chapter eight

47K 1.2K 4
                                    

Chapter eight

He pulled me to his side and snake his arms around my waist.I can feel the electricity hit me. Ano yun?
Grounded?

"Oh!.... You didn't tell me you have a husband Toni." Brett, trying to compose his self.

Nakagat ko ang pang ibabang labi. Wala naman talaga akong planong sabihin sa kanya ang tungkol sa asawa ko, baka kasi maghiwalay naman sooner at mapapahiya ako kapag nagkita kami uli.

"oh my bad, you didn't asked." Natatawa kong sabi, itinawa ko nalang ang tensyong namumuo sa pagitan naming tatlo. Nagtiim bagang naman si Theo at nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata. Kinabahan tuloy ako.

"I think you two are over for a little chitchat, so may I have my wife? " Theo smiled bitterly.

Wife?

Did he just call me wife? O my God my knees are shaking. Kung hindi lang ako hawak ni Theo malamang nabuwal na ako. My heart is beating so fast that I can literally hear it.

"Sure!... Sure, nice meeting you Toni. Thanks for the time and I hope it will not be the last." Brett said.

I smile at him, putting aside the awkwardness.

"Oh, it will be dude. 'Cause  I will not let it next time. Got to go.....let's go wife." Bahagya nya akong hinila sa kung saang direksyon palayo Kay Brett. Nilingon ko si Brett at nakitang tipid na ngumiti, malungkot ko naman iyung tinugon.

Naguluhan naman ako sa mga sinabi nya. Is he being possessive? Or I am just assuming.

"What was that?" Hindi ko na mapigilan itanong baka.

"What?" He asked back inocently.

"I'm getting what's mine,asawa naman Kita ah, bakit ba kasi kasama mo yun?" He irritably said.

Tumaas ang kilay ko sa behavior niya.

Kung maka what's mine ka jan parang wala kang Audrey. Umirap ako sa kawalan.

"You said mag stroll ako, I just did." Nandidilat ako.

"I said you can stroll not boy hunting." Inis parin ang kanyang boses.

Touch naman ako doon. Sweet ba yun? I bitterly said. Ayokong magpadala sa emosyon dahil kunte nalang talaga,malulunod na ako.

" I'm just being friendly here " Pagdedepensa ko. Making sure that may walls are concrete still.

" Fine," he sigh in defeat.

"Why do I feel like keeping you for myself alone?" He frowned and arched his brows.

Nag jumping rope yata si heart. I can't explain the fondness I just felt. Wag masyadong pa fall Theo baka hindi na kita pakawalan. Kahit anong depensa ko kumakawala talaga na parang isda itong nararamdaman ko.

"Aba Malay ko sayo" sabi ko nalang. Pero kinilig talaga ako, hindi ko mapigilan.

We had dinner after that,maaga pala natapus ang conference na pinuntahan nya. At ang kliyente naman na e me meet nya ay nag cancelled,bukas na daw.

"Mag su.swiming ka?" He look at my outfit.

"Oo sana eh."

"Then I'll join you. Wait me here I'll just change." Nagmamadali syang pumunta sa sa aming silid,naiwan naman ako sa restaurant.

Naisip ko ang mga nangyari, hindi na masama na sumama ako kasi nagkapanahon kami sa isa't isa, ito ang pinakamahabang time na magkasama kaming hindi tulog. At may may surprises pa siyang mga hindi ko inakala. Like yung mga nasabi nya kanina. It felt warmth inside me.Pero paano kung bumalik na kaming manila? Babalik narin ba kami sa dati? Nalungkot ako doon.

Reality really hit big time.

Ang katotohanan na hindi ako ang mahal, maybe he is just being kind with me. Syempre inaya niya ako dito kaya dapat ay tatruhin niya akong mabuti.Siguro nga, pero hulog na ako e. Pwede ko ba syang ipaglaban? May pag asa ba sa aming dalawa? Paano kung panaginip lang pala ito? Anong mangyayari sa akin? Pupulutin ako sa kangkungan.

"Hey!" Pukaw niya sa aking malalim na pag iisip. Nakabalik na pala si Theo at naka trunks lang sya. Ang yummy ng pandesal kahit hindi umaga. Nakakalaglag panty, ay bikini pala sout ko.

"Oh I'm sorry, naglakbay sa kalawakan itong isipan ko e." I smiled awkwardly.

"Let's go" Aya niya.

Sabay kaming lumabas ng resto at pumuntang dalampasigan. Hinubad ko ang summer dress at ipinatong sa may sun lounger. Tutoloy na sana ako nang napansin na hindi gumalaw si Theo, and when I turned to him, nakatotok lang siya sa akin.

"Theo! May problema ba?" Pagtataka ko,may mali ba sa suot ko?

"Ahm,hindi....ba...masyadong....your--"
Hindi nya mabuo yung sasabihin nya,ano bang problema.

"Spell it Theo!!" Naiinis na ako dahil ang sarap ng maligo.

"You're showing too much skin!" Ano? Pambihira, hindi ba niya nakikita si Audrey na ganito? Wag nga niya akong maloloko, if I know lahat ng lalaki ganito ang gusto.

"Malamang maliligo ako. Alangan naman mag jacket diba? Halaki kana nga!!" Hinila ko na syang papuntang dagat. Nanuot naman agad Ang lamig sa aking katawan pagkaapak ko sa tubig! Hindi ko na hinintay pa si Theo at lumangoy na ako,bahala siya ligong ligo na ako. Naiinarte pa kasi e lahat naman ng naliligong babae dito ay nakabikini.

Inienjoy ko yung paglalangoy ko dahil mahigit dalawang buwan din na akong hindi nakapag swimming. Hanggang sa napunta na ako sa malayo. Huminto ako upang hanapin si Theo. Pero may biglang humawak sa bewang ko na ikinaigtad at tili ko.

"Gotcha!!!"






❤ LibRanz01

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon