Chapter 10

237K 6.7K 263
                                    


Hindi ko alam kung anong klaseng ugali meron 'tong si Paniki. Hindi man lang talaga ako hinintay. Halos magkanda-kuba na tuloy ako sa pagbitbit ng napakaraming groceries at parang ewan na rin ang itsura ko. Ang mahaba kong buhok na medyo alon-alon pakiramdam ko sobrang lagkit na sa pawis at mukha na talaga akong lusyang na sampo ang anak sa anyo ko. Pinagtitinginan na nga ako ng mga kasalubong ko eh.

Umasa akong babalikan ako ni Paniki, ang alam ko kasi kahit ganun kakunat ang ugali ng isang iyon ay may tinatago din siyang katiting na kabutihan sa katawan. Yun nga lang nakarating na lamang ako malapit sa parking wala pa din kahit na anino ni paniki.

Malamang masarap na ang pwesto niya sa komportableng upuan ng kanyang kotse habang nakikinig ng music. Samantalang ako halos kainin na ng pawis ko at maputulan na ng spinal cord sa bigat ng mga dala.

Nakahinga ako ng maluwag nang namataan ko na ang kotse niya. Si Paniki, prenteng nakasandal sa kotse habang nakasuot ng itim na headphones. Tsk. Malapit nang matapos ang paghihirap mo, Sofia. Konting tiis na lang. Pero kaagad na nawala ang ngising nabuo sa labi ko nang makita kong may lumapit sa kanya. Huminto ako at bahagyang nagtago.

Dalawang tao, isang lalaki at isang babae. Kahit medyo malayo ako sa kanila malinaw naman ang paningin ko. Si Rianne ang babae, napakaganda at napakasexy nito. Malawak ang pagkakangiti nito sa kanya, samantalang siya, imbes na ngumiti ay pinahalata pa sa mukha ang pagkaasar. At ang sama ng tingin niya sa kasama ni Rianne, parang mangangain ng tao ang anyo niya. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero malamang ang lalaking kasama ni Rianne ay ang mismong lalaking pinagseselosan ni Jave. Si Brendan.

Buti nga sayo. Karma is real.

Alam kong kinakausap pa siya nila Rianne, nilahad pa nga ni Brendan ang kamay nito para siguro makipagkilala sa kanya pero hindi niya inabot iyon. Sa halip ay asar ang mukhang pumasok ng kotse. Tinted pa man din ang salamin no'n. Napakabastos talaga nitong si Paniki. Hindi talaga naturuan ng magandang asal noong bata pa. Kawawa naman yung kasama ni Rianne, mukhang napahiya.

Kinabahan ako nang makita kong naglakad sila Rianne patungo sa akin. Tama. Papasok nga pala sila ng mall at nandito ako malapit sa may entrance, natural ay madadaanan nila ako. Natuod ang mga paa ko, naisip kong yumuko nalang at maglakad ng normal para hindi nila ako mapansin. Yun nalang ang gagawin ko.

Pero nang dumaan na sa harap ko si Rianne, hindi ko maiwasang mapatanga, ang ganda niya, sobrang ganda niya sa malapitan. Para siyang isang totoong Dyosang bumaba mula sa langit. Napakakinis ng balat at napaka-perpekto ng mukha.

Ewan ko ba, na-focus nalang bigla ang atensyon ko kay Rianne na hindi ko napansing sa gitna na pala ako ng driveway. Nakarinig ako ng sasakyang paparating kaya napalingon ako, huli na ang lahat dahil mabilis ang takbo nito papunta sa akin, ang driver parang bangag din, hindi nakatingin sa daan, nakatuon ito sa kung anong bagay sa nakapatong sa passenger seat nito.

Bumuka ang bibig ko para sumigaw, parang nanigas lahat ng muscles ko sa katawan at hindi ako makagalaw sa sobrang pagkabigla, mababangga ako! Jusko, mamatay na ako! Ang nagawa ko nalang ng mga oras na yun ay ang pumikit para hindi ko makita ang karumal-dumal kong katapusan!

Sa pagpikit ko naramdaman kong may humila sa braso ko, sa lakas ng pagkakahatak nawalan ako ng balanse at nadapa patungo sa gilid ng driveway. Ilang sandali pa naabsorb na ng utak ko kung ano ang nangyari, nakaiwas ako sa sasakyan! Pero...

"Miss Ri-- Sorry!" bulalas ko. Nadaganan ko siya, siya yata ang humila sa akin. Si Miss Rianne. Kawawa naman ang malambot nitong katawan. Sinubukan kong bumangon pero nakaramdam ako ng matinding sakit sa legs at sa balakang. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon