Chapter 30

221K 6.6K 669
                                    


While going through our usual lesson for the day, napansin ko ang indifference ng Professor namin sa akin. Nang tawagin niya ako para magrecite, binato niya ako ng mga kakaibang tanong na kung hindi ako nagadvance study ay hindi ko masasagutan. Napansin ko ding ako nang ako ang tinitira niya at ginagawang example sa klase.

“Excuse me.”

Napalingon kaming lahat sa pinto, it was Zirk holding a bunch of flowers with different kinds and colors.

“Can I borrow Sofia for just a minute?”

Di nakaligtas sa akin ang pagsimangot ni Ms. Coral, ang matandang dalagang Professor ko, bago nito bigyan ng plastic na ngiti si Zirk. Nararamdaman ko talagang hindi ako gusto ni Ms. Coral, pero dahil si Zirk ang nakiusap, wala siyang choice kundi ang umoo.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko nang makalabas na kami ng room.

“Just checking on you. I just want to make sure you’re ok now.”

Nahiya akong ngumiti sa kanya. Lalo na nang inabot niya sakin ang kumpol ng mga bulaklak at alam kong hindi bababa sa isandaang pares ng mata ang nakatingin sa amin.

“Wala naman akong sakit. Ok lang ako, hindi mo na ako kailangang icheck..”

“I officially joined drama and dance club today, It’s gonna be my assessment performance later this afternoon. Sa quadrangle yun gaganapin, sana may time ka..”

Inisip kong baka maaga na naman uuwi si Paniki. Pero dahil nga asar ako kay Jave, umoo na lang din ako kay Zirk. Natawa pa ako nang halos tumalon siya sa tuwa na para bang ako lang ang kailangan niyang audience doon.

Pagbalik ko sa klase, hindi magkandaugaga si Kayla sa kakatingin kay Zirk, tapos mas excited pa siyang amoyin ang bulaklak na hawak ko kaysa sa akin.

“Uy, may something na ba sa inyo ni Zirk?” tudyo ni Kayla. Tinawanan ko lang siya. “Akala ko si Jave ang nanliligaw sayo?” dagdag pa nito na mas lalo kong ikinatawa.

“Si Jave manliligaw sakin? Hindi pa magugunaw ang mundo, imposible yang sinasabi mo.”

“Talaga ba?” Sumaya ng husto ang mukha ni Kayla, nagtawanan pa kami. Napagalitan na naman tuloy kami ni Ms. Coral, lalo pa’t pati ibang mga kaklase ko, sa akin na rin nakatingin. Nawala na ang atensyon ng mga ito sa Professor.

“At dahil mukhang may magaling tayong studyante dito na wala nang pakialam sa Professor na nagtuturo sa harapan, ako na ang pipili ng project mo Ms. Perez.”

Inabot niya sa akin ang isang piraso ng red na papel. Samantalang ang ibang mga estudyante hinayaan niyang bumunot sa fish bowl para sa kanya-kanyang project for this semester.

“Oh Em! Alcantara Hotels! I need to interview one of the directors..” yun ang task ni Kayla. “Friend, help me please, kailangan nating kausapin si Zirk na magset ng appointment sa isa sa mga directors ng Papa niya…”

“Ok lang siguro yun Kayla, mabait naman si Zirk di ba?”

“Mabait sayo..kakausapin mo ba siya para sa akin??”

Tumango ako. “Oo naman, ta-try natin yan!”

“Yey! I’m sure papayag si Zirk, kaw pa ba! Ano nga pala ang task mo?”

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang papel na para sa akin. May pakiramdam kasi akong mahirap iyon base sa sinabi ni Ms. Coral kanina bago ito umalis.

INTERVIEW WITH THE PRINCES OF HELL

Sa ibaba ay ang detalye ng mga kailangan kong malaman kung paano ang kanya kanyang strategy nila sa pamamalakad ng kompanya.

“Princes of Hell??” halos sigaw ni Kayla. Nagtinginan tuloy sa amin ang mga kaklase namin. “Nababaliw na ba si Ms. Coral, napaka imposible niyang project mo!”

Napamaang ako. Wala akong ideya sa sinasabi ni Kayla. “Kahit dalawang members lang ok na daw, hindi naman siguro mahirap..”

“You don’t have an idea, don’t you? Hindi mo kilala ang mga miembro ng Princes of Hell at kung anong klaseng businessman sila ano?”

Mas lalo akong naguluhan. Umiling nalang ako kay Kayla. Napatampal siya sa noo. “I-open mo laptop mo.”

Ginawa ko ang sinabi niya, sinearch namin ang mga Princes of Hell. Hindi namin napasok ang mismong website dahil restricted ang access nun pero may mga detalye kaming nakita ni Kayla.


Princes of Hell, list of the wealthiest, most dazzling and ultimately evil business magnates in the world. They are known in the business world for their godly looks and demonic temper.



4.Christian Black Demetri, Italian magnate, sole owner of Demetri Enterprises one of the biggest supplier of deadly weapons and jet fighters around the world.

3. Phoenix Arthur DiZeriu, a savage Australian banker, owner of Dizeriu Finance Company the biggest and the most prestigious financing company in the world.

2. Drico Antonio DiVanne, the devil Greek Steel Magnate, he’s the head of DiVanne Steel and Real Estate, one of the oldest,most glamorous international property developer in the world.

1. Jandrix Alexis DiMarco, Russian-American, Chairman and CEO of Dimarco Group of Companies. His line of business is diverse and unmeasured. He’s rumored to be the darkest, most evil of them all.


Natulala ako sa harap ng computer.

“We’re not talking about local businessmen here Sofia. International businessmen sila at hindi mo basta-basta makikita sa isang ordinaryong business gathering lang. Ultimo nga international media hindi sila mahagilap ikaw pa kaya! Imposible ang pinagagawa sayo ni Ms. Carol, tingin ko may galit lang siya sayo. Pwede tayong magreklamo tungkol dito. Napaka-obvious naman na ayaw ka niyang pumasa sa subject niya!”

Lumapit sa amin sina Agatha at Elle, ang mga kaklase naming taga front row. Sinilip nila ang laptop ko.

Tumawa pa si Agatha. “Interesting project, sana sa akin nalang napunta…”

“Yabang..” bulong ni Kayla.

“Tsk. Tsk. Kailangan mong galingan diyan Sofia, kundi babagsak ka..” nakangisi pang sabi ni Elle. “Nakaka-excite naman ang semester na ito. Goodluck sayo! Aabangan namin ang interview mo..”

“Sana buhay pa siya pagkatapos ng interview..” singit ni Agatha na nagpatawa sa buong classroom namin. “O kaya naman, sana makapag set siya ng interview..”

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kalibre ng mga taong dapat kong kausapin. Base sa records nila, baka nga tama si Agatha, baka nga ito na katapusan ko.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now