Chapter 16

220K 6.7K 569
                                    


"Jave..masakit na kamay ko, inaantok na ako pwede bang matulog ka na?" reklamo ko. Isang oras na yata akong nakaupo sa sofa kung saan nakahiga si Jave at nakapatong ang dalawang binti niya sa akin. Nagpapamasahe dahil napagod daw siya sa school. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit napagod ang paa niya dahil ang alam ko hindi naman marathon sa track and field ang ipinunta niya sa school.

"Sige pa, masahiin mo pa, hindi pa ako inaantok eh.."

"Kanina pa kaya ako dito!" singhal ko sa kanya. Tumataas na kilay ko.

"Nagagalit ka na? Di ba gusto mo akong pumasok? Ikaw ang may kasalanan kung bakit masakit ang paa ko. Wag kang magreklamo ah, may pataas-taas ka pa ng kilay akala mo madadala mo ako diyan?" tinaasan din niya ako ng kilay. Mongoloid talaga.

Nag-unat-unat ako, pinagmasdan ko siya, abala siya sa cellphone, tawa pa ng tawa. "Ano yan?"

"Si Rianne. Masaya daw siyang pumapasok ako sa school. Akalain mo yun may silbi din pala tong paghihirap ko."

"Oo, kaya hindi kailangan na alipinin mo ako dito dahil lang inutusan kitang pumasok. Pabor sayo ang lahat ng ito. Kapag nakita ni Rianne na nagsisikap ka na, malay mo baka magbago ang pagtingin niya sayo..."

Tumitig siya sakin. "Totoo ba yan?"

"Oo. Ang tanga mo. Lahat ng babae naghahanap ng lalaking may matinong kautakan! Hindi kagaya mo puro latak ang laman ng utak--" hinagisan niya ako ng unan sa mukha. Umusok ang ilong ko sa inis. Kumuha din ako ng throw pillow, pero hinarang niya ang kamay sa mukha niya.

"Hoy! Pag gumanti ka, aabsent ako ng dalawang linggo! Subukan mo!"

Kahit na kating-kati na ang kamay kong ihambalos sa pagmumukha niya ang unan, pinigilan ko ang sarili. Sa lakas ng topak ng isang ito malamang totohanin. Kinalma ko nalang ang sarili at pinagpatuloy ang pagmamasahe sa 'napagod' niyang mga binti.

Tatawa-tawa siya sa akin. Naisip kong pasasaan ba't makakaganti din ako sa kalokohan ng bwesit na 'to. Kahit ang gwapo niyang tumawa, naiinis pa rin ako!

*************

Kinakabahan ako. Ilang oras pagkatapos umalis ni Jave para pumasok dumating ang isang tauhan ni Ms. Ysabel Santillan sa bahay. May dala itong imbitasyon, pinapapunta ako sa Santillan Building.

"The Director is expecting you, you can get inside now." sabi pa sa akin ng secretary nito. Halos hindi ako makalunok ng laway sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung paano kakalmahin ang puso ko. Hindi ko alam ang dahilan ng pagpapatawag niya sa akin, isa lang ang naisip ko, nalaman nitong nakatira ako kay Jave at hindi nito gusto iyon.

Sinalubong ako ni Ms. Ysabel, napakaintimidating ng anyo nito. " Hello, Sofia. We meet again. Maupo ka."

Naupo ako sa harap ng table nito. Nanginginig ang kamay ko.

"Sana may idea ka kung bakit kita pinatawag." simula nito. "This is about Jave. For some unknown reason, ang batang yun na may napakatigas na ulo, sumusunod sayo. Tama ba?"

"Napapakiusapan naman po si Jave.."

Ngumiti si Ysabel. "Sana totoo yan. Sa tingin ko kasi, pakiusap mo lang ang pinakikinggan niya sa ngayon. Naalala mo ang sinabing kong may hihilingin akong pabor sayo?"

Tumango ako.

"Gusto ko sanang bantayan mo si Jave sa school. Gusto ko siyang matuto. Gusto kong isapuso niya ang pag-aaral. Ginawa ko na ang lahat ng paraang alam ko pero walang umubra, sana this time, sa pamamagitan mo, tumino siya."

"Sa totoo lang Ms. Ysabel, wala akong ideya kung paano ko gagawin yun. Paminsan-minsan lang naman sumunod sa akin si Jave..."

"How would you feel about the idea of studying in Westside with Jave?"

Nanlaki ang mata ko sa tinuran nito. "Po?"

"I'll give you full scholarship with allowance. Pag-aaralin kita at bibigyan ng magandang trabaho pagkatapos mo ng college, sa kondisyong tutulungan mo si Jave na magkaroon ng direksyon sa buhay."

Napangisi ako sa tinuran ni Ms. Ysabel. "Hindi ko po talaga sigurado.." totoong kapag nasa mood sumusunod si Jave sa akin, eh sa madalas itong wala sa mood?? Panu yun??

"Subukan mo lang." sagot nito.

Hindi ako nakasagot. Kaya biglang nag iba ang guhit ng ngiti ni Ms. Ysabel, umayos ito sa pagkakaupo at tinitigan ako.

"Sa ngayon papayag akong nakatira kayo sa iisang bobong...although I find it very alarming dahil mga teenager na kayo at hindi magandang tingnan, hindi ko na muna kokontrahin 'yun. Basta ang ipangako mo sa'kin ay gagawin mo ang lahat ng paraan para mag-aral ng maayos si Jave."

Napalunok ako. Sa narinig kong sinabi nito parang wala na akong choice kundi tanggapin ang trabaho, dahil kung hindi baka mapilitan akong umalis sa bahay ni Jave, at 'pag nagkataon hindi ko alam ang gagawin ko. Sa kabilang banda kapag sinubukan kong gawin ang gusto niya, makakapag-aral ako. At hindi basta-basta ang school na papasukan ko, alam kong kapag sa Westside ako nagtapos, hindi ako mahihirapang maghanap ng trabaho. Isang malaking pabor para sa kinabukasan ko kung gagawin ko ang gusto niya.

Kaso ay paano? Si Jave ang isang taong kilala ko na may pinakamatigas na ulo.

"Anong mangyayari kung hindi ko magawa ang pinapagawa niyo?" tanong ko.

"I'm afraid you will have to leave his house. Maari ko lang pagbigyan ang ganyang setting kung alam kong mapapatino mo si Jave, at wala kayong relasyon na dalawa."

Relasyon. Sigurado akong hindi magkakaroon dahil hindi naman ako papatulan ni Jave. Pero ang patinuin ito? Imposible. Suntok sa buwan iyon, hindi ako si Tom Cruise para mag-Mission Impossible.

"Deal?" inilahad ni Ms. Ysabel ang kamay. Wala akong choice kundi ang tanggapin iyon.

"I'm counting on you, Sofia. I feel like you are my last hope on Jave, now. Goodluck sa bago mong school. Pwede ka nang pumasok today. My staff will arrange all the necessary papers for you."

Agad-agad? Ang bilis naman! "Alam na po ba ni Jave 'to?"

"Hindi. Magkasama naman kayo sa bahay kaya ikaw nalang ang magsabi. Nasa sayo na rin kung sasabihin mo sa kanya ang terms ng usapan natin tungkol sa pag-aaral mo."

Lagot na. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Jave kung sasabihin ko sa kanya. Wag nalang muna siguro.

***

Mismong ang dean ng school ang sumalubong sa akin pagdating ko sa school. Nakakahiya dahil kung ituring ako nito isang napakaimportanteng estudyante. Tinuro nitoa sa akin ang ilang mga rules ng school, pati na rin mga pasikot sikot, at kung paano makibagay sa mga estudyante sa school na inamin niyang napakahirap disiplinahin dahil nga mga mayayaman.

Kahit hindi niya sabihin, alam ko naman. Sa unang tapak ko palang sa school na ito nasampolan na kaagad ako ng mga bully. Buti nalang ako ang klase ng taong hindi basta-basta nagpapaapi. Kahit bogbogin nila ako hanggat kaya kong bumangon lalabanan ko sila.

Hindi ko naman kailangang pumasok sa araw na ito, gusto ko lang munang libutin at kabisahin ang buong lugar, lalo na ang classroom na naka-assign sa akin. Ang alam ko nasa klase ngayon si Jave, naexcite ako, pwede muna akong magset in sa klase niya total may permiso naman ako mula sa Dean.

Pupuntahan ko si Jave. Sisilipin ko kung paano siya mag-aral. Alam kong matalino ang baliw na yun, pasaway nga lang, kaya sigurado akong hindi magtatagal makukuha niya rin ang loob ng mga professors na galit sa kanya, at hindi na siya aapihin ng mga ito.

She's The Bad Boy's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon