Chapter 24

236K 7.8K 1.1K
                                    

"Alien ano ba ang ingay mo!"

Sigaw sa akin ni Jave matapos kong patogtogin ng makailang ulit ang Despacito. Sinubukan kong tingnan ang dance steps nito sa net, napag alaman ko lang na napakahirap pala talaga at required pa na may kasama akong sasayaw. Sabi ni Ms. Zandra, pwede daw akong mamili ng kapartner, kung wala naman akong mahanap marami namang lalaking members sa club ang pwede kong hiramin. Kaso panu ko naman gagawin iyon nang hindi nakikipagplastikan sa kanila? Malay ko ba kung ilaglag ako ng mga yun sa unang task ko sa club. Kung bakit kasi ang hirap ng task na ibinigay sa akin.

Hindi madaling sayaw ang despacito, bukod sa hindi ko maintindihan kung tungkol saan ang lyrics hindi rin ako sanay na mahawakan ng lalaki, medyo touchy ang sayaw eh.

Sino kaya ang pwede kong makapartner? Lumutang ang utak ko, nagkaroon ng usok effect sa imahinasyon ko. I saw myself dancing to the sexy beat of the song, nalaglag ang ulo kong nakapatong sa kamay ko nang pumasok sa eksena si Jave at mula sa likuran ay hinawakan ako sa beywang. Parang naglabasan lahat ng kuryente ko sa katawan! Nang pagapangin niya pataas ang kamay niya papunta sa balikat ko.

Natigil ang pangarap ko nang matigil din ang kanta. Hindi ko namalayan ang paglabas ni Jave sa kwarto at pagpatay ng disc player.

"Alien, alam mo ba kung anong oras na? Mag aalas-dose na ng gabi. Hindi ako makatulog sobrang ingay mo ang laswa pa ng kantang pinapatogtog mo! Gusto mo talagang samain noh? Ihahampas ko tong speaker sa mukha mo eh!"

Napakuyom ako sa narinig ko. "Subukan mo!" ganti ko. Ang bunganga ni Paniki minsan hindi ko talaga matantiya eh. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kapaitan ng lahat ng lumalabas sa bibig niya. Ang bibig niya kung titingnan mo apple, pero lasang ampalaya!

"Ikaw na nga tong nakaka-istorbo ikaw pa tong galit? Wow ang tindi mo!"

"Eh pwede mo naman kasing sabihin sa maayos na paraan na hinaan ko ang volume. Wala ka bang ganung manners? Lahat ba talaga ng lumalabas diyan sa bibig mo brutal??"

"Oo, anong paki mo? Matulog ka na!"

Inirapan ko lang siya at muling binuksan ang stereo. "Hindi pwede kailangan kong magpractice, kinakabisa ko ang kanta ok?" 

"Ha!" mapakla niyang tawa. "Wala na bang ilalaswa pa yang kantang yan?"

"Hindi ko naiintindihan kaya ok lang."

Tumitig siya sa akin. Napaatras ako nang lumapit siya sakin, nilapit niya ang ulo niya sa leeg ko nang mawalan na ako ng maaatrasan tapos bumulong...

"I want to undress you with kisses slowly."Nanlaki ang mga mata ko. " Sign the walls of your labyrinth and make your body a manuscript.." that's when I realized he was just directly translating the song. But he said it like he mean it, especially with the superb look in his eyes. Suddenly his eyes were darker and narrower like tempting me to go to unknown and beyond. Umubo ako para mapalis ang init na nagsimulang gumapang sa sikmura ko dahil sa sinabi ni Jave.

Umilap ang mga mata ko. Pero hinuli niya ang baba ko para iharap ang mukha ko sa kanya. "If I ask you a kiss, come give it to me. I know that you're thinking about it..." nanginig ang mga kamay ko. Sigurado akong sinusundan lang ni Jave ang lyrics ng kanta at sinasabi niya sa akin base sa naintindihan niya. Inabot ko ang speaker at pinatay iyon. Saka lamang siya natigil, hindi na niya alam ang susunod na lyrics. Sa wakas binitiwan niya ako at lumayo siya sakin. Nabawasan ng konti ang panginginig ng laman ko.

Ngumisi si Jave na para bang nadiscover niya bigla ang kahinaan ko.

"Hindi ko alam na nakakaintindi ka ng Spanish."

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now