Chapter 14

26.6K 749 122
                                    

ETHAN

Malawak ang ngiti kong pumasok sa opisina at mukhang nagulat ang ilang empleyado na malapad ang ngiti ko. Hindi ako nagsuot ng coat para lang makita ng mabuti ang suot kong polo at hindi rin ako nagsuot ng necktie. Nakabukas pa ang dalawang butones ng polo ko. Pasipol sipol pa ako habang naglalakad papasok sa opisina ko.

"Yo! Good morning, Henry!" masiglang bati ko sa sekretaryo ko na mukhang nagulat din sa kasiglahan ko

"Sir, mukhang maganda ang gising niyo ah!" bati sakin ni Henry

Tumawa ako at tinapik siya sa balikat. Kung alam mo lang Henry, hindi ako halos nakatulog dahil kay Sapphire.

"Tsaka sir, nagbago ata kayo ng pabango at mukhang hindi kayo nagdala ng coat." pansin nito

Natuwa ako dahil napansin niya kaya syempre agad kong pinagyabang na binili ni Sapphire ang damit at bago kong pabango. Pinuri naman niya si Sapphire at sinabing maganda ang taste niya sa pabango at damit. Oo naman!

"Son, are you ready for the meeting---Where's your tuxedo?" biglang tanong ni dad na sumulpot galing sa kung saan

Nakakunot ang noo nito habang sinisipat ang damit ko. Nakangiti akong humarap sa kanya at inakbayan siya.

"Sorry, dad. Gusto kong ipagyabang itong polo na binili sakin ni Sapphire kaya hindi na ako nag-coat. May meeting pala tayo? Ganito na ako, dad. Madadala na yan ng kagwapuhan ko." nakangising sabi ko

Nawala ang kunot na noo ni dad at napangiti rin.

"Aba! Ang galing mamili ng damit ng mamanugangin ko. Okay na yan, 'nak. Tayong mga gwapo minsan hindi na kailangan ng coat." natatawang sabi ni dad na sinabayan din ang kayabangan ko

Sabay kami ni dad na nagtungo sa board room para sa board meeting namin. Nakangisi kaming pareho at syempre kinwento ko sa kanya na binilhan din ako ng pabango ni Sapphire.

"Nagpapakipot ka lang pala nung dinner natin, eh." tumatawang sabi ni dad

"Ganoon talaga kapag gwapo." mayabang na sabi ko

Napatingin samin ang mga board  members nang makapasok kami at kumunot din ang mga noo nila nang mapunta sakin ang tingin nila. Malapad ang ngiti kong tinignan silang lahat.

"Pagpasensyahan niyo na po si gwapong ako dahil gusto kong ipagyabang itong polo na binili ng mapapangasawa ko." pagbibiro ko na may halong kayabangan kaya natawa naman sila

Hindi na bago sa kanila ang pagbibiro ko pero seryoso naman ako pag tungkol na sa trabaho. May ilang nabigla dahil sa sinabi kong 'mapapangasawa' pero hindi naman sila nagtanong.

"Para saan pala itong meeting, dad?" tanong ko kay dad

Nakalimutan ko kasing tanungin kanina at hindi rin ako nasabihan ni Henry.

"May bago tayong board member." seryosong sagot ni dad

"Bagong board member? What do you mean? Bakit hindi ko alam?" sunod sunod na tanong ko habang nakakunot ang noo ko

"Hindi naman ito big deal, anak. Tsaka bakit hindi mo ito alam? She owns half of the company." nakakunot noo ding tanong ni dad

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni dad. She? So babae? And she owns half of the company? Paano nangyari ang bagay na iyon? Sa akin na nakapangalan ang company five years ago kahit na si dad pa rin ang CEO ng kompanya. Ang usapan namin ay magiging CEO ako next year dahil yun ang taon na magreretire na siya.

"Dad, bakit hindi ko alam ang bagay na ito?" inis na tanong ko ulit kay dad

"I don't know. We will start the meeting." kibit balikat na sabi nito sakin na parang wala siyang pakialam na kalahati ng kompanyang dapat pag-aari ko lamang ay may ibang nakikihati

The Player Meets The CoachWhere stories live. Discover now