Chapter 63

312K 9.3K 2.4K
                                    


JAVE POV

Naglalaro ako ng baseball. Hindi ako makapaniwalang nakikipaglaro ako sa mga lampa kong kaschoolmate, mga varsity sa baseball pero hindi man lang makascore ng maayos sa akin. Hindi ko alam kung lampa ba talaga sila o sobrang galing ko lang talaga wala nang tumalo sa akin.

Ako ang papalo ng bola. Sigurado na ang homerun nito, walang palya pupulutin ng kalaban ang baseball doon sa kabilang planeta. Haha. Iyak tawa na naman sila. Kinindatan ko pa si Jiro tapos ay inirapan lang ako, para talagang babae ang isang ito. Tsk.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa taong maghahagis sa akin ng bola. Ang pitcher ng kalaban. Naningkit ang mga mata ko sa bolang hawak niya, pinusisyon ko ang katawan ko para sa buong pwersang pagpalo ng bola gamit ang baseball bat na hawak ko. Ha! Kabahan na silang lahat. Nang ihagis nito ang bola, hinanda ko ang kamay ko---

“Jave, totoo bang girlfriend mo na si Sofia?”

Biglang umalingawngaw iyon sa tainga ko. Parang isang malaking bass drum iyon na pumasok sa eardrums ko nagshut down ang buong sistema ko. Hindi ko naigalaw ang kamay ko kaya tumama sa ulo ko ang bolang pinakawalan ng kalaban. Umikot ang paningin ko. Tae, parang nakatiwarik ang lahat ng tao sa paligid ko, nakaramdam ako ng malakas na lindol, hayoop.

“Aray!Pucha!” napamura ako sa sakit. Hawak ko pa ang noo ko. Matalim na tingin ang ibinato ko sa taong naghagis ng baseball.

“Sorry Jave hindi ko sinasadya!” sa asar ko lalapitan ko na sana ito para kaltukin sa ulo. Pero isang hakbang pa lang umikot na naman ang mundo ko. Tangina, nahilo ako. Pero hindi talaga ito ang may kasalanan eh.

Hinarap ko ang pinanggalingan ng boses na narinig ko. Madali kong naidentify ang taong iyon. Malalaki ang hakbang ko na pumunta sa kanya. Walang sabi-sabi kong hinila ang kwelyo ng damit niya halos hindi na sumayad ang paa niya sa lupa ng pitpitin ko ang leeg niya.

“Alam mo bang hindi pa ako natatalo sa larong ‘to sa buong buhay ko? Ngayon palang gago, at ang sakit ng bungo ko alam mo ba yun??” nanlilisik ang mga mata ko sa kanya sa galit. Wala akong pakialam kung mukha na siyang pinatuyong isda na binabad sa suka sa sobrang putla, nanginginig na siya sa takot.

“Jave…anong kasalanan ko…?”

“Nagtatanong ka pa! Anong sinasabi mong girlfriend ko si Sofia? Ginagago mo ba ako?”

“Hindi Jave, nagtatanong lang ako…”

“Tarantado, close ba tayo??” tuluyan ko siyang pinitpit hanggang sa hindi na sumayad ang paa niya sa lupa. Ang makialam, may kalalagyan, mabuti nalang mababait sila at nanood nalang. “Timing talaga ang tanong mo, tinamaan ako sa ulo hayop ka! San mo nakuha ang balitang yan? Siguraduhin mo ang sagot mo kundi paglalamayan ka!”

Naubo-ubo lang siya. Hindi na makahinga sa sobrang pagkakasakal ko kaya bahagya kong niluwagan ang kamay ko sa leeg niya. “Sagot!” sabay tapik sa ulo niya para maalog ang utak. Lintik lang ang walang ganti halos umikot ang mundo ko kanina, hayooop!

“N-narinig ko-ko k-kasing sinabi ni Sofia na bo-boyfriend ka niya..”

Ayan na naman. Tingin ko naapektuhan ang utak ko kanina eh, papatayin ko talaga ang hayop na ‘to. “Papatayin kita!” sinakal ko siya ng mas mahigpit sa nauna. Doon na ako pinigilan nina Jiro at Ark. Sila lang naman ang may lakas ng loob na makialam kapag may pinupuntirya akong estudyante. Mabait naman talaga ako, talagang naalog lang ang utak ko kanina, hindi nila ako masisisi kung magalit ako at mapatay ko ‘tong hayop na ‘to di ba? Kung anu-ano na ang naririnig ko, nakakatakot baka nabalian ako ng buto sa bungo. Hala!

“Anong bang kasalanan nito?” asik sa akin ni Jiro.

“Napuruhan ako sa ulo eh! Kung ano-anong sinasabi niyan!”

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon