chapter thirty six

52.5K 1.1K 14
                                    

Chapter thirty six

Toni's POV.

Anong ginagawa ni Audrey sa kulungan?Bakit sya nakulong at bakit yun ang sagot ni Theo?

Sandali kong inalisa ang sagot nya at parang may bumundol na kaba sa puso ko sa posibling dahilan ng pagkakulong nito. Unti unting nanlaki ang mga mata ko,nang titigan ako ng pag alala ni Theo. Parang alam ko na.

Gusto kong magtanong pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Takot at kaba para sa anak ko ang naghari sa akin.

I saw an apologetic expression in his face at hint nga iyon upang makompirma ko kung anoman ang nabuong kunklusyon sa utak ko.

Nag unahan ang aking mga luha.

Hayop!

Demonyo!

Halang ang kaluluwa!

"Aaahhhhhh!!!" Pinagsusuntok ko si Theo sa kahit saang parte ng katawan nya.

"Hayop!!! Walang kaluluwa!!!"
Nagwawala na ako sa galit. Yung galit na matagal ko ng kinikimkim ay sadyang umalpas na sa aking pasensya at sumabog na nga.

Paano kung may masamang nangyari sa anak ko? okay lang sana kung ako lang pero hindi! may inosenteng bata ang nadamay sa kahayupan nya.

Maingat ko itong tinago hindi dahil paghigantihan si Theo, oo may parting ganon pero iniwas ko ang anak ko posibling gagawin ni Audrey oras na nalaman niyang magkakaanak kami. For sure she doesn't want a bastard para sa magiging pamilya nila ni Theo. I very know her selfishness.

Tao pa ba sya!!! Walangya!!

Hindi ko na alam kung saan ko pa susuntukin si Theo, tinamaan na sya mula ulo,mukha,panga,dibdib,pero hindi sya umiwas bagkus ay pinapakalma lang nya ako at takot ang nakikita ko sa mga mata nya.

"Kaya ka ba nandito dahil nagiguilty ka sa ginawa ng babae mo ha? Ngayon sabihin mo kung dapat ba kitang bigyan ng pagkakataon pagtapos ng ginawa nya? Mga walangya!!! Nililinis mo lang ang kalat ng babae mo!!!...... Ahhhh!"

Biglang sumisid ang sakit sa aking tyan particular sa may tahi. Ang sakit! Sobra. Walang hangganang sakit na ba talaga itong mararamdaman ko buong buhay ko?

"Toni please! calm down." Pagmamakaawa nya.

Ang sakit,ang kirot! Hanggang sa may bumakat na dugo sa hospital dress na sout ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.Bumalik sa aking alala ang pagkabundol ko at ang maraming dugo,ang sakit ng tyan at si baby.

"D-dugo!" Namutla ako. Para akong bumalik sa mga oras na nasa sinapupunan ko pa si Thea. Yung takot ko ay hindi ko na mahahawakan pa.

Nanlaki naman ang mata ni Theo.

"Oh fuck!" Nagmamadali dali syang lumapit sa may maliit na parang radyo at may pinindot doon.

"Emergency, my wife is bleeding! Please!!! Help!." Sigaw nya dito.

Nanginig naman ako dahil bumabalik sa utak ko ang aksidente. Dinaluhan ako ni Theo, hindi nya rin alam ang gagawin. Hindi niya alam king saan hahawak sa akin at namumutla na rin siya.

Masakit parin ito mas lalong lumalala.

"Toni, please calm down the help is coming." Hindi na maipinta ang mukha ko sa sakit, umiimpit narin ako. Parang hinihiwa ang tiyan ko sa sakit.

Di nagtagal ay dumating ang doctor at dalawang nurse.

"What happen? Bakit nag bleed?" Nag alala tanong ng doctor. Agad nya akong nilapitan at hinawi ang damit ko at doon sya napanganga.

"Nagwala kaba? Bumuka bahadya ang tahi mo, please misis kalma lang." Her horrified face makes me even faint.

Naramdaman ko din na may tinurok sa akin sa magkabilang balikat. Unti Unti namang namanhid ang katawan ko at nanghihina ako.

"Painkillers yun at pampakalma...hindi ka dapat namumwersa. Alam mo naman na CS ka at sariwa pa ang mga tahi mo." Sabi ng doctor na may kung anong gimagawa sa tyan ko, namanhid na talaga ang pakiramdam ko. Wala na ang sakit, hindi naman ako inaantok pero wala yata akong lakas.

I saw Theo looked terribly terrified. Lakad dito lakad doon, tingin sa akin tingin sa tyan ko. Ang dalawang nurse ay nilinisan ang nagkalat na dugo at tumulong sa pag dressing sa sugat ko.

"Kailangan nya ng waist band para ma compress ang sugat." Yun lang yata ang naintindihan ko sa sinabi ng doctor...umalis naman ang isang nurse.
Pinalitan nila ako ng damit at kinuhanan na rin ng BP at temperature.

Matapos lagyan ng benda ang tyan ko ay sinuotan din nila ito ng waist band na sakto lang ang higpit. May mga sinabi ang doctor kay Theo na hindi ko na maintindihan dahil nabuburyo na utak ko.

Hinatid nya ang doctor at lumapit sa akin. "Magpahinga ka muna." He kiss my forehead kaya pumikit ako upang makatulog.

Naalimpungatan ako ng may nag uusap usap.

"Bakit nakapagpyansa Theo?" Impit ngunit may galit sa boses ni Osang.

"Bailable daw ang kaso nya pero kailangan parin syang e hearing at hatulan, sa ngayon ay nakapagpyansa sya... humingi na ako ng tulong upang pasundan sya." Si Theo.

"Wag kayong mag alala matibay ang mga ebidensya natin at may mga witness's tayo." Si Osang.

"Alam ko. Hindi ko rin hahayaan ang ginawa nya. Kumuha na ako ng mga bodyguard's para sa baby at Kay Toni. Kahit nandito tayo nasa labas lang si Audrey at ayokong may gagawin pa sya sa mag ina ko." Diing sabi ni Theo.
Sya ba talaga iyon at gumagawa sya ng hakbang upang proteksyonan kami.

Nakikinig lang ako sa kanila at nakapikit parin dahil sa oras na didilat ako ay tatahimik sila at hindi ko na malalaman ang mga plano nila.

"Tumawag na ba sya sayo Theo?" Si Amber yun.

"Hindi pa, sa abogado ko nalaman na nakapag pyansa sya dahil pinapaalam ko ang kaso Laban sa kanya."

"Panigurading tatawag yun sayo."

"Mabuti at ng ma track natin siya at nang ma e-survilance."

"Thanks for staying our side Theo kahit pa si Audrey ang kalaban natin." Si Amber.

"Babawi ako sa kanya,  she doesn't deserve this. Alam kong galit sya sa akin pero gagamitin ko ang marriage namin  para bigyan nya ako ng chance and this time, I'll stay."

"Teka, ano nga pala iyung about sa annulment na pinirmahan ni Toni?" Si Osang.

"Pinahahanap ko yung annulment papers sa mga gamit ni Audrey at oo meron nga at nakapirma na si Toni doon pero hindi ako nag file noon. Nag file na ako reklamo sa abogadong gumawa noon at nag response naman kaagad sya na pinaikot lang daw sya ni Audrey."

"Hah! Bitch."

"Ahm..., ako na ang humihingi ng pasensya, hindi ko rin kasi alam ang mga pinaggagawa niya behind my back, hindi rin naman kasi ako nakikinig sa mga rumors at hindi ko rin naman sya priority, it was just that sya ang naging girlfriend ko. Mas priority ko ang kompanya ni dad noon."

"Hindi ka naman kasi playboy kaya wala kang nakitang iba." Si Amber.

"Meron kaya.....I've been Toni's stalker."

Mahina nyang sabi na halos pabulong na.

"What?" Kurong sabi ng dalawa kong kaibigan.

What? Siya nag stalk sa akin?

Impossible

Bigla naman tumambol yung dibdib ko. Really? This time talaga? Magpapapadala na naman ba ako?

Theo, just make sure that your doing this for the right reason. Dahil kung hindi, hinding hindi ako magadadalawang isip na labanan ka kahit saang kurte pa yan.









Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon