Chapter 27

23.3K 635 14
                                    

SAPPHIRE

Sinalubong ako ni Erica nang makapasok ako at binati naman ako ng lahat. Bumati rin ako pabalik at nagtungo sa opisina ko kasama si Erica.

"Ma'am! Galit na galit kahapon si Sir Ethan at pinapatawagan ka pero syempre hindi kita tinawagan kasi nakaleave ka. May kasalanan ka ba sa kanya, ma'am?" sunod-sunod na kwento nito nang makaupo ako

"Baka tungkol lang iyon sa dokumento na nakalimutan kong ipasa." tipid na sabi ko sa kanya para hindi niya mahalata na nagulat ako

Nakakagulat nga naman na pumunta dito si Ethan at hanapin ako. Kaya siguro naglasing ang isang iyon. Mukhang nauntog siya at napagtanto na mahal niya ako.

Ayoko na siyang bigyan pa siya ng chance dahil baka saktan lang niya ulit ako. Pagod na pagod na ako sa kanya. Hindi ako magpapadala sa mga mabulaklak niyang salita.

"May naghahanap pala sayo kahapon, ma'am. Mula sa SN Network, Ariane Vasquez po ang pangalan." imporma niya sakin kaya napaangat ako ng tingin

"Ano daw kailangan?" nagtatakang tanong ko

Ano naman ang kailangan sakin ng taong iyon? Galing siya sa isang network. Baka mamaya nalaman niya ang tungkol sa engagement namin ni Ethan.

"Gusto daw niya ma-interview kayo at gusto rin daw niya na sumayaw tayo ulit. Nakita daw ng network nila ang video natin. Nagtrending agad yun, ma'am. May ilan na daw naghahanap sa'yo na galing sa kabilang network." paliwanag nito

Nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi niya. That was a wrong move. Paano pag nalaman nila ang tungkol sa tunay na pagkatao ko?

Siguradong hahalungkatin nila ang tungkol sa buhay ko. Hindi ko naman alam na magtretrending iyon. Bakit nga ba nagtrending ang video na iyon? Shit. This is a problem.

"May sinabi pa siya ma'am. May alam daw siya tungkol kay Citrine at tawagan niyo daw siya sa number na 'to." sabi ulit ni Erica at nilapag ang isang papel sa mesa ko

Nanlamig ang katawan ko at nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Nanlalaki ang matang nag-angat ako ng tingin.

"Citrine? Sigurado kang Citrine ang sinabi niya?" pinilit kong itago ang panginginig ng boses ko

Sunod sunod ang pagtango na ginawa ni Erica. Napatayo ako para sana lumabas sa opisina ko pero agad din akong napakapit sa mesa ko kaya naalerto si Erica at inaalalayan akong maupo.

"Okay lang po ba kayo, ma'am?" nag-aalalang tanong nito sakin

"Nahilo lang ako. Can you try calling her number?" malumanay na utos ko sa kanya habang hinihilot ang sentido ko

Agad naman siyang tumalima sa utos ko at sinubukang tawagan ang Ariane Vasquez na iyon. Dumaan ang ilang minuto pero out of reach pa rin ang cellphone ng tinatawagan ni Erica.

"Gusto niyo po bang tawagan ko ang SN Network?" tanong nito sakin pagkaraan ng ilang minuto

"No. It's okay. You can go back to your station." utos ko sa kanya

Lumabas naman siya agad kaya kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Theus. Ilang ring pa bago ito sumagot.

"Hey, baby. Do you need something?" bungad sakin ni Theus

Hindi ko pinansin ang endearment na ginamit niya dahil natuon ang pansin ko sa ingay na naririnig ko sa kanilang linya.

"Where are you?" takang tanong ko sa kanya

"Nasa presinto. Kausap ng abogado namin yung dati niyong empleyado sa Citrine's Place para gawing witness." sagot naman nito agad

"Oh. I know you're busy but can we meet at lunch? I really need to talk to you." pakiusap ko sa kanya na ikinatahimik niya sa kabilang linya

The Player Meets The CoachWhere stories live. Discover now