Chapter 40

25.1K 599 60
                                    


Hindi makapaniwalang tinignan ko si Enrique at kahit si Theus ay gulat na gulat din ang mukha. Who wouldn't? I am married and I don't have any idea about it!

"What the hell is going on, Enrique?" naiinis na tanong ko sa kanya kaya bumalik sakin ang atensyon niya

"It is what it looks like." kibit-balikat na sabi nito

"How can I be married with Ethan? Hindi kami nagpakasal noon at kung nagpakasal man kami, malalaman iyon ng magulang ko." naguguluhang sabi ko sa kanya

"Because you both don't know that you're married." nakangising sabi nito kaya mas lalong kumunot ang noo ko

Magtatanong sana ulit ako nang maunahan ako ni Theus.

"I am quite sure that you're behind this secret marriage." seryosong sabi ni Theus

Nilingon siya ni Enrique at mas lumawak ang ngisi sa labi niya.

"I can't just sit in my office and do nothing knowing that my bestfriend's woman is carrying his children. Besides, Sapphire's grandmother wouldn't let her great grandchildren be illegitimate. Sorry not sorry." sagot nito kay Theus pagkatapos ay tumingin sakin

May emosyon na mabilis dumaan sa mata niya pero alam ko kung anong emosyon iyon. Sadness. Siguro ay naalala nanaman nito ang pinagdaanan ng asawa at ang panganay nilang anak.

"Alam ni lola ang tungkol dito?" takang tanong ko sa kanya

"It was her idea." kibit-balikat na sabi nito

Binalik ko ang tingin ko sa papel na hawak ko at napatitig doon. Kinasal ako ng hindi ko alam. Sa tingin ko ay walang alam si Ethan tungkol sa bagay na ito.'

"Paano kami naikasal nang hindi namin alam? I mean, we need to sign marriage licenses." naguguluhan pa ring tanong ko

"Well, pinapirmahan ko iyon kay Ethan noong lasing siya. As for you, hindi ko alam kung anong ginawa ng lola mo." sagot nito sa tanong ko

Napatango ako sa sinabi niya at pinili ko na lamang tumahimik kahit na marami akong katanungan pa. Tumitig ulit ako sa marriage certificate na hawak ko.

"I exactly don't know what to feel right now, Enrique. All this time ay kasal pala kami ni Ethan at wala man lang kaming kaalam-alam." napapailing na sabi ko sa kanya

Hinila ko palabas ng bahay si Theus at walang reklamo naman siyang sumunod sa akin nang sumakay ako sa kotse niya. Tahimik lang kami buong biyahe at mukhang pareho kaming ayaw pag-usapan ang mga nalaman namin. My grandmother do those things behind my back without me knowing it. Mukhang may pinagmanahan nga ako.

Tahimik pa rin ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Sinalubong ako ng mga anak ko nang makapasok ako at mukhang alam na nila ang nangyari sa daddy nila dahil bigla silang umiyak sakin.

"Mommy, may sakit daw po si daddy." umiiyak na sabi ni Jasper na mabilis yumakap sa akin 

"Mommy, we want to see daddy!" umiiyak rin na sabi ni Citrine na nakasubsob sa balikat ko

Hinagod ko ang likod nila at pinilit silang pinatahan. Napatigil ako sa paghagod ng likuran nila nang lumapit sakin si Jarett at yumakap sa akin mula sa likod. Hindi ko napigilan ang maluha nang halikan ako nito sa ulo.

"Are you okay, mommy?" malambing na tanong nito na mas nagpaiyak sa akin

Sa kanilang tatlo, si Jarett ang pinakamatanda at pinakamature. He's observant lalo na sa akin at kay Citrine. And it scares me dahil minsan hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya kahit na sobrang bata niya.

The Player Meets The CoachWhere stories live. Discover now