at sumalampak lang doon na para bang hinang-hina. Pinatong pa niya ang kamay sa noo na parang pinipigilan ang pagsakit noon. Napabuntong-hininga ako, bakit ganito ang aura ni Paniki ngayon? Parusa ba talaga sa kanya ang pumasok ng school? Nahihirapan ba talaga siyang mag-aral? Baka naman hindi siya gusto ng mga Professors niya tapos kinakawawa pala siya doon?

"Jave..ok ka lang ba? May masakit ba sayo?" naupo ako sa tabi niya para masuri siya. Kinapa ko din ang ulo niya kung may lagnat ba siya o kung ano. Hindi naman mataas ang temperatura niya.

"Ang sakit ng ulo ko.." paos na reklamo niya. Tsk. Ba't ganito si Jave?? Nagaalala na tuloy ako, ano ba kasing nangyari sa school?

"Masakit? Gusto mo ng gamot? Pero kailangan mo munang kumain, anong gusto mong kainin ipagluluto kita?"

"Masahiin mo muna ang ulo ko."

Makakatanggi pa ba ako? Kaagad akong pumwesto sa likod ng sofa at minasahe ng marahan ang ulo niya. "Oh, maganda ba sa pakiramdam 'to? Nawawala na kahit papanu ang sakit?"

"Oo.."

"Ano ba kasing pinagawa ng mga teacher mo sa 'yo? Grabe naman sila, minsan ka na nga lang pumasok pinapahirapan ka pa nila..Kawawa ka naman tuloy."

"Hayaan mo na. Masaya siguro silang gawin yun sakin.."nanghihinang turan ni Jave. "Yung Math teacher ko nga, yung dapat 2 hours na discussion, itinuro lang sa 'kin ng 30minutes. Halos dumugo na utak ko, wala siyang pakialam!"

"Tsk. Anu ba 'yang mga teacher diyan sa Westside, hindi naman ganyan ang tamang pagtuturo, akala ko ba mga trained Professionals sila?"

"Oo nga eh. Ang sakit pa nga ng tiyan ko, hindi ako nakakain ng maayos kaninang lunch break. Nagkagulo kasi sa canteen, tingnan mo yung sapatos ko, nadumihan pa ng mga nagkalat na spaghetti sa sahig.."

"Pati sa canteen nag aaway-away ang mga estudyante doon? Mabuti nalang hindi ka nakigulo, baka madamay ka, pag-initan ka pa doon."

"Ano namang akala mo sa'kin warfreak? Syempre hindi noh, pumunta ako doon para mag aral, hindi para gumawa ng gulo."

Napangiti ako sa sinabi niya, aba mukhang may mabuti naman palang epekto ang pagmamaktol ko kagabi. Isang araw palang si Jave sa school, mukhang may progress na sa ugali niya. "Ang galing ng Paniki ah. Biruin mo, lumipas ang isang araw na hindi ka nagwawala? Achievement to! Dahil diyan, ipagluluto kita, anong gusto mong kainin??"

Napabangon ito, tila ginanahan sa narinig. "Talaga? Gusto ko ng double-smoked salmon, broiled lobsters, roasted turkey and pork with lentils!"

Napanganga ako. Anong sabi niya? Salmon? Lobsters? Turkey? Pork? Ah dun tayo sa pork, alam ko yun eh. "Sure, magluluto ako ng pork with coconut milk, shrimp paste, chilies and garlic. In short, bicol express! Specialty ko yun!"

"Bicol express? Shrimp paste?" tila hindi siya makapaniwalang may ganoong pagkaing nage-exist.

"Oo, di mo alam yun?"

"Alam ko 'yon. Pero hindi naman 'yon ang gusto ko eh." Nakangusong reklamo niya, ang sarap niyang kurutin sa magkabilang pisngi.

"Pero 'yon lang ang special na pagkaing alam kong lutuin..'wag ka nang magtampo, pag-aaralan ko 'yang salmon at lobster chu-chu na gusto mo. Pero next time nalang pwede?"

Napakamot siya sa ulo tila nadisappoint ng sobra nakangiwi pa siya, gusto kong matawa sa mga reaksyon ni Paniki. "Nahirapan pa naman ako sa school.." reklamo niya.

"Asus! Wag ka nang magdrama, mamaya mamasahiin ko ulit ang ulo mo hanggang sa makatulog ka, ok?"

Ngumisi siya. Tapos tumango. Madali naman palang kausap si Paniki eh, kailangan lang nilalambing. Natatawa ako na natutuwa sa kanya.

Nagluluto ako habang siya naman nanonood ng TV. "Wala ka bang assignment?" Tanong ko.

"Wala. Hindi naman ako kinder."

Tumango-tango ako. Kinder lang ba ang nag aasignment ngayon? "Wala ka bang mga notes na pag-aaralan?"

"Wala na, nag-aral na ako kanina sa library bago umuwi."

"Ahh, buti naman..."

"Ikaw, anong ginawa mo maghapon dito?"

"Wala. Naglinis ng bahay saka naglaba ng mga damit mo.."

Napatayo siya sa sofa. "Nilabhan mo mga damit ko?"

"Oo, bakit? Bayad ko 'yon sa pagkupkop mo sa akin dito 'no. Hayaan mo, maghahanap na ako ng trabaho para hindi na ako maging pabigat sayo--"

"Shut up." Matalim akong tiningnan ni Jave. "Subukan mong mag-apply ng trabaho, papasabugin ko papasukan mo!"

"Anong gusto mo magkulong lang ako dito maghapon?"

"Eh 'di mag-aral ka."

"Saan? Sa Westside?"

Napaubo si Jave. Tila biglang pinasok ng hangin ang tiyan, kinabagan. "G-gusto mo sa Westside?"

"Syempre hindi." Ngumiti ako ng malawak sa kanya. Joke lang yun. Alam ko kung gaano kamahal ang tuition sa school na 'yun hindi ko na papangaraping mag-aral doon. Ok na ako sa public college. Pag nakapagtrabaho na ako mag-iipon ako. Hindi naman pwedeng iasa ko nalang kay Jave lahat.

Tila nakahinga siya ng maluwag. Nagduda tuloy ako. Ba't mukhang ayaw niyang pumasok ako sa school niya?


A/N: FB GROUP: Princes of Hell Club

A/N: FB GROUP: Princes of Hell Club

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now