Chapter 35

217K 7.1K 770
                                    


Pinuntahan ko si Zirk sa clinic. Naawa talaga ako sa kanya, sobrang pagod na pagod siya kakahabol sa score ng team nila, bandang huli natalo pa din ang Westside. Mabuti nalang practice game palang iyon. Inabutan ko ang coach niya na sinisermunan siya, hindi ko sinasadya na marinig ang usapan nila. Nagtago na lang ako sa likod ng pinto.

“Hindi ito pwede Zirk. I know you did your best but its not good enough. Hindi pwedeng matalo ang Westside sa championship. They will play a very dirty game at kailangan nating paghandaan iyon!”

“Yes coach..” walang ganang sagot ni Zirk habang kinakapa ang tagiliran na nakabandage na ngayon. Noon ko lang ito nakitang ganun kadepress at hindi ako sanay. Parang this time, siya naman ang dapat na iche-cheer up ko.

“Magkaibigan ba kayo ni Jave Santillan?” tanong ng coach.

“Bakit?” kunot-noong tanong din ni Zirk.

“Sa kanya ko nakita ang ganoong laro. Magaling si Jave sa street basketball, pwede kang makahingi ng ilang pointers sa kanya kung panu aatake at dedepensa-”

“Shut up! Hindi ko kailangan ng tulong ni Santillan, hindi ko siya kaibigan!”

“This is not the right time to be bullheaded Zirk!”

“Pag-aaralan ko ang laro nila wag kang mag alala. Kahit hindi ako magpahinga, gagawin ko. Sinisiguro ko sayong mananalo ang team mo!”

Napakamot ng ulo ang coach. Masama ang naging timpla ni Zirk sa sinabi nito. “Kung pwede ko lang isali si Jave--”

“Hindi mo kaya. Hindi mo kayang ipasok si Jave sa basketball team dahil ayaw niya. At isa pa hindi mo siya kayang kontrolin kapag nagwala na siya sa court. What makes you think na papayag siyang turuan ang team? Nag iisip ka ba??” madilim ang anyo ni Zirk. “Ako ang gagawa ng paraan, umalis ka na lang.”

“Fine. Bahala ka. Suggestion lang naman para mapadali ang lahat. Kung ayaw mo, hahanap tayo ng ibang paraan.” iwinagayway pa ng coach ang kamay sa hangin at umiiling na lumabas ng kwarto.

Kagatlabi akong pumasok pagkatapos ng tatlong minuto. Iniinda ni Zirk ang malaking pasa nito sa tagiliran pero nang makita ako ay ngumisi na parang wala nang sakit na nararamdaman. Pride nga naman, ayaw pang ipakita sa akin na nasaktan siya sa laro kanina.

“Sofia! Nandito ka! Kikiligin na ba ako??” pabirong turan niya.

Umingos ako. “Nanood ako sa laro mo kanina..”

Nawala ang ngisi nito.

“Ang galing mo nga. Ikaw lang lahat ang bumuhat sa score ng team niyo, kung hindi dahil sayo baka natambakan kayo..”

“Talo pa rin. Nakakahiya, nandun ka pala.”

“Proud naman ako sayo. Mandaraya lang talaga ang grupong iyon. Kailangan pa nilang manakit para manalo. Ok ka na ba?”

Tumango siya. “Oo nandito ka na eh. Hindi ko talaga iniexpect na dadalawin mo ako dito, akala ko umuwi ka na, ganitong oras umaalis na kayo ni Jave eh.”

Oo nga noh? Patay. Napatingin ako sa relo. Tsk. Hinahanap na ako nun sigurado… hmm, kasama niya nga pala si Rianne. Malamang hindi.

“Alien!”

I froze. Si Paniki. Teka. Imagination ko lang ‘to. Ngiwi akong ngumiti ulit kay Zirk. “Wala si Jave eh..” sabi ko pa kay Zirk.

“Tch. Pangit na Alien!”

Tumirik ang mga mata ko. Si Paniki nga yun, hindi guni-guni ko. Humarap ako sa pinto. Nakita ko ang pikon niyang anyo. Malapit na naman siyang tubuan ng sungay sa itsura niyang iyon.

She's The Bad Boy's PrincessWhere stories live. Discover now