Chapter 31

22.4K 656 141
                                    

SAPPHIRE

Ilang araw na rin na nasa amin si Citrine at binabantayan namin ang bawat galaw ni Leandra, Sonia, at Terrence. Bukas na darating ang arrest warrant para kay Sonia at Terrence para sa kasong embezzlement. Mukhang wala pa silang alam na nasa amin na si Citrine.

Ang inaalala ko ay si Ethan dahil baka bigla nalang niyang puntahan ang nanay niya. Sana mapigilan siya ni Tito Lucas kung sakaling mangyari iyon. Pag nakumbinsi namin si Terrence at Sonia na tumestigo, tsaka kami kikilos para ipakulong si Leandra. There are no room for mistakes.

Isang pagkakamali lang namin, pwedeng gumawa ng hakbang si Leandra para mawala sakin ang mga anak ko. And if that happens, I can't guarantee her safety from my family's wrath nor Ethan's.

"Ma'am, aalis na ba talaga kayo?" malungkot na tanong sakin ni Erica nang matapos kami sa training niya

Siya na ang bagong Head ng HR pag nakaalis na ako kaya inumpisahan ko na ang training. Iyon ang promotion niya para sa pagtulong sakin haban si Bridgette naman, sasabay sakin sa pag-alis sa kompanya. Makukuha pa rin niya ang condo at kotse niya pero tinanggihan na niya ang promotion niya.

"Kailangan na ako sa restaurant ko. You can visit me anytime and I will visit you as well kung hindi ako busy." nakangiting sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang petals ng tulips na nasa vase, araw-araw na nagpapadala si Ethan ng tulips sakin

Kahit na mahigit isang buwan pa lang kaming magkasama, napalapit na ako sa kanilang lahat. Sila ang dahilan kaya nakatagal ako sa kompanya.

Tumayo si Erica nang may kumatok sa pinto ng opisina ko at pinagbuksan iyon. It was Tito Lucas' secretary. Kumunot ang noo ko nang makita siya dahil hindi naman siya nagpupunta sakin ng personal pag hindi importante.

"Miss Sapphire, may emergency meeting. Sir Lucas will preside the meeting." seryosong sabi nito

"What's the agenda of the meeting?" takang tanong ko sa kanya

"Appointing of the new CEO." tipid na sagot nito na ikinakunot ng noo ko

Gusto ko pang magtanong dahil iba ang pakiramdam ko sa emergency meeting na sinasabi nila pero pinili ko nalang na manahimik. Tumayo ako at sinuot ang peach na coat ko.

"Ikaw na ang bahala rito, Erica." bilin ko kay Erica bago ako lumabas ng opisina kasama ang sekretarya ni Tito Lucas

Nagtaka ako nang makita ko ang mga head ng departments na pasakay din ng elevator. Sasakay sana ako kasabay nila nang tawagin ako ng sekretarya ni Tito Lucas. Nasa harap siya ng private elevator ng CEO at COO na nakabukas na.

Nakita ko ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ng ilang empleyado pero hindi na ako nagdalawang isip at sumakay doon. This meeting must be really something important para ipatawag lahat ng head ng bawat departamento.

Pagkalabas namin ng elevator natanaw ko si Ethan na kakalabas lang ng opisina niya. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ako nang makita niya ako. His eyes are full of different emotions but worry is the most visible among those emotions.

"May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya

Kumunot ang noo ko nang bigla niya akong hilain papasok ng opisina niya. Marahan niya akong sinandal sa pinto at nasa magkabilang gilid ng ulo ko ang kamay niya. He's cornered me but I don't feel cornered at all.

"Can you trust me?" mahina at seryosong tanong nito habang nakatingin ng diretso sa mata ko

Nagulat ako sa tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin at natahimik. Trust is our issue from the start. Do I trust him?

The Player Meets The CoachWhere stories live. Discover now