Chapter 3

26K 781 49
                                    


Maaga pa lang ay nag-aayos na ako. Gusto kong maging presentable sa harap ng mga magulang ko at limang taon ko din silang hindi nakita. Kalahating oras ang biyahe papunta sa mansion namin kaya maaga akong nag-ayos.

Huminga ako ng malalim habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. Nakabrown na dress ako na hanggang tuhod at nakasuot din ako ng kulay itim na heels.

Pasakay na ako sa kotse ko nang tumunog ang cellphone ko. Pumasok muna ako sa loob ng kotse ko bago ko sagutin ang tawag.

"Lola..." malumanay na bati ko

"Sasa, wala ka bang balak umuwi ngayon?" tanong sakin ni Lola

"Pupunta ako sa mansyon ngayon kaya hindi ako makakapunta dyan dahil siguradong ipapasundan nila ako mamaya." paliwanag ko

"Eh paano si Jasper? Kanina ka pa niya hinihintay." malungkot na sabi ni Lola

Napabuntong-hininga ako at wala sa sariling napatango kahit na alam kong hindi ako nakikita ni Lola.

"Pupunta na ako dyan ngayon pero dadaan lang ako." sumusukong sabi ko

Hindi ko rin naman matitiis na hindi siya makita. Pinutol ko na ang tawag at mabilis na nagmaneho patungo kila Lola. Wala na akong pakialam kung malate ako sa pagpunta sa mansyon.

Nagpalit muna ako ng flats bago magdrive dahil mataas ang heels ko at alam niyo bang mahirap magdrive pag nakahigh heels? Inabot ako ng halos dalawang oras papunta sa Laguna.

"Lola!" tawag ko pagkapasok ko sa bahay ni Lola

Agad namang lumabas mula sa kusina si Lola at may hawak pa itong sandok. Malamang ay nagluluto na ito para sa tanghalian. Tumawag na rin ako sa mansion at sinabing sa dinner nalang ako pupunta doon.

"Mabuti naman at nakarating ka na." masayang sabi ni Lola

Nilibot ko naman ang paningin ko para ahanapin si Jasper at mukhang napansin naman iyon ni Lola.

"Hinahanap mo ba si Jasper? Nandoon siya sa farm kasama ni Artemio, gusto daw niyang makita yung mga kabayo." sabi ulit ni Lola

"Pupuntahan ko po sila doon." paalam ko kay Lola at agad naman siyang tumango sakin

Lumabas na ako ng bahay ni Lola at nagtungo sa maliit na farm nila. Malawak ang lupain ni Lola at siya ang mama ni mommy pero hindi ko alam kung bakit hindi sila magkasundo hanggang ngayon. Mayaman din sila lola pero pinili niyang manirahan dito sa Laguna kesa sa hacienda namin na medyo malayong probinsya.

Natanaw ko na si Mang Artemio na hawak ang tali ng kabayo habang inalalayan si Jasper na nakasakay sa kabayo. Nakatalikod sa gawi ko si Jasper kaya hindi niya agad ako nakita. Nanlaki ang mata ni Mang Artemio nang makita niya ako pero sumenyas naman ako na wag sabihin kay Jasper.

Tahimik akong lumapit sa kanila at hinalikan ko sa pisngi si Jasper na agad namang humagikgik at napalingon sakin. Nanlaki ang mga mata nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Mommy!" masayang sabi nito

Natawa ako sa kanya at niyakap din siya pabalik bago hinalikan sa ulo. I miss this sweet little guy.

Humiwalay ako sa kanya at hindi ko mapigilang tumingin sa kulay abo niyang mga mata na kumikinang tuwing nakikita ako. His eyes resemble his dad's eyes everytime he look at me before but it all changed when he broke my heart, those twinkling eyes turned into a cold one.

"Where's my pasalubong mommy?" tanong nito at tumngin sa mga kamay ko kung may dala ako

"I forgot to buy pasalubong for you. Gusto mo bang pumunta tayo sa mall?" nakangiting tanong ko sa kanya

The Player Meets The CoachWhere stories live. Discover now