Chapter 38

22.2K 638 118
                                    

SAPPHIRE

Is this what you want Leandra? I will give you what you want but be sure to be careful on what you wish for. I am not a Cortez for nothing.

I will use my remaining cards to get her and this time, I will make sure that she will disappear in my life. If she is wicked, then I can be evil. Ethan will surely hate me but I don't care. I am a mother of my children and I will make sure that they are safe.

"Who's this?" malamig na tanong ng nasa kabilang linya, malamang ay hindi niya nakilala ang numerong gamit ko dahil nakuha pala ni Leandra ang cellphone ko na malamang ay nahulog habang nanlalaban ako sa kanya

"This is Sapphire." tipid na sagot ko

"What do you need? Alam mong hindi libre ang pagtulong ko sa'yo. I think I've already done enough to help my bestfriend's love of my life." sabi nito at kahit hindi ko siya makita, alam kong may naglalarong ngisi sa labi niya

"You will help me for free this time, Mr. Lewis." seryosong sabi ko sa kanya

"And what made you think that?" tanong nitong muli at marahang tumawa na parang nakarinig ng nakakatawang joke

"Leandra made your wife a target to get me. Are you not interested?" mahinahong sabi ko sa kanya

Natahimik ang kabilang linya at malinaw kong narinig ang marahas na pagbuga nito ng hangin.

"Send me the evidence." ani nito sa isang maawtoridad at matigas na boses

Kinuhanan ko ng litrato ang litratong pinadala sakin ni Leandra at sinend sa kanya na hindi pinapatay ang tawag.

"That motherfucker." rinig kong gigil nitong mura at halos panlamigan ako sa lamig ng boses nito

Binaba ko na ang tawag nang masabi ko sa kanya ang plano ko. Alam kong hindi niya ako bibiguin. Sunod ko namang tinawagan si Jaxon na asawa ni Reina. Kuya niya ang isang lalaking nasa kotse na nadisgrasya noon sa Bicol at sister-in-law niya ang babaeng buntis. Kamakailan ko lang din nalaman na siya pala ang may-ari ng hospital kung saan ako nanganak sa Cebu. Kaya pala parang pamilyar siya sa akin.

"Dr. Jones, you are not indebted to me after this." bungad ko sa asawa ni Reina nang sagutin niya ang tawag ko

"What is it?" walang pag-aalinlangan na tanong nito sakin

"I need an ambulance."

Sinabi ko rin sa kanya ang plano ko pero hindi ko sinabi ang lahat. Kailangan ko ng ambulansya para may magagamit ako kung sakaling may mangyari. I just want to ensure my safety.

Ang sunod kong tinawagan ay ang boyfriend ni Cara, si Engineer Eugene Aragon. I sent him the picture that Leandra sent me.

"Engineer Aragon, have you seen the picture that I sent you?" bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko

"Yeah. Do you have a plan?" tanong nito sa matigas na boses

"I need your connections para mahuli si Governor Guevarra. Siya ang ang taong tumutulong kay Leandra para magawa niya ang mga plano niya ng malinis. I need to cut her connections." paliwanag ko sa kanya na mukhang naintindihan nito agad

"Got that." mabilis na sabi nito at pinutol ang tawag

As I expected, these men will do everything para mapanatiling ligtas ang mga asawa at kasintahan nila. Kailangan din nilang malaman ang tungkol sa pagbabanta ni Leandra para makagawa sila ng precautionary measures. Ayokong madamay sila sa gulong pinasok ko.

The Player Meets The CoachWhere stories live. Discover now