Chapter 17

24.6K 671 14
                                    

SAPPHIRE

It was already past 7pm when I arrived at Ethan's house. Nanggaling pa ako sa mansion to check Drianna and I also checked the bar, thankfully, wala doon si Theus. I pity him but I still hate him for hurting Drianna.

I am also helping my grandma about Theus' case. At kanina ko lang napag-alaman na sa mismong bar namin ni Theus gumawa ng kalokohan si Marie. That bitch! Talagang sa teritoryo ko pa.

Mangilan-ngilan lang ang may alam na kami ni Theus ang may-ari ng bar at kung hindi naman tanga ang malanding babaeng iyon, dun pa talaga siya gumawa ng kalokohan. Aayusin lahat ni lola ang gusot ni Theus once they arrived here in Manila.

Binilin na ni lola at nila mommy sakin na sila na ang bahala sa lahat pero tumutulong pa rin ako. Tinetiyempuhan ko rin ang mga katropa ng Marie na iyon dahil madalas daw sila sa bar namin ni Theus.

Nakasandal ang ulo ko sa sandalan ng sofa at nakapikit ang mga mata ko. I don't think I can still walk to Ethan's room. I was so exhausted.

"Hey, are you okay sweetheart?" nag-aalalang tanong ni Ethan na sumulpot sa kung saan

Tumango lang ako sa kanya habang nakapikit ang mga mata ko.

"Galing ka daw sa mansion niyo sabi ng mommy mo. You looked really tired. Kumain ka na?" malumanay na tanong ulit nito

Gusto kong magtaas ng kilay dahil sa sinabi niya. I wasn't informed na close pala sila ni mommy. Nakakatampo dahil hindi ako tinetext o tinatawagan ni mommy.

Napabuntong-hininga ako sa pagod at nagmulat ng mga mata. Nilingon ko si Ethan na nasa gilid ko at sinalubong ako ng malamlam na mata nito, bakas din ang pag-aalala sa mata niya. Tahimik akong nahiga sa sofa at inunan ang ulo ko sa kandungan niya. Pumikit ulit ako at naramdaman ko nalang ang kamay niyang sinusuklay ang buhok ko.

"Care to tell me what you did all day?" tanong nito na may bakas ng pag-aalinlangan

Hindi ako umimiksa tanong niya dahil siguradong kukulitin nanaman niya ako lalo pag binanggit ko ang pangalan kay Calvin at Sir Kris. The last thing I want is to argue with him dahil baka talagang mahigisan ko na siya ng plato.

Naramdaman ko ang pagkilos niya at parang may kinuha siya sa may pantalon niya pero nanatili akong nakapikit. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at naramdaman ko ang isang malamig na bagay na nilagay niya sa palasingsingan ko kaya napamulat ako ng tingin.

He was holding my left hand and I was already wearing a gold princess cut diamond ring. It was so simple and elegant. I like it, no, I love it. Napangiti ako at napatingin kay Ethan. Namumula ang tenga niya at may maliit na ngiti sa labi niya.

"Did you like it?" tanong niya sakin

"I love it." nakangiting sagot ko at pinagmasdan ulit ang kamay ko

Hinalikan niya ako sa noo at sinuklay ulit ang buhok ko.

"Can we talk, Sapphire?" biglang tanong nito sa seryosong tono

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil ramdam ko na hindi lang simpleng pag-uusap ang gagawin namin at hindi lang simpleng bagay ang pag-uusapan namin. Sa tono pa lang ng pananalita niya, alam kong gusto niyang mag-usap kami tungkol sa nangyari sa amin noon.

He's trying to open the wound that I'm trying to heal until now. Sometimes, time doesn't heal the wounds because sometimes it prolongs the pain, agony and it infects the wound making it more difficult to heal.

"Some other time, Ethan. Please." I pleaded while getting off from his lap

I was about to stand up when he stopped me by pulling my arm.

The Player Meets The CoachWhere stories live. Discover now