Chapter 39

22.6K 635 37
                                    

SAPPHIRE

Hindi ko maiwasang mapatitig sa mga maleta namin na nakasalansan sa gilid. Nakapagdesiyon na ako na aalis ako kasama ang mga bata. I need this and Jarett also need this. Mula nang mangyari ang insidenteng iyon ay hindi na gaanong nagsasalita si Jarett. Ang sabi ng doktor niya ay na-trauma siya.

Lahat nalang ba sila ay matratrauma dahil kay Leandra? Nakakalungkot lang na hindi sila matanggap ng lola nila.

Napabuntong-hininga ako at lumabas na ng kwarto ko. May check-up ako kay Dr. Mayores ngayon kaya sumakay na ako sa kotse. May kasama na akong driver ngayon dahil iyon ang kagustuhan ni daddy. Hindi na rin ako nagpasama dahil hindi naman ako magtatagal.

Nginitian ko si Dr. Mayores nang makapasok ako sa opisina niya. Pinaupo naman ako nito agad.

"Mas makakabuti kung huwag ka munang bumiyahe ng malayo. You need atleast a week para masigurong ligtas sa inyo ng bata ang bumiyahe. Tulad ng lagi kong sinasabi sa'yo, iwasan mo ang ma-stress." malumanay na bilin sakin ni Dr. Mayores

Tumango tango ako sa kanya at pinakinggan ang mga bilin niya sa akin. Kailangan kong pangalagaan ang sarili ko hindi lang para sakin kundi para rin sa pinagbubuntis ko.

"Thank you sa lahat ng tulong niyo, doc." nakangiting pasasalamat ko sa kanya

"Hindi ka na rin iba sa akin, Sapphire. Wag mo ng isipin pa iyon." nakangiti ring sabi nito

Nagpaalam ako sa kanya nang matapos ang check-up ko dahil alam kong marami pa siyang pasyente sa labas na naghihintay. Tahimik akong naglalakad sa hallway ng hospital nang makasalubong ko si Ethan. Napatigil siya sa paglalakad nang makita ako kaya napatigil din ako.

Hindi ko pa siya nakakausap mula noong makita ko siyang kausap ang mommy niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o i-akto sa harapan niya. Ni hindi ko nga alam kung may relasyon kami o wala. Hindi ko rin alam kung maaayos pa ba namin ang relasyon namin na hindi maganda ang simula.

Hindi maganda ang simula ng relasyon namin noon pa lang at hindi rin maganda ang paghihiwalay namin. Ngayon naman nagkabalikan kami para sa paghihiganti ko at hindi pa man kami nagtatagal, nagkagulo kami ulit at natapos iyon sa hindi magandang paraan.

"Can we talk?" mahinahong sabi nito

Tahimik akong tumango at sumunod sa kanya nang nauna na siyang maglakad. Napakagat ako sa labi ko nang mapagtanto ko na laging siya ang nag-iinitiate na mag-usap kami. Ayoko sana siyang kausapin dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya matapos ang nasaksihan ko na pag-uusap nila ng mommy niya pero alam kong kailangan naming mag-usap.

Kailangan ko ring sabihin sa kanya ang pag-alis ko kasama ang mga bata. May karapatan siyang malaman ang tungkol doon dahil ama pa rin siya ng mga bata at ayokong mas lalong lumaki ang gulo sa pagitan namin.

Naupo si Ethan sa bench na nasa garden ng hospital kaya naupo rin ako pero binigyan ko ng espasyo ang pagitan namin. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya napatingin ako sa kanya pero agad din akong napaiwas ng tingin nang makitang nakatingin siya sa akin.

"How's the our baby?" malumanay na tanong nito

Napakagat ako sa labi ko at napayuko nang maramdaman ko ang pagbabara ng lalamunan ko. Our baby. Hindi lang niya alam kung gaano ako naiiyak na marinig ang mga salitang iyon sa kanya. Ngayon na lang ulit niya kinumusta ang pinagbubuntis ko at buong akala ko ay nakalimutan na niyang nasa sinapupunan ko ang anak namin.

"O-Okay lang naman siya, though hindi mahina ang kapit niya. Pero umiinom ako ng vitamins at inaalagaan ko ang sarili ko para maging malusog siya." mahinang sabi ko pero sapat na para marinig niya

The Player Meets The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon