Chapter 7

232K 7.7K 691
                                    


Hindi naging madali para sa akin ang makipaghabulan sa bus na magpapasakay pabalik sa apartment ni Jave. Sa totoo lang nagdadalawang isip ako kung babalik pa nga ba ako doon o pupunta nalang sa pinakamalapit na city hall, magmamakaawang makahingi lang ng pamasahe pabalik sa probinsya. Nakakalungkot mang isipin pero ngayong nakabalik na ng bansa si Rianne at magkasama na ulit sila ni Paniki, hindi nito magugustuhan kung malalaman nitong nakatira ako sa iisang bubong kasama ni Jave, baka hindi nito maintindihan. Kawawa naman si Jave kapag nagkataon, halatang-halata naman na mahal na mahal niya ang babaeng iyon.

Napahawak ako sa ulo nang maramdaman ang pagpatak ng ulan. Kung kanina'y mataas ang sikat ng araw, hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang kumulimlim ang langit. Nakiayon pa yata sa mood ko ang panahon. Pasalamat pa nga at nakasakay na ako ng bus bago pa man bumuhos ang malakas na ulan. Pero dahil nabasa na ang ulo at damit ko nanginig ako sa aircon ng bus na nakatutok sa akin. Pakiramdam ko magkakasakit ako dahil sa pagod at biglang pagkabasa sa ulan. Nakaidlip ako sa pagtitig sa ulan na bumubuhos sa labas ng bintana ng bus.

Jave

Awang ang mga labi ko habang pinagmamasdan si Rianne na sukatan ng iba't ibang damit at sapatos ng mga attendant ng boutique na pinasukan namin. Ilang taon nga ba kaming nagkahiwalay? Apat? Lima? Hindi ko na matandaan, pero kung pagmamasdan si Rianne ngayon parang walang nagbago sa anyo niya, siya pa rin ang babaeng walang palyang nagpapatalon sa puso ko sa tuwing nginingitian ako.

"Jey-Jey! Hey look, do I like pretty with this?"

Hindi ako natutuwa sa palayaw na binigay niya sa akin. Ang dating kasi para akong totoy pa rin sa paningin niya. Pero pinalagpas ko na lang iyon. Basta para kay Rianne, kaya kong pagbigyan lahat. Pinasadahan ko ng tingin ang sinukat niyang damit na kulay itim at hanggang kalahating binti lang ang haba. Kita ang buong balikat niya hapit na hapit ang tela sa balingkinitan niyang pangangatawan. Malawak ang pagkakatawa ni Rianne, para siyang anghel na bumaba sa lupa. Sa paningin ko nagkikislapan ang mga bituin sa paligid ng mukha niya. Nagthumbs-up lang ako sa kanya. Lahat naman ng damit na isuot niya ay bagay sa kanya.

Napansin kong kahit abala ang mga babae sa paligid ni Rianne sa pag-aasikaso sa kanya ay nahuhuli ko pa rin ang ilan sa kanila na nakatitig sa akin. Napabuga ako ng hangin, sanay ako sa atensyong binibigay ng halos lahat ng babaeng makasalamuha ko, naaasar ako kapag naghahagikhikan sila at alam kong ako ang pinagtsi-tsismisan. Imbes na mabadtrip, inabot ko na lamang ang bagong issue ng magazine kung saan nakafeature ang pinakamagagandang model ng mga kotse this year.

"Jey-jey, how about this??" Iba na naman ang suot ni Rianne. Mas maiksi iyon kesa sa nauna. Paganda siya ng paganda sa paningin ko. Thumbs-up ulit ang isinagot ko.

Sumimangot na si Rianne. "Hmmmpp! Parang hindi mo naman gusto eh.."reklamo niya na parang mas bata pa sa akin. Ngumisi ako. Tapos ay ibinalik ang atensyon sa binabasa.

"Mukhang mahirap I-please ng gwapo mong kapatid Maam ah.." komento ng isang attendant.

Hindi ko napigilan ang asar. Umusok ang tumbong ko ng marinig iyon. Hanggang ngayon ba naman, yun pa rin ang tingin ng mga tao sa akin? Batang kapatid ni Rianne? Kumuyom ang kamao ko at galit na ibinalibag ang magazine. Sinipa ko rin ng malakas ang glass table na nasa harapan at natumba yun. Nabasag lahat ng mga mamahaling crystal figurines na nakadisplay doon. Nagulat ang lahat sa inakto ko pero wala akong pakialam.

"Jey-jey! What's wrong??"

"Wala!" Padaskol kong sagot. Kinakalma ko ang sarili pero hindi ko magawa. Pag galit ako, gusto kong manapak ng tao! "I'm not her fuckin' brother!" Baling na bulyaw ko sa mga babae. "Why don't you just do your job and stop talking nonsense?!"

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon