Chapter 1

34.5K 872 29
                                    

Napaismid ako nang mabasa ang nasa dyaryo. Kitang-kita ko lang naman sa front page ang nakangiting mukha ng magulang ko na kuha sa isang fund raising para sa mga orphanage. Inaampalaya ako dahil nabibigyan nila ng oras ang mga batang hindi nila kaano-ano samantalang ako ay hindi man lang nila kinakamusta noong bata pa ako. Ni hindi nga nila ako mapaglaanan ng kahit kaunting oras.

Napansin lang naman nila ako nang mapagpasyahan nila akong ipakasal sa anak ng mayamang negosyante. Kaya ayokong sumasama sa kanila sa mga malalaking events ay para walang makakilala sakin dahil alam ko na posibleng mangyari ang bagay na ito. Ni hindi nga ako kilala sa publiko dahil ayokong makilala ako ng publiko tapos bigla nila akong ipapakasal sa isang lalaking hindi ko pa nakikita.

Yun ang dahilan kaya naglayas ako sa amin dahil pinipilit nila akong ipakasal sa lalaking di ko kilala. Ayokong kinokontrol ang buhay ko kaya umalis ako. At mga magagaling kong magulang, hindi man lang ako hinanap! Sabagay, bakit nga ba nila hahanapin ang isang rebeldeng anak?

Siguradong hahanapin ako ng mga iyon kapag maisipan nanaman nila akong ipakasal para lumago ang negosyo nila. Huh! Akala naman nila ay hindi ko alam na para lang iyon sa negosyo nila.

"Sasa, bakit ba nakatambay ka lang dyan? Doon ka sa cashier!" utos ni Sir Kris, ang manager sa cafè na pinagtratrabahuan ko

"Yes, Sir!" nakangising sabi ko

Inismiran naman ako nito kaya muntik na akong mapahalakhak. Naging mas masungit siya noong magresign ang bestfriend ko, paano ba naman, ang torpe kasi! Naunahan tuloy at ayun, natali na ang bestfriend ko at magkakatwins na.

"Good morning, Sir! What's your order?" nakangiting bungad ko sa lalaking customer namin

Ngumiti rin siya sakin at ngiti pa lang ay alam ko ng nakikipagflirt siya. Sinipat ko ang gwapong mukha niya at napatango tango ako sa isip ko. Pwede na. Gwapo pero mukhang mas bata siya sakin. Nginitian ko rin siya ng matamis.

"One cafè latte, please. And how about your number, babe?" nakangising sabi nito

Muntik ko ng ihampas sa kanya ang menu na nasa gilid ko, buti nalang ay naalala ko na customer siya. May pa-babe babe pa siya! Ano ako? Baboy?!

"That would be 125 pesos, Sir." nakangiting sabi ko kahit na gusto ko na siyang hampasin

Naku. Malandi ang lalaking ito. Nangangamoy playboy!

Binigay naman niya ang bayad niya kasama ang isang calling card. Nginitian ko siya ng matamis at binulsa ang calling card niya dahil baka may paggamitan ako. Para naman fair kami ay sinulat ko sa likod ng resibo ang number ko pero syempre, iniba ko ang dalawang numero sa dulo. You wish!

"Thanks!" nakangiting sabi nito at kumindat pa

Gumanti nalang ako ng isang matamis na ngiti at pagkatalikod niya ay inungusan ko siya. Nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng mga order hanggang sa may pumalit sakin kaya naglinis nalang ako ng table at nagwalis walis.

Napapaismid ako pag may mga nakikita akong high schoool students na mga couples. Nakooo. Kebata bata kumekerengkeng na! Alam ba yan ng mga magulang niyo? Mga kabataan nga naman.

"Sasa?"

Napalingon ako sa tumawag sakin at nanlaki ang mata ko nang makitang si Hannah iyon. Pinsan siya ng asawa ng bestfriend ko at naging magkaibigan na rin kami.

"Ikaw pala, Hannah. Napadpad ka dito?" nakangiting tanong ko sa kanya

"Stress ako sa trabaho kaya napagpasyahan kong bumili muna ng kape." nakangiting sabi nito at tinaas ang hawak niyang kape

The Player Meets The CoachWhere stories live. Discover now