chapter fifteen

43.2K 1.3K 32
                                    

Chapter fifteen

From: Theodore

I'll be extending my stay here for another two days. May kailangan lang akong ayusin. Take care Toni.

Nanginig ang mga kamay ko sa nabasa dahilan upang nabitawan ko ang cellphone at nawasak ito.

Nag uunahan ang mga luha sa aking mga mata na para bang balde na nabutas. Hindi ako humagulgul pero patuloy parin sa pag agus ang aking mga luha. Sari-saring mga emosyon ang lumukob sa akin na hindi ko maipaliwanag. Pero isa lang ang malinaw sa lahat, MASAKIT.

Naki simpatya yata sa akin ang panahon dahil napakalakas ng ulan sa labas. Alas dyis na ng gabi at wala pa akong kain, hindi pa naman ako nakadama ng gutom. Nakatunganga lang ako sa loob ng banyo at basang basa. Nakadama ako ng panginginig sa aking katawan kaya pinatay ko ang shower.

Lumabas ako ng banyo at humiga sa Kama na hindi pa natutuyo ang aking buhok at naka roba lamang. Halos wala nang luhang lumabas sa aking mga mata.

Bakit ba ako nagluluksa? Diba pwede ko naman siyang ipaglaban? Asawa ko naman siya ah. Hindi dapat ako nagpapatalo nalang sa Audrey na yun, ipaglalaban Kita Theo! Ako na ang mas may karapatan sayo ngayon, hindi ang demonyetang yun.

Nakatulugan ko na ang pag iisip na iyun, with my heavy heart. Kinabukasan I can feel my body aches. Ang bigat ng pakiramdam ko, magkakasakit pa yata ako nito. I got up from bed and prepared myself a brunch because I woke up late.

Ang tahimik ng bahay,nakakalungkot. Mas lalo akong nalungkot nang nakikita ko sa bawat ng sulok ng bahay na ito si Theo. I feel petty for myself. Nanlilimus.

Hindi na muna ako papasok ngayon para kasi akong lalagnatin, papahinga ko nalang muna ito. Sira pa yung cellphone ko. Tumawag ako sa landline at si Osang ang nakasagot.

''Sissy masama pakiramdam ko eh, a absent na muna ako." Nanginginig kong sabi.

"Ano? masama ang pakiramdam mo? Uminom kana ba ng gamot? O check up? Ano pupuntahan kaba namin dyan?" Sunod sunod niyang tanong at ramdam ko ang pag aalala nya.

"Oops,hinay hinay lang, magiging okay din ako, pahinga lang ito... okay?" mahinahun kong sabi sa kanya.

"Ganoon ba?e bakit hindi ka makontak??" Pagalit niyang sabi.

Patay! lies na naman. "Nasira yung phone ko e, nadulas sa kamay ko ayun basag! Papabili pa ng bago kainis." drama ko, di naman Totoo. Liers go to hell,jusko makakasama ko pa yata ang Audrey na yun doon.

"Ganoon na, sige mag ingat ka,get well soon Sissy. Uminom ka ng gamot hah! Ako narin ang magsasabi sa kanila tungkol dito." Buti binaba na niya.

Hindi ako umiinom ng gamot kaya water at fruit therapy lang ayos na ako. Bumabara lang kasi sa lalamunan ko ang mga gamot na yan.

Nagpahinga na ako the whole time, mga bandang hapon ay umingay yung telepono sa sala kaya napilitan akong bumangon.

"Hello?" Garalgal pa rin ang boses ko.

" Toni!! Ghad, buti sinagot mo na." Kumunot naman ang noo ko, Theo? In an instant my heart race in betrayal.

"I've called in your office kasi hindi ka makontak sa mobile mo and Amber told me that your sick. I've call you a hundred times Toni, I'm sick worried." Mahinahon ngunit nag alalang boses iyun.

" yeah. I'm just not feeling well but I'm okay now." Sagot ko. Totoo ba itong pag alala niya?

Umirap ako at kinukuntra ang traydor na damdamin.

" I'm heading home!!" He said.

"What???" Bakit siya uuwi? Ganon siya ka concern? Ito na naman tayo sa mga pa fall moves niya. Kakainis!

"May dala akong fruits and med." He said gently. I wanna cry for that, dahil hindi naman totoo yun.

"Pero akala ko ba hanggang bukas kapa?" Laban ko sa sarili kong damdamin.

"Tatawagan ko nalang." Sagot niya.

"Okay," yun nalang ang naisagot ko. Ano ba dapat ang mararamdaman ko sa ginawa niya ngayon? Paano si Audrey? Iniwan niya? Anong sinabi niya dito?

Ibinaba ko na ang telepono pagkatapos niyang nagpaalam.

Bumalik na ako sa kwarto. Gusto ko lang talagang matulog at iwaksi ang mga damdamin.

Nakadama ako ng paghaplos sa aking pisngi and when I open my eyes I saw him. His wearing a shirt and a shorts, nakapagbihis na pala ito kanina pa kaya siya?

"Hey, I cooked soup para may makain ka. I can tell hindi ka pa kumakain puro prutas lang yung nakikita ko doon sa kitchen." Sabi niya. Nag alala talaga siya.

Oh how I miss this man. Napakagat labi ako.

"Gusto ko lang talagang matulog e wala akong gana maglikot."

He helped me up.

"Dapat lang na mag pahinga  ka. Did you see a doctor already?"

"No, hindi na kailangan. Bumuti na yung pakiramdam ko."

"Are you sure?"

"Yeah, I feel better."

"Okay, come! You have to eat for you to recover fast."

"Sige. Nagugutom na rin ako eh."

He helped me eat, sinusuboan niya ako kasi medyo mainit pa ang sopas na gawa niya. Instant soup lang ito pero na appreciate ko.

Pinaiinom niya ako ng gamot pero tinanggiha ko,syempre hindi ko naman yun malulunok. Allergic ako sa mga gamot na yan, naisusuka ko lang sayang din. Hindi na siya nag insist kasi ayaw ko talaga.

Napansin niya yung cp kong basag.

"Bakit nabasag? Ganoon ba ka sama ang pakiramdam mo at nabitawan mo to?" He held the phone.

"Siguro, Okay lang bibili nalang ako bukas 2 years na rin kasi yan."

"Ibibili nalang Kita."










❤ LibRanz01

Free to comment.
I wanna know your thoughts.

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now