Chapter 32

23.3K 656 227
                                    

SAPPHIRE

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. Ayokong mapansin ng kausap ko na umiiyak ako dahil baka mas lalo lang siyang malungkot.

"Kailan ka uuwi dito, mommy? I miss you." malungkot na sabi nito

"I'm sorry, anak. Bumalik na kasi yung kapatid mo. Buhay ang kapatid mo." mahinang sabi ko sa kanya

"Si Citrine? She's alive, mommy? I can't wait to see her and Jasper." excited na sabi nito

"Makakasama mo din ang mga kapatid mo, Jarett. Konting panahon nalang, anak." naiiyak na sabi ko sa kanya

Konti nalang, Jarett. Kukunin kita diyan at magkakasama na tayong lahat. Magiging masaya tayo kasama ang daddy mo.

"I understand po. Pag may ibang nakakita po kasi sakin, kukunin nila ako." sabi nito at kahit hindi ko siya nakikita ay alam ko na nakanguso siya

Patawarin mo ako, Jarett. Patawarin mo ako kung hanggang ngayon tinatago pa rin kita. Ito lang ang kaya kong gawin para maprotektahan ka tulad ng pinangako ko sa kanya.

"Ibababa ko na ang tawag. Mag-iingat kayo diyan ng Tita Ariane mo, ha?" malambing na bilin ko sa kanya

"Opo, mommy. I love you po." malambing din na sabi nito

"I love you too, anak. Bye." paalam ko sa kanya bago ko ibaba ang tawag

Binalik ko ang cellphone kung saan ko ito tinatago bago ayusin ang sarili ko. Ang bigat na ng dinadala ko at alam ko na kailangan kong sabihin sa kanila ito lalo na kay Ethan. Pero hindi ko magawa. Siguro ay dadalhin ko nalang siya kay Jarett.

Yes, I am hiding Jarett. I am hiding him from everyone to protect him. And he is with Ariane Vasquez. Do you still remember her? That woman who claimed that she knows something about Citrine. Pinapunta ko siya sa lugar kung nasaan si Jarett.

Ilalabas ko sila sa tamang panahon. Ariane Vasquez will be a witness against Leandra. Sinabi ko kay lola ang tungkol kay Ariane pero hindi nila alam kung saan ko siya tinago. Baka malaman ni Leandra ang existence niya at ipapatay siya. I can't let her do that.

Dumiretso ako sa dining at naabutan kong nag-uumpisa na sila sa pagkain. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Ethan. Lihim akong napangiwi nang makita ko ang paborito kong beef steak. Ayoko ng amoy niya dala siguro ng pagbubuntis ko.

Kumuha ako ng sinigang na bangus at iyon ang inulam ko. Naramdaman kong nakatingin sakin ang katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa plato ko.

"You don't like milkfish, Sapphire." may kalakasang sabi niya sakin kaya napatingin sakin ang mga kasama namin sa mesa

My mom is raising her right eyebrow and her eyes are full of doubt. I know what she's thinking. She's still my mother afterall. But I will not confirm it. No, not yet. Ayoko pang malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis ko.

"I like sinigang, Ethan. Tsaka yung tiyan ng bangus ang kinuha ko. Masarap kaya yun." depensa ko na pinaniwalaan naman niya

Napahinga ako ng maluwag at napatingin kay Theus na katapat ko lang ng upuan. He mouthed 'Liar'. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain.

Dumiretso kami sa library nang matapos kami sa dinner. Binilin muna namin kay Drianna at Prometheus ang kambal.

Inumpisahan namin ang pag-uusap namin sa pagsasabi ni Tito Lucas na ginawa niya akong CEO ng kompanya nila. My family was shocked about the news except my grandmother. Mukhang may alam na siya sa bagay na iyon.

The Player Meets The CoachWhere stories live. Discover now