Epilogue

74.1K 1.5K 145
                                    


6 years later

"Mommy!!! Aunt Audrey send me an advance birthday gift, kailan ko ba sya ma me meet?" My daughter pouted.

"I'm sorry sweetheart, hindi rin kasi alam ni mommy eh. Alam mo naman na mga presents lang ang mga binibigay nya diba ever since?"

"Pero bakit mommy? Diba po he's dad's friend?" Ayaw kasi ni Theo na sabihin sa anak na naging kasintahan nya ito, galit parin sya dito.

"Hayaan mo baka balang araw makilala mo rin sya. Sige na ligo kana saka mo kulitin ang dad mo." Sabi ko nalang at hinalikan na sya.

Pumanhik naman ito sa guestroom kung saan sya samantalang natutulog, pina renovate kasi ni Theo ang nursery room nya dati kahit ayaw nya. Binula lang ito ng ama nya na big girl na sya kaya dapat ng palitan ang nakagawian nitong nursery room dahil pam baby lang ito, matagal din nila itong pinagtalunan hanggat na kumbinsi na nga sya ng daddy nya.

Spoiled masyado ito ni Theo, kahit hindi hilingin ng anak ay ibibigay nito, minsan nagrereklamo na ito dahil nagmumukha na daw toy store ang room nya and Theo would just say...

"everything for my angel." At tatawa nalang ako kahit nakasimangot na yung anak namin.

Matagal na rin mula ng naging maayos ang lahat. After a month noong nakalabas akong hospital ay na hearing ang kaso ni Audrey. Ngunit inurong ko ang demanda laban sa kanya.

Matapos ang unang hearing ay kinausap kami ni Audrey, humihingi ito ng tawad umiiyak ng nakaluhod. Hindi raw nya kaya sa loob ng kulungan kaya nagmakaawa ito sa amin ng iurong na ang demanda at nangangako syang magpakalayu-layo nalang at hindi na mang gugulo pa, pinagsisihan na daw nito ang lahat ng nagawa nya sa amin ng baby ko at tanggap na raw nyang wala na sila ni Theo. Syempre duda ako noong una pero naisip ko rin na bigyan sya ng pagkakataon, ang ganda ng mga nangyari sa akin despite sa mga masamang ginawa niya. Okay naman kami ng anak ko, bumubuti na kasi si baby Thea at mas lalong lumalakas kaya napaaga ang uwi nito sa bahay. Kaya bilang pag sara ng kabanata nayun gusto kong magsimula ng walang hatred sa puso ko, kaya nga ng Diyos magpatawad ako pa kaya.

The next hearing nya ay napag desisyonan kong iurong ang demanda at galit na galit si Theo sa desisyon ko. Ilang beses namin iyung pinag talunan at nagwagi naman ako kaya lang dinaig namin ang first family sa dami ng bodyguard. Hindi na ako tumutol dahil wala na daw itong tiwala pa Kay Audrey. Mas mabuti naring sigurado.

Nalaman din namin na pumuntang Spain si Audrey at doon nagsimula sa maliit nyang business. Mula noon every occasion ay may natatanggap kaming letter ni Theo mula sa kanya na bumabati at nag so-sorry. Kay Thea naman ay mga laruan at damit, pambawi daw nya ito. Mula noon ay hindi na muling tumapak pa si Audrey ng Pilipinas, nalalaman namin kasi hanggang ngayon ay pinasusundan parin ni Theo ito upang makasiguro daw na walang gagawing masama.

After a year ay nag church wedding kami ni Theo at totoong ipinaalam niya ito sa lahat, he even published it. Sobra-sobrang saya ang nadama ko ng mga panahong yun. Nagmistulang wedding of the year iyun, hindi ko alam kung magkano ang nagastos nya sa kasal namin. Kung bongga lang ang pag uusapan ay hindi ko iyon maikumpara sa kahit kaninong kasal. I feel so special that day, ako ang pinaka masaya sa araw na iyun, kaya kahit hating gabi na noon ay hindi ako makatulog sa saya. Ninamnam ko talaga at ayokong matapus ang araw na iyun baka kasi kinabukasan ay may kapalit ang sayang iyun.

Sa awa ng Diyos ay wala naman, mas lalo lang kami pinapahalagahan at pinapasaya ni Theo.

Balik narin ako sa negosyo namin at si Theo naman ay lalong nagpayaman, ang workaholic nya kasi pero syempre hindi sya nawawalan ng panahon sa amin kaya kahit hindi ko pa naririnig ang "I love you" mula sa bibig nya ay masaya at kuntento na ako dahil hindi ko man naririnig yun sa kanya ay nararamdaman ko naman, hindi ako assuming kasi totoong napakasweet nya at  nararamdaman ko yun sa mga panahon na nag iisa kami. Kaya may suprisa ako sa kanya bukas sa birthday ni Thea.

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now