Chapter 44

200K 6.2K 492
                                    

Maikli lang to;) Pov ni Jave

********

"Whoaa. Himala! Nandito ka na. Alam mo bang ngayon ang annual exam across all levels and departments for school ranking kaya ka maaga?"

Tiningnan ko ng masama si Jiro. Nakatakip ang isa kong kamay sa bibig ko. Kami palang dalawa ang estudyante sa buong department. Napaaga ang dating ko. Nakakainis. Nakakabagot.

"Uy! Jave! Mukhang naexcite ka sa kissing scene niyo ni Sofia kagabi ah, bat ang aga mo Paniki?" Si Ark yun. Kasunod na dumating ni Jiro. Ang aga binibwesit ako. Pinalipad ko sa mukha niya ang hawak kong notebook. Well, hindi ko notebook. Notebook yata ni Jiro dahil nakuha ko yun sa katabi kong upuan.

Nailagan din naman ni Ark. Pasalamat ito.

"Hoy! Pag tinamaan ako nun, masakit yun ah." reklamo nito.

"Gusto nga kitang saktan. Hindi ba halata. Ang ingay mo!" sigaw ko sa kanya.

"Ano ba yang kamay mo? Ba't tinatakpan mo bibig mo?" tanong ni Jiro.

Masama ang tinging ipinukol ko kay Jiro. Isa pa 'to eh.

"Pini-preserve niya ang kiss nila ni Sofia. Jave, may tanong ako. Naligo ka ba?" isa pang banat ni Ark. Sa asar ko dito, binitawan ko ang bibig ko. Kumuha ako ng silya para ihampas sa kanya2. Ang layo ng tinakbo ng gago. Tae.

"Jave namamaga ang bibig mo. Allergic ka ba sa halik?" nakatawang tanong ni Jiro.

"Tangna. Pati ba naman ikaw? Gusto niyong mabankrupt lahat ng negosyo ng mga magulang niyo? Asarin niyo pa ako!"

Tinawanan lang ako ni Jiro. Naupo siya sa pwesto niya at nagbukas ng laptop. "Ngayon ang annual exam, hindi ba kayo magrereview?"

Nagkibit balikat ako.

"Sabihan mo si Sofia. Kailangan tumaas ang numero niya. Mas matatanggap siya ng mga taga-Westside bilang prinsesa mo kung mataas ang numero niya."

"Prinsesa ko talaga?"pabiro kong tanong kay Jiro.

"Bakit. Hindi ba?"

Naalala kong nakita nga pala nilang dalawa ni Ark ang nangyari sa club kagabi. Sa mata nila hinalikan ko si Sofia dahil gusto ko siya. Tch. Hindi naman ganun yun eh. Hinalikan ko siya dahil....dahil... dahil hindi ko alam. Dahil gusto ko lang? Tsk. Napahilamos ako sa mukha ko. Nasagi ko ang ibabang labi ko kaya medyo kumirot iyon. Pumasok na naman sa utak ko ang nangyari sa bahay.Ha! Ba't niya ginawa yun? Dumikit ang labi niya sa labi ko kaya parang halik na rin yun. Ayokong maalala na para akong tangang natulala kanina dahil doon. Daig ko pa ang na- knock out, nakakahiya. Nainvade na naman ako ng Alien. Pero tae, masakit talaga. May rabies pa yata ang bibig niya.

Tumayo ako at asar na lumabas ng classroom.

"Hoy! Saan ka na naman pupunta?" tawag ni Jiro.

"Sa basketball court. Kailangan kong pagpawisan." Masisiraan na talaga ako ng ulo!

Inabutan ko doon si Zirk. Kung mamalasin nga naman oh. Naalala ko ang ginawa niyang paghatid kay Sofia kahapon. Kahit ayaw kong magalit nagagalit talaga ako. Pinagmasdan ko ang laro niya Magaling siya sa totoo lang. Mabilis gumalaw, mataas tumalon at maganda ang pulso kaya magaling sa three point shots. Kaya lang, sa mga kalabang katulad ni Xymon na hindi takot ma-foul at madisqualified sa laro, wala siyang laban. Kawawang nilalang.

"Anong ginagawa mo dito?" nakita niya ako.

"Kung gusto mong matuto ng totoong laro lumabas ka sa lungga mo. Wag puro basketball court ng Westside ang kinakabisa mo. Subukan mong makipaglaro sa labas ng court. Walang referee, walang rules, walang timer at higit sa lahat walang awa. Larong ang iisipin mo lang ay maishoot ang bola at makalamang ng puntos sa kalaban sa kahit na paanong paraan."

"Talaga? Maghahanap na ba ako ng demonyong kalaro para magpractice? Ang lakas ng loob mong pangaralan ako sa larong buong buhay kong pinagaralan."

Tinawanan ko lang siya. Sa klase ng laro niya, tatalunin ko siya kahit nakapikit ako. Hinagis niya sa akin ang bola. Kung hindi malakas ng pulso ko na saluhin iyon, pinong suntok sana yun sa sikmura ko. "Hinahamon mo ako?" tanong ko.

"Kung gusto mong tumakbo ok lang.."

Ang yabang. Ibinalik ko sa kanya ang bola ng may mas malakas na pwersa. Nasalo niya rin iyon. Umangat ang kilay ko. Bihira ang mga taong kayang salagin ang opensa ko. Aalamin ko kung hanggang saan ang tibay ng buto ng Zirk Alcantara na 'to sa larong hindi naman siya masyadong dehado. Sabi pa nga niya, buong buhay niyang pinag-aralan ang basketball. Ako kasi minor ko lang to, major ko talaga ang basagulo. At hindi ko alam kung bakit ang bait ko, sheyt.

 At hindi ko alam kung bakit ang bait ko, sheyt

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon