Chapter 54

215K 7.8K 988
                                    

"Tae. Nakakahiya." Nakatulala ako sa dingding ng hotel na kinaroroonan ko. Hinawakan ko ang pisngi ko sa sobrang init nun pakiramdam ko nasusunog na ang balat ko sa mukha. Sa cellphone ko pa nga lang sinabi sa kanya para na akong masisiraan ng ulo, panu pa kaya kapag sa personal ko sinabing gusto ko siya? Sumasakit ang ulo ko sa kahihiyan. Panu ko ba sasabihin kay Alien sa gusto ko siya nang hindi niya ako tinatadyakan sa mukha? "Sheyt!"

Kailangan kong mag-isip ng paraan. Pero na-stroke na yata ang utak ko, wala akong maisip. Hayys!! Asar kong naitapon sa ere lahat ng unan na nasa ibabaw ng kama ko. Teka bago ko makalimutan kailangan ko palang tawagan si Jiro.

"Ei dude?"sagot kaagad ni Jiro.

"Jiro, nagreview ako ng CCTV footage sa kwarto ni Sofia, napansin ko lang na namatay ang camera ng about 15 minutes around four o'clock pm today. Anong nangyari?"

"Ha? Wala naman, pero hindi ako sigurado late ko na din kasing nabisita si Sofia. May inutos sa akin ang Daddy ko. Bakit may nangyari ba? Tinanong mo na ba si Sofia?"

"Wala. Wala naman, tinawagan ko siya, mukha namang walang problema. Binibisita niyo ba siya sa hospital?"

"Oo naman. Hindi lang ikaw ang kaibigan ni Sofia, kami din." sagot ni Jiro.

"Good. And Jiro, I have a favor to ask. Kilala mo si Mrs. Sabrina Vee Suarez-Demetri di ba?"

"Oo. Kilala siya ng Daddy ko. Bakit?"

"I'm sending you docs later tonight. I need your help about something.."

Nang ibaba ko ang cellphone. Hindi pa rin ako mapakali, why do I have this bugging feeling that something was off?


Kinaumagahan. Pinilit magawan ng paraan na maupo malapit kay Christian Demetri. Habang dumadaldal ang speaker sa unahan napansin kong naka-open ang laptop niya at gumagawa siya ng ibang bagay. Layout ng isang komplikadong jet fighter na noon ko lang nakita ang binubusisi niya. May bago ba siyang ilalabas na sasakyan?

I was about to talk to him silently nang mapansin ko ang katabi ko sa upuan na pasimpleng kinukuhanan ng picture ang monitor ni Christian. Napatikhim ako. I stared at the man in black suit taking photos. Napansin nito ang mainit kong titig kaya tinigil nito ang ginagawa. Pasimple itong tumayo at naglakad palabas ng hall. Napailing ako. Ilang sandali pa isinara na rin ni Christian ang laptop niya, tumayo at sumunod sa direksyong tinahak ng lalaking may camera. Alam kong hindi ako dapat na sumunod, pero dahil hindi natural akong pakialamero, sinundan ko ang dalawa.

I tried to catch up with Christian, naabutan ko siya sa parking lot. Kakaiba ang ikinikilos niya. Lumingon-lingon siya sa paligid bago kinuha ang isang maliit na black box device sa bulsa, pasimple itong pumailalim sa gilid ng kotse at may kung anong bagay na kinalikot doon.

Ano kayang kademonyohan ang ginagawa ng isang ito?

Lumapit ako, naalarma ako nang bigla niya akong sinugod at hinawakan sa leeg. "What's up kid? You're following me?"

I blinked when I saw the very strong emotion in his eyes.

"What's up with that black thing you put in his car? Will he die with it?" tanong ko.

"None of your business. Bakit mo ako sinusundan?" tanong niya na hindi pa rin niluluwagan ang pagkakahawak sa leeg ko.

"I need to talk to you.."

Tinitigan niya muna ako, tapos ay ngumisi at binitawan na ang leeg ko. Pasalamat siya may kailangan ako, kundi babalian ko siya ng kamay sa ginawa niyang pananakal sa akin.

"About what? About your company's proposal? You made an outstanding presentation, what are you so worried about?"

"It's not about that. The whole reason why I'm in this convention in behalf of my sister is to meet you. This is the only chance I have to talk to a Prince of Hell, lumalabas lang naman kayo sa kapag may ganitong malaking international event.."

"May dahilan kung bakit bihira akong lumabas. Iyon ay para iwasan ang mga taong gusto akong kausapin na ayaw ko namang makausap." simple niyang sagot tapos ay nakapamulsang tumalikod.

"Ayaw mo pa rin akong kausapin kahit nakita ko kung ano ang ginawa mo sa kotseng yan? Bakit may pakiramdam akong may masamang mangyayari sa may-ari ng kotse? Siya ba yung lihim na kumukuha ng litrato mula sa laptop mo?"

Huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin na madilim ang anyo. Nagalit ko pa yata, pero anong magagawa ko? Kailangan kong gawin ito.

"Are you trying to blackmail me, kid?" tumawa siya. Tapos ay humakbang pabalik sa akin. "Gaano ba kagaling ang tingin mo sa sarili mo at hindi mo kinikilala kung sino ang kausap mo? Ilan taon ka na nga? Estudyante ka pa di ba? Ikaw siguro ang batas sa eskwelahan mo ngayon kaya ang taas ng tingin mo sa sarili mo?" may ngisi sa mukha si Christian pero nakikita ko ang nag aapoy niyang mga mata. Hindi sa gusto kong matakot pero, sa nakikita ng mga mata ko, ramdam ko kung gaano siya kadelikadong tao. Lumapit siya sa akin at bumulong. "I have a piece of advise for you. Just because you're the strongest wolf in your own small village doesn't mean you are invincible. Coz when you cross your borders and journey out in the jungle you would realized there are other wolves far more dangerous and powerful than you are. You have to be very careful around those wolves, most of the time they don't like competition, and they kill when they're threatened."

Tama ang sinabi niya. I'm not in the right position and in the right state to challenge a Prince of Hell in a duel. Kumbaga sa prutas, hindi pa ako hinog.

"Do you know how to cut a car's brake line?" biglang tanong niya.

"You don't expect me to do dirty work for you, do you?"

"Nakasara lahat ng camera sa lugar na ito. You are the only witness to the crime, para masigurado kong hindi ka kakanta, dapat idamay kita? Tama ba? Wag kang mag alala, hindi mamamatay ang may ari ng kotseng ito. Feeling ko suswertehin siya..mabubuhay siya. Hindi lang ako sigurado.."

Gusto kong tumawa. What do I expect from a Prince of Hell like him? Conscience? Ha! These princes have nothing but black blood in their veins. "Sige gagawin ko. Pero papayag ka sa kondisyon ko. I just need 5 minutes of your time for an interview.."

"Wala ka sa posisyon na utusan ako. Gagawin mo yan, pero hindi ko gagawin ang interview." kalmado niyang binigay niya sa akin ang gamit para putulin ang brakes ng kotse bago tumalikod. Sinasabi ko na nga ba, swerte lang ako kay Phoenix, pero ang swerte kadalasan isang beses lang kung mangyari kaya pinaghandaan ko ang kay Demetri.

Hindi pa siya nakakalayo, tumunog na ang cellphone niya. I was hoping na si Mrs. Demetri ang tumatawag sa kanya. Sana nagawa ni Jiro nang maayos ang pinapagawa ko. Napangisi ako nang muli akong harapin ni Christian, this time wala na ang nakakakilabot na ngisi sa labi. Napalitan na ng asar. Hawak pa rin nito ang cellphone.

Nasorpresa ako sa biglang pagbabago ng tono niya. Nakakatakot talaga siya kanina, parang lobong handang manlapa ng tao. Pero ngayon habang kausap ang asawa niya, pakiramdam ko naging ibang tao siya. Well, this is kinda amusing.

"Ano? Si Jave Santillan ang malaking kliyenteng tinutukoy mo? Ha? Favor? Mula sa akin? Eh ano kasi...ha?" kumunot ang noo nito. Pero nakangiti ang boses. "Oo naman. Interview lang pala eh, walang problema, basta ikaw.. I love you too baby.." Ako ang hinarap niya matapos niyang ibaba ang phone. "Anak ka ng...tch!" Kumuyom ang kamao niya sa harap ko. "Gawin mo ang pinapagawa ko ah? Gawin mo ng maayos. Kung ayaw mong masaktan!"

"Yung interview...?"

"Limang minuto. Limang minuto lang Santillan. At siguraduhin mong hindi ko ikakagalit ang interview na yan kundi babalatan kita ng buhay. Ang lakas ng loob mo, tarantado."

Mabuti nalang matalino ako. Nabalitaan ko kung gaano kadelikado at kademonyo ang mga Princes of Hell, kaya naghanap ako ng pwedeng ipantapat. Mabuti nalang madali kong nahanap ang nag iisang kahinaan nila...

Habang pinag-aaralan ko kung paano mananalo sa kanila, I somehow saw the reflection of myself in them. Balang araw, kagaya ng sinabi ni Demetri, lalabas ako sa pugad ko patungo sa totoong mundo. Mas magiging makapangyarihan ako pero mas magiging panganib ang mundo ko. At katulad nila, parang alam ko na ang magiging kahinaan ko. Pumasok sa isip ko, kaya ko bang pangalagaan ang taong pinakamahalaga sa akin, na kagaya ng pangangalagang ginagawa nila sa mga asawa nila? Sapat na ba na handa akong protektahan si Sofia ng aking buhay? Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na siyang nahospital nang dahil sa akin...

Hindi ako sigurado. Pero gusto kong subukan. Hindi ko hahayaang masaktan si Sofia sa kahit na paanong paraan.

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon