Chapter 8

241K 6.9K 336
                                    

Jave's heart shuttering embrace had been a great relief. Pakiramdam ko lahat ng tampo at sama ng loob na naramdaman ko para sa kanya ay biglang naglaho dahil sa yakap na 'yon. Pagkatapos ng lahat ng hirap at mala-yelong lamig na naramdaman ko sa daan, parang gusto ko nalang isiksik ang katawan ko sa katawan niya ng buong magdamag. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang comfort na nararamdaman ko kapag si Jave na ang kasama ko. Hindi ko din alam kung kelan nagsimula basta ang alam ko nalang na kapag kasama ko na siya, wala na akong dapat na ipag-alala. Pakiramdam ko ang mga bisig niya ang pinakasafe na parte ng mundo.

Napilitan lang akong kumalas sa kanya nang tumunog ang cellphone niya, mukhang importanteng tao ang tumatawag dahil kaagad niyang sinagot iyon. "Hello Rianne?" tutop niya ang noo. "I'm sorry I forgot to call your driver!" Kagat-labi niyang turan sa cellphone. "Are you home already?"

Bakit ganun ang tanong niya kay Rianne? Hindi ba niya hinatid? Di ba nga iniwan pa niya ako dahil nagkakandarapa siyang ihatid si Rianne kanina?

"My emergency?" Tumingin sa akin si Jave bago nagpatuloy. "It's okay now.. I'll see you..Bye."

Pagkababa ng phone ay ako naman ang binalingan niya. "Kumain ka na ba?"

Umiling ako. Totoo namang kumakalam na ang sikmura ko.

"Doon ka na sa kusina. Kumain ka."

Iningusan ko siya. Biglang parang deserve kong magpalambing pagkatapos ng lahat ng sinapit ko nang iwanan niya ako sa school. "Ipaghanda mo ako. Magbibihis pa ako."

"Ako pa talaga ang inutusan mo. Inorder ko na nga 'yan para sayo." Reklamo niya.

Sumimangot ako. "Hindi nalang ako kakain."

"Tingnan mo to. Sapakin ko to!" Asar niyang angil sa akin. "Napaka-arte mo ah!"

"Magbibihis na ako. San ba ako matutulog?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Saan mo ba gusto?"

"Di ko alam sayo. Dito nalang sa sofa..."

"Wag na. Dun nalang sa kwarto ko. At saka kumain ka!"

Napangiti ako nang pilit na pilit siyang magmartsa papuntang kusina para ihanda ang pagkaing nabili niya sa labas. Hindi ko inaasahang magluluto siya para sa akin, pero ang saya na sa pakiramdam na nag-abala siyang bilhan ako ng pagkain. Ibig sabihin, inaasahan niya pa rin na babalik ako. Hindi man niya ako hinanap, at least di niya nakalimutang uuwi ako.

*****

Kinaumagahan, maagang gumising si Jave, kasarapan ng tulog ko bago magbukang liwayway, kumakatok na siya sa pinto. "Bakit? Ang aga pa. Papasok ka ba sa school?" Bungad ko sa kanya nang buksan ang pinto.

Nakabihis na siya with his usual breathtaking get up. Simple faded jeans, white shirt, converse shoes, black earrings, and of course, his tattooed arms. Napatitig ako sa mukha niya. Jave looked so fresh, his hair was in disarray but it looked stupidly sexy hovering his face. Also, his face was a combination of intimidating pair of dark brown eyes, strong nose, and a lips that was so pinky women would kill just to have the same pair for themselves. Napapa-ingles ako sa utak ko. Para kasi siyang bida sa isang pelikula!

"Anong klaseng itsura 'yan?" Kunot ang noo niyang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Suddenly I became aware of my own appearance. While Jave looked so extravagant and dazzling, heto ako sabog ang buhok at oily ang mukha dulot ng magdamag na pagtulog. "Papasok ka nga?" inis kong bwelta sa kanya.

"Hindi. Ano namang gagawin ko doon? Aalis tayo, sasamahan mo ako." Nalukot ang mukha ko dahil tinatamad pa ako. Saang kweba na naman kaya ako bibitbitin ng paniking ito?

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon