Chapter 25

218K 11.5K 1.2K
                                    


“Jey…jey…”

Langya ang lambing ng boses ngayon ni Sofia ah. Kelan pa? Anong nakain nito? Kamote? Pakainin ko nga ng isang sako! Hindi muna ako babangon, ninanamnam ko pa eh. Mabait pa ito ngayon pero mamaya magwawala na ‘to. Nakakatawa, ang sarap niya talagang asarin.

“Jey..”

Kumibot lang ako. Kunwari bumaling lang ako ng higa at niyakap ang unan. Gusto kong magkunwaring humihilik pero wag na lang. Gwapo pala ako, hindi ako marunong humilik. Naiimagine ko na ng mukha ni Alien, tinutubuan na ng lumot ang ilong niya tapos humahaba na ang antenna sa noo. Mas lalo ko siyang aasarin para mas lalo siyang pumangit. Nakakatawa talaga! Aray, ang sakit na ng tiyan ko kakapigil humalakhak, langya. Kaya ko pa ‘to.

“Jey, wake up now.”

Bahala ka diyan Alien. Nagkakaugat na ang ilong niya, isang dilig nalang mamumulaklak na mga pores niya sa mukha!

Shit! Napapitlag ako ng hawakan niya ako sa pisngi. Tinititigan ba ako ni Alien? I could feel her breath on my face now na para bang ang lapit ng mukha niya sa akin. At ang bango niya, kakaiba ang bango, teka……

Nagmulat ako. Hindi amoy ni Alien ang naamoy ko, para akong binuhusan ang malamig na tubig sa panaginip ko. Napakurap ako sa mukhang nakaharap sa akin ngayon

“Good morning handsome!”

Si Rianne. Malawak ang ngiti niya sa’kin. Ang alien sa panaginip ko napalitan ng diwata.

“Or should I say good afternoon?”

Napakurap ako. Shit, wala ako sa bahay ko! Napahawak ako sa noo nang maalala ko kung ano ang nangyari kagabi. Nagtxt sa akin si Rianne na puntahan ko siya dito sa condo niya, at dahil mag isa siya at lasing nag alala ako at tumakbo kaagad dito. Masama na naman ang loob niya sa manloloko niyang syota-syotaan na si Brendan. Apparently, Rianne caught him cheating--again, for the nth time. Hindi ko siya napigilang maglasing kaya sinamahan ko nalang siya. At yun na nga, nauna pa akong malasing sa kanya, sa sobrang galing kong uminom! Fuck.

Napatingin ako sa orasan. Shit! 3pm?? Naisip ko kaagad si Alien, pumasok nang mag isa yun at malamang naglakad ng halos dalawang kilometro papasok sa campus! Napahilamos ako sa mukha, tangina gigiyerahin na naman ako nun.

“Ba’t di mo ko ginising? May pasok ngayon!” iritado kong sabi.

“Uh. Sorry, you slept late last time, so I thought It’s fine to skip your classes today. Don’t worry, I told your dean you’re sick.” nakangiting tugon sa akin ni Rianne. Ewan ko ba, dati naman ngumiti lang siya tanggal na asar ko pero bakit ngayon naasar pa rin ako?

Hindi ako pumasok buong maghapon. Isang subject nalang ang aabutan ko kung pupunta pa ako sa school. Hindi ko alam kung ano ang ihahambalos sa akin ni Alien kapag nagkita kami sa school. Damn!

“I have a 4:30pm ballet class later sa Westside. Maligo ka na at magbihis, walang magda-drive sa akin papunta doon.”

Kumunot ang noo ko. “What?”

Ngumiti na naman si Rianne. “Come on now, Jeyjey. Escort me today, you know I need you…”

Umikot ang mata ko. May magagawa pa ba ako kung ganitong ang reyna na ng aking buhay ang nagsabing kailangan niya ako?

Pero teka, anong isusuot kong shield para kay Sofia mamaya? Bahala na si Batman! Tsk. Natigilan ako sa naisip ko. Si Superman pala. Bahala na nga. Wala na akong nagawa nang itulak ako ni Rianne patungong shower room para maligo.





HInatid ko si Rianne sa school. May mga importanteng estudyante daw siyang tuturuan ayon sa pakiusap ng mga kaibigan niya. Sinamahan ko na rin siya sa malaking ballet studio ng Westside na sa kasamaang palad ay katabi ng theatre. Namataan namin sina Jiro at Ark, papasok sana sila sa theatre nang makita kami.

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon