chapter twelve

45K 1.1K 7
                                    


Chapter twelve

Hindi na ako bumalik sa trabaho at tinext ko nalang si Lian na aasikasuhin ko iyung kliyente, hindi naman siya nag usisa.

Dinala ko si Amber sa bahay, nagtaka pa ito kung kaninong bahay ang pinagdalhan ko sa kanya. Siguro akala niya ay sa condo ko siya dadalhin e Wala na akong gamit doon.

"Kaninong bahay ito sissy?" Inilibot nya ang kanyang mga mata sa paligid.

"Bahay namin ni Theo. " I simply answered her.

Napatingin ito sa akin at tiningnan ko rin siya. She opened her mouth and tried to say something but there's no words came out. Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa loob ng bahay.

As we entered, she notice the frame in the side table beside the lamp table. Its our wedding picture, simply lang naman iyun nakaputing cocktail dress ako at si Theo naman ay naka puting polo. Beside him was the Judge who wed us and beside me was dad and  Aliyah my adopted sister.

"Are you happy sissy?" Tanong niya  habang nakatingin sa larawan.

"Half?" May pag alinlangan kong sagot.

Bumuntong hininga siya. Alam ko may malaking problema itong kaibigan ko at nasisiguro kong siryuso ito.

"Mag uusap tayo pero kailangan mong mag ayos muna...Nasa kabilang kwarto ang guestroom yung pula ang pinto,dadalhan nalang Kita ng damit."

Inimwestra ko sa kanya ang direksyon at tumuloy na ako sa kusina upang makapag luto ng lunch.

Pinalambot ko muna ang karne at iniwan ito, kumuha ako ng damit ko sa kwarto namin at hinatid sa kabila.

Habang nagbibihis si Amber ay magluto ako naglunch namin. Siguro saka ko na siya tatanungin kung ano man ang problema niya.

We ate our lunch together.

"Toni, Okay lang ba kayo ni Theo?"
Basag niya sa katahimikan namin.

"Oo naman. We're civil to each other."
Habang umiinom ako ng tubig.

"Anong plano niyo?" I raised my brow.

"What are you trying to say Amber?"

He held a sigh." Sissy I'm already married like you." Mahina niyang sabi.

"What???" Para akong natamaan ng malaking bola sa rebelasyon niya. Nayanig sa pahayag niya.

"A replacement bride to be exact" he sighed again. Replacement? Meron bang ganoon? Niloloko yata ako nito.

"Paano nangyari yun? Wag mo nga akong pinagtitripan!" Nablangko ang utak ko sa sinabi nya.

Uminom siya ng tubig. "Si Ate Mirasol sana ang ikakasal pero hindi siya sumipot....,kesa mauwi sa kahihiyan ang groom side ako ang pinalit Kay ate tutal wala namang nakakilala sa kanya kundi si Dwight lang."  Mabigat niyang pahayag.

"Dwight?" I asked. Mukhang familiar ang pangalan.

"Dwight Arizona..." Sagot niya na parang wala lang.

"The great Cold and Heartless man behind the alcohol industry?"My eyes widened in shocked. Siya lang naman ang may ari ng mga planta ng alak sa buong Asya. Well nakapangalan iyon sa ama niya pero siya na ang nagpalago at namahala for 6 years. Ang alam ko 30 na yun eh, nagkalat lang naman ang mukha niya sa mga magazine every month. Pinagkakaguluhan ng mga babae at kahit bakla ay naghahabol sa kanya.

Natulala ako sa rebelasyon nya. Mga mahigit isang minuto.Parang nahimasmasan naman ako sa ngiwi nya.

"I'm sorry..... Totoo ba ito? Pakiulit nga?" Paninigurado ko sa kanya.

"Totoo nga!! Asawa na ako ni Dwight Arizona" sabay pakita nya ng wedding ring nya.

"O....my....ghad!!!!" Hindi ba siya aware sa estado ng lalaking ito?

She explain to me the whole story behind her marriage, at katulad ko ay napilitan lang din siya. Magkaiba man ang paraan pero pareho paring hindi tama.Pagkatapos namin kumain ay pinagpatuloy namin ang usapan sa salas at kung saan saan na umabot ang usapan namin.

"Alam mo noong may nangyari sa amin ni Theo at naikasal kami ng sapilitan dahil nahuli kami ni dad. Iniisip ko na lang na bagong yugto ng buhay ko na hindi ko maiiwasan, kumbaga sa pintuan ito yung bumukas para sa akin. Syempre papasok ako, paano ko malalaman kung ano ang laman doon kung hindi ko papasukin. Ngayon kung ano man ang mangyayari sa akin sa loob mabuti man o hindi kailangan ko iyong lagpasan upang makarating sa susunod na pinto ng kabanata. Ang ibig kong sabihin pagsubok lang itong pinagdadaanan natin at malalampasan natin ito we'll make this happen sissy, kaya natin ito."

"Kung masasaktan man tayo, be it ang importante nasubok tayo ng pagkakataon. And we'll learn our lessons through this situation." Pampagaan ng loob ko sa kanya. Natatakot man ako sa posibling pagdadaanan kasama si Theo sana lang mas bibigyan ako ng Panginoon ng lakas para harapin ang lahat at maging mas matibay.

Nakatulog kami ni Amber sa sofa kaya diko namalayan ang oras. Naalimpungatan ako ng may humaplos sa buhok ko at ng magtaas ako ng tingin ay nakita ko si Theo na nakatayo at napansin kong madilim na sa labas.

"Theo!" Mahina kong usal. And he put his pointing fingers sa bibig niya and hush me.

"Dahandahan baka magising si Amber" pansin ko nga tulog na tulog siya kaya dahan-dahan akong bumangon.







❤ LibRanz01

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now