Chapter 37

23.6K 593 46
                                    


SAPPHIRE

Nagmulat ako ng mata at napansin kong basa ang pisngi ko kaya agad ko iyong pinunasan. Napatingin ako sa mga kasama ko at nakita kong umiiyak si mommy at si lola. Namumula naman ang mata ni Tito Lucas at nanatili namang nakayuko si Ethan.

Napatingin ako kay Theus at binigyan ako nito ng isang tipid na ngiti kaya napagtanto kong nasabi ko na ang lahat. Sa wakas ay nasabi ko na ang nangyari sa amin ni Olive.

"Hindi ko alam na may anak kami ni Amara." basag ang boses na sabi ni Tito Lucas

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napatingin kay Ethan na nakatingin na pala sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol kay Olive, Sapphire? Kapatid ko pa rin siya at ako ang ama ng batang pinagbubuntis niya." mapait na sabi nito

"Alam mo ang rason kung bakit ko ginawa iyon, Ethan." tipid na sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya

Natahimik siya sa sinabi ko at kinuha naman iyon ni Theus na oportunidad para kausapin si Dr. Mayores na tahimik na nakaupo sa isang tabi.

"Dr. Mayores, ikaw na ang nagsabi na tayong mga doktor ay may sinusunod tayong patakaran. What you did is against our ethics. Pwede kang mawalan ng lisensya dahil sa ginawa mo." seryosong sabi ni Theus

"Kung lisensya ko ang kapalit para mabayaran si Sapphire sa pagkakaligtas ng anak ko, walang pag-aalinlangan ko iyong isusuko. Natagpuan niya ang anak ko nang maaksidente sila at biglang sumabog yung kotse nang makuha nila ang katawan ng anak ko at ng mga kasama niya sa kotse. Kung hindi dahil sa kanya baka hindi ko na nakasama ang anak ko." seryoso ring sabi ni Dr. Mayores na ikinaawang ng labi ko dahil hindi ko alam na sumabog iyong kotse

"Hindi ba't dapat ang anak mo ang magbayad kay Sapphire dahil siya ang iniligtas nila?" takang tanong ni Theus na nakakunot ang noo

"Tumutulong sa kaso ni Leandra ang anak ko. Siya ang may hawak ng kasong ito. Nangako siya kay Sapphire na hindi niya bibitawan ang kasong ito hangga't hindi niya natutulungan si Sapphire sa pagpapakulong kay Leandra." seryosong sabi ulit ni Dr. Mayores na siyang ikinatahimik namin

TAHIMIK akong nakaupo sa veranda ng safe house namin habang pinagmamasdan ang litrato namin ni Olive na kinunan ni Reina. Pareho kaming nakangiti habang nakapatong ang dalawang kamay namin sa malaking tiyan namin.

Sa ikli ng panahon na nakasama ko siya, mas nakilala ko siya. She's a good woman. Naging mabuti rin siyang kaibigan sakin at naging isang mabuting ina kay Jarett.

I already unveiled the past, Olive. Mabibigyang hustisya na ang pagkamatay mo.

"Sapphire...."

Napalingon ako kay mommy na siyang tumawag sa pangalan ko. Nguimiti siya sakin at sinuklian ko naman siya ng tipid na ngiti. Naupo sa tabi ko at sinilip ang litratong hawak ko. Naramdaman ko ang kamay niyang humaplos sa buhok ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi ko sasabihing tama ang desisyon mo noon, anak. The past can't be altered nor change. Pero masasabi kong hinangaan kita sa ginawa mo. I will never ask for any information anymore. Alam kong matalino ka at lumaki kang independent kahit na nasa puder ka namin ng daddy mo. Pero sana, sabihan mo ako kung may problema ka. I will always be here for you." marahang sabi ni mommy sakin

Naiiyak na tumango ako kay mommy, siguro kaya hindi ko rin nagawang sabihin kahit kanino ang nangyari maliban kay Reina na nakakaalam ay dahil na rin sanay ako na walang pinagsasabihan maliban sa kanya. Reina was always there for me lalo na noong panahong naglayas ako sa amin. Tinanggap din ako ng pamilya niya noong isang linggo akong nanatili sa kanila.

The Player Meets The CoachWhere stories live. Discover now