Chapter 12

3.6K 99 7
                                    

NAGING mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Sa isang iglap ay hindi namalayan ni Queenie na next week na magaganap ang kasal nila ni Francis.

Pero bago ang kasalan ay pupunta muna silang dalawa sa mansyon ng mga Fontanilla upang pormal na maipakilala siya ng mapapang-asawa sa pamilya nito.

Sa labas pa lang ay napanganga na si Queenie sa sobrang pagkamangha sa magara at malaking mansyon na nabungaran niya pagbaba ng kotse.

"'Yung pinag-usapan natin, ha. Ako lang ang magsasalita at ikaw, manahimik ka lang," bulong ni Francis nakatayo sa gilid niya.

"Oo na, boss," sagot naman niya.

Pagpasok sa may sala ay sinalubong sila nina Mommy Sandra at Faye. Nabawasan ng kaunti ang kaba ni Queenie nang makilala ang ina at kapatid ni Francis. Mabuti pa sila, mukhang mababait at madaling pakisamahan. Samantalang si Daddy—Speaking of Daddy Armando, natahimik silang mga nasa sala sa biglaang pagsulpot nito. "Good evening po," kabadong bati niya rito.

"Dad, this is Queenie, my—" hindi natapos ni Francis ang sasabihin dahil sa malakas na pagkalam ng pasaway na sikmura ni Queenie.

"Why don't we have dinner first," masiglang sinabi ni Mommy Sandra saka kumapit sa braso niya. "Let's go, hija. Mukhang gutom ka na. Don't worry dahil mabubusog ka sa special dinner na ipinahanda ko."

Kahit gutom na gutom ay sinikap ni Queenie i-maintain ang poise habang kumakain. Kung wala lang siya sa harap ng pamilya ni Francis ay baka isunubo na niya ng buo 'yong stake.

"How did the two of you, meet?" tanong ni future father-in-law sa gitna ng kanilang paghahapunan.

Umpisa na yata ang interrogation, sa isip-isip ni Queenie. Gaya ng plano ay tatahimik lang siya at hahayaan lang na si Francis ang magsalita.

"We met at —" pagsagot ni Francis pero pinutol ito agad ni Daddy Armando.

"I'm not asking you, I'm asking her," baling nito kay Queenie na abala sa pag-nguya ng karne.

"Ako po?" puno pa ang bibig niyang tugon. Sinadya niyang tagalan ang pagnguya habang nag-iisip. Wala pa namang ibinigay na script sa akin si Francis. Bahala na nga. Basta sasagutin ko na lang ang tanong. "Una po kaming nag-meet sa kalsada, binangga po niya ako. Galit na galit pa nga ako sa kaniya no'n, dahil hindi niya ako tinulungan na damputin 'yong mga nalaglag kong groceries. At tinawag pa niya ako na 'Manang.' 'Tapos sinigawan ko siya, ang sabi ko. 'Hindi pa ako Manang, thirty-five pa lang ako!'" with feelings niyang pagkukuwento. "Pagkatapos po ng insidenteng 'yon ay naging sunod-sunod na ang pagkikita namin sa mga hindi inaasahang pagkakataon. At sa tuwing magkikita kami ay lagi kaming nagbabangayan. Hate na hate po talaga namin ang isa't isa dati, kasi playboy siya."

"At ikaw, pakialamera," ganti naman nito sa kaniya.

"Ang cute naman. Nagkabanggaan tapos nag-aaway na parang aso't pusa. Hanggang sa nagka-in love-an. Paano ka po niligawan ni Kuya?" kinikilig na tanong ni Faye.

"Pinupuntahan niya ako sa bahay araw-araw at binibigyan ng bulaklak at chocolates. At lagi rin siyang may dalang pasalubong sa anak ko kapag bumibisita siya," pagsisinungaling niya. Ang totoo ay never pang nakilala ni Francis ang anak niyang si Trisha.

"Anak? May anak ka na?" halatang nasorpresa si Daddy Armando.

"Opo, may anak na po ako sa una kong naging asawa. Wala lang po siya ngayon dahil nandoon siya sa Tatay niya. Pero annulled na po ang kasal namin no'ng Tatay niya."

Galit na naibagsak ni Daddy Armando ang hawak na kubyertos. "Francis, are serious about getting married to a woman like her?"

"That woman you're referring to has a name. Please, Dad have some respect," galit ding tugon ni future husband. "And yes, I am dead serious. Wala akong pakialam kahit kasal na siya dati at may anak na siya. I'll marry her because I love her."

A Marriage To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon