Chapter 26

22.8K 710 95
                                    

SAPPHIRE

Sumisinghot na kumuha ako ng tissue sa tissue box na nasa mesa. Nagkatinginan kami ni Drianna nang sabay kami suminga sa tissue at napaiyak ulit. Siguradong namumugto na ang mata namin sa kakaiyak.

"Good morning, ladies!" masiglang bati samin ni Theus

Kumunot ang noo nito sa pagtataka nang makita ang itsura namin ni Drianna at agad na lumapit samin.

"Bakit kayo nag-iiyakan?" takang tanong nito samin ni Drianna habang pilit na tinutuyo ang pisngi kong basang-basa ng luha

Sunod din niyang dinaluhan si Drianna at pinunasan ang pisngi niya.

"Jamie is dead! Kawawa naman si Landon." umiiyak na paliwanag ko sa kanya at suminga ulit

"Dapat magkaanak pa sila!" umiiyak din na sabi ni Drianna

Napatanga samin si Theus at napailing nalang nang mapagtanto ang sinasabi namin. Nakakaiyak naman talaga yung pinapanood namin na A Walk to Remember.

"Nasaan ba si Prometheus at hinahayaan kayo rito? Nakakasama sa buntis ang umiyak ng umiyak." kunot noong sabi nito

Natigil naman sa pag-iyak si Drianna at tinignan si Theus.

"Ayos lang naman ako, Kuya. Nakakaiyak lang talaga yung movie." sagot nito sa kalmadong boses

He heaved a sigh and decided to drop the subject. Naalala ko na may lakad pala kami ngayon kaya nagpaalam muna ako para makapagbihis ako. Nag-apply ako ng light make up dahil sa namumugtong mata ko.

Naabutan ko si lola at Theus na nag-uusap nang bumaba ako. Mukhang pinag-uusapan nila ang pagbalik ni Drianna sa bahay nila. Gusto sana ng magulang ni Prometheus na kunin ang mamanugangin nila pero hindi pumayag si lola dahil baka raw magpunta doon si Marie at manggulo.

"Ingrid, hindi ka ba sasama sakin?" tanong ni lolo kay lola

"Ikaw na lang ang magtungo doon. May aasikuhin pa ako." sagot naman ni lola

Napangiti ako sa kanila dahil ngayon ko lang sila nakitang magkasama at mukhang may balak si lolo na balikan si lola. Civil naman silang dalawa pero minsan pansin ko ang ilangan sa pagitan nila.

"May lakad pa pala kayo ni Sasa. Lumakad na kayo." biglang sabi ni lola nang makita niya ako

"Sige po. Aalis na po kami. Ihahatid ko nalang po siya rito mamaya." magalang na paalam ni Theus kay lolo at lola

Nagpaalam din muna kami kay Drianna bago kami tuluyang umalis. Naka-leave ako ngayon at bukas pa ako babalik sa trabaho. Hindi na rin masama ang pakiramdam ko kaya pwede na akong pumasok sa trabaho.

Pupunta kami ngayon ni Theus sa Citrine's Place. Gusto daw niyang makita si Citrine kaya sinamahan ko siya.

Tungkol naman kay Jasper, sinabi niya samin ni Theus na bigla daw niyang nalala daw niya si Citrine. Wala naman siyang pinapakitang sign ng trauma niya at hindi rin siya nagwawala kaya napanatag ang kalooban ko. Naalala daw niya ang lahat at hindi naman alam ni Theus na posibleng maalala ni Jasper ang nangyari noon.

PINAPANOOD ko si Theus na umiiyak habang nakahawak sa jar kung nasaan ang abo ni Citrine. Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang bikig sa lalamunan ko. Alam ko na masakit din sa kanya ang nangyari at sinisisi pa rin niya ang sarili niya.

Alam ko rin kung gaano niya kamahal ang mga anak ko. Lagi siyang nasa tabi naming mag-iina at hindi niya kami iniwan. Natutunan ko siyang mahalin dahil nakikita ko ang mga mata niya na kumikinang sa kasiyahan tuwing kasama niya si Citrine at Jasper. But somehow, I feel guilty because I know that my love for him is not enough.

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon