chapter twenty six

49.1K 1.2K 17
                                    

Chapter twenty six

I slowly open my eyes, only to find a white ceiling. Where am I? Hindi naman puti ang kisame ng kwarto ko ah. I scan the place and saw no one in the room at may dextross na nakaturok sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang nangyari sa akin.

"My baby" hinaplos ko ang umbok ng aking tyan. Andito pa kaya siya? Ang sama ko, nakalimutan kong may buhay sa loob ng sinapupunan ko at sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho.

Ang sama sama ko.

Paano kung nawala na siya? Wala talaga akong kwenta!!!

Sinabunutan ko ang aking sarili at umiyak. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari masama sa baby ko.

"ahhhh!!!"

I hate myself for being irresponsible! Ang sama ko!

Bumukas ang pinto at ipinakita doon si Osang at nakaputing babae, siya iyung OBGYNE na nagchecked up sa akin.

"Sissy! Tama na makakasama yan sa kalagayan mo." Nag alala niyang sabi at niyakap ako.

"tama na." Pag aalo niya sa akin. Hinimas-himas niya ang aking likod at pinatahan. Unti-unti naman akong nakalma. I exhaled and inhaled para tuluyang pumayapa ang aking pakiramdam.

"Hi Miss Emmanuel, how are feeling?" Banayad na tanong ng doctora.

Humiwalay sa akin si Osang at bahagya niya akong inayos.

"Makinig kang mabuti." Saad niya at mataman akong tiningnan na para bang magwawala na naman ako anytime.

Tumango naman ako.

"OK naman po,doctora." Sagot ko at tiningnan ang doctora.Lumapit siya sa akin.

"Diba sabi ko naman sayo na mag ingat dahil maselan ang pagbubuntis mo?...you suffered an extreme stress, at napapabayaan si baby...you almost had a miscarriage buti nalang at nalapatan ka kaagad ng gamot." Mahinahon niyang sabi. Nahulog ang puso ko sa sinabi niya.

"Andito pa naman siya diba doc?" Pagkokompirma ko.

"Yes, at sa susunod na ma stress ka, mawawala na talaga siya...mahina parin ang kapit niya Miss Emmanuel, ibayong ingat mommy." Malumanay niyang pangaral sa akin.

"You have to take a bed rest for a week or more than, mas mabuti yun. Pero hindi ibig sabihin sasabak ka na naman sa loaded na trabaho pagkatapos, take it slow. Mas mabuting hindi ka na nga magtatrabaho e, ang kaso boring yun at kailangan mo din naman ng exercise...Bibigyan Kita ng bagong vitamins. Fruits and vegetables are very compulsory. Mag ingat Miss Emmanuel. Blessing si baby, always remember that." Siryusong sabi ng doctora.

"Maraming salamat doc." Nabunutan ako ng tinik.

Thank you baby hindi mo ako iniwan, promise babawi ako sayo at hinding hindi ko na e stress ang sarili ko dahil lang sa ama mo. I will take good care of myself, para mapangalagaan din kita.

I love you baby.

Umalis na ang doctora at sinabing mananatili pa raw ako ng dalawang araw  para masiguro ang kalagayan ko at ni baby.

Napag alaman ko rin na kahapon pa pala ako walang malay at tanghali na ngayon. Umalis din daw si Aliyah na siyang nagbantay sa akin kagabi, kumuha lang ng damit ko.

Nang dumating ang mga kaibigan ko ay pinaulanan nila ako ng mga bilin, akala mo ay mga magulang ko pero infairness natutuwa ako sa concerns nila. Ang sarap magkaroon ng kaibigang tulad nila.

Nanatili ako ng dalawang araw sa hospital at hindi na magreklamo sa mga paalala nila. Sa bahay para akong reyna na pinagsisilbihan, todo alaga din si Aliyah sakin .

"Ate magpahinga ka habang wala ako. Behave ka lang." Bilin ni Aliyah sa akin.

"Ginagawa niyo na akong bata." I pouted.

"Because your so stubborn, basta wag maglikot!.okay?"

"Opo!" Sang-ayun ko.

Kahit ang mga kaibigan ko ay palaging tumatawag at bumibisita. Ang sarap sa pakiramdam na hindi lang pala ako nag-iisa.

Wala akong ginagawa sa bahay at sobra akong ingat sa sarili ko. Parati ko din kinakausap si baby. Nag research din ako tungkol sa pagbubuntis, ang mga does and dont's.

Two weeks ang naging leave ko sa trabaho at pagbalik ko may secretary na ako, napakaaliwalas pa ng opisina ko. Talagang pinasadya,kaya ayoko silang e disappoint.

Hindi ako nagloaded sa trabaho ko. 10 am ako pumapasok at 3pm ay pinapalayas na nila ako. Napaka luwag ng schedules ko parati, hindi naman ako nagrereklamo kasi para sa baby ko naman ito.

Nabalitaan kong naging CEO na si Theo sa kompanya nila but after a month ay tumulak din itong Amerika dahil na stroke ang ama niya. How funny it is na annuled nalang kami ni Theo ay hindi ko parin nakilala ang pamilya niya. Well hindi ko na dapat iniisip yan, baka may masamang mangyayari na naman sa akin. I let it go kasi ayokong maging bitter tutal from the start mali na talaga ang pinasok namin. At naging aral sa akin ang nangyari iyun.

Every month sinasamahan ako ng isa sa mga kaibigan ko magpachecked up sa OB ko at masaya kami kasi healthy na si baby at malakas na ang kapit nito pero hindi ibig sabihin na magpakalango ako sa trabaho. Itutuloy ko na itong pag iingat ko hanggang sa makapanganak ako.

Around four months, sabi ng doctora ay pwede ng malaman ang gender ni baby but I refuse, I want it to be surprise. Kaya nag ready na kami ng panagalan ng babae at lalaki.

If boy, I will name him Timothy. Tim for short.

If girl, she will be Theanna. Thea for short.

Gusto ko T parin tulad ko although Maritonie ako mas kilala naman akong Toni. Naging excited kami lahat na magkakaroon na ng baby sister si Jared namin. Kahit ito man ay hindi narin mapigilan ang galak.

Hiyang sa akin ang pagbubuntis kasi blooming daw ako. E kinarer ko na talaga. Lahat ng makakabuti at makakapag pasaya sa akin ay ginawa ko. I always make my pregnancy priority.

Bukas ay bibisita ako sa OB at si Lian ang sasama sa akin. Its my seventh month. Dalawang buwan nalang at masisilayan na namin ang bagong anghel ng amin buhay. Dalawa na kami ni Osang ang nanay and I'm sure si Amber na ang susunod.














Abangan ang trahedya sa buhay ni Toni.

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now