Chapter 13

26.3K 767 40
                                    

A/N: Ang mga susunod na eksena ay hindi angkop sa mga bata at isip-bata. Reader's discretion is advised.



ETHAN

Kung hindi lang masama ang pumatay baka kanina pa nakabulagta itong pangahas na lalaking yumakap at humalik kay Sapphire. How dare him lay a finger on my fianceè? At talagang ginawa pa niya iyon pagkatapos siyang mahuli ni Sapphire na may ibang babaeng kasama.

"Babe, are you okay? Dadalhin kita sa hospital." sabi ng babae na kasama ng lalaking nagngangalang Theus

Pumiglas si Sapphire mula sa pagkakayakap ko at hinarap ang babae.

"You desperate bitch!" galit na sabi ni Sapphire sa babae at akmang susugurin ito nang mahawakan ko siya sa braso

Patuloy siya sa pagpupumiglas at napamura ako nang bigla siyang nakawala sa pagkakahawak ko. Napasinghap ako at pati si Zea na nasa likuran ko nang malakas na sinampal niya ang babae. Bumakat ang kamay ni Sapphire sa pisngi ng babae.

"Sapphire!" malakas na sabi ni Theus sa kanya

Nakita kong napapiksi si Sapphire sa pagsigaw ng lalaki sa kanya kaya agad ko siyang dinaluhan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bewang niya nang malakas din niyang sinampal si Theus.

"I trusted you! You know that this woman is nothing but a lying desperate bitch! Wag na wag mong tatangkain na dalhin ang babaeng to sa reunion ng pamilyang Lee dahil kung meron man akong tatanggapin, si Drianna lang." galit na sabi ni Sapphire

"Alam na ni lolo ang tungkol dito." seryosong sabi ni Theus

Hindi ako nakakasunod sa sinasabi nilang dalawa kaya nanatili akong tahimik.

"How about lola? Alam na ba ni lola?" tanong nanaman ni Sapphire sa lalaki

Nakita ko kung paano napalunok ang lalaki at mag-iwas ng tingin. This lola that they're talking about must be scary, huh. Natahimik ang lalaki at hindi na siya nakasagot kaya binalingan ulit ni Sapphire ang babae. The girl flinched and held Theus' arm.

"I am Sapphire Lee Cortez. Don't forget my name dahil sa oras na napatunayan ko na walang bahid ng Lee ang nananalaytay diyan sa batang nasa sinapupunan mo, hindi lang ako ang makakalaban mo kundi ang buong angkan ng Lee." malamig na sabi ni Sapphire pero nakakailang hakbang pa lang siya ay muli siyang bumalik at binigay ang isang maliit na paperbag sa kamay ni Theus

"Prometheus Lee. I, hereby declare that you are no longer my cousin from here on, unless, you bring Drianna to me." malamig na sabi nito at tuluyan ng umalis

Natulos ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Napatingin ako sa lalaki at bakas sa mukha nito ang lungkot, kaba at bahagya itong namumutla.

"You are her cousin?" gulat na tanong ko kaya napatingin siya sakin

Malungkot itong natawa pero nilahad pa rin nito ang kamay niya sakin.

"Prometheus Lee. I am not officially her cousin until further notice." natatawang sabi nito pero halata sa boses nito ang lungkot

Kinuha ko ang nakalahad niyang kamay at magpapakilala sana ako nang inuhan niya ako.

"Ethan El Greco. I already know you." natatawa pa ring sabi nito

Gumaan ang pakiramdam ko sa kanya lalo na nang malaman ko na magpinsan lang pala sila. All this time, they're just cousins!

"Nice to meet you then." nakangiting sabi ko

"Masarap sa pakiramdam na masuntok ang lalaking nagpaiyak sa pinsan ko. But I think I need to befriend you, now that Sapphire is mad at me. I need to check her." nakangising sabi nito

The Player Meets The CoachWhere stories live. Discover now