chapter seventeen

43.9K 1.1K 15
                                    

Chapter seventeen

Around 4pm ay nasa harapan na ako ng building nila Theo. It is my first time here at hindi ko alam kung papasukin ba nila ako. Tenext ko na si Theo bago pa man ako pumunta dito pero wala akong nakuhang sagot.

Gusto ko lang magkausap kami at makahingi ako ng tawad sa sinabi ko noong linggo.

Nang makarating ako reception ay binati ako ng magandang babae.

"Good afternoon ma'am, how may I help you?" Sabi niya.

"Mr.Monticlaro is expecting me Miss." Sagot ko naman, sana lang gumana ang alibi ko.

"May I have your name ma'am?" Ngiti niya.

Hinanap ko yung ID ko na may apilyedo ni Theo. At ibinigay sa kanya.

" Here."

Namutla ang babae pagkakita niya sa ID ko.

"I'm sorry maam, 22nd floor po ma'am."

"Thanks" I just gave her a smile.

Tumuloy na ako sa elevator at pinindot ang 22. Nang marating ko ang floor ay walang tao, wala ang secretary kaya dumeritso ako sa pinto at kumatok.

I knock three times pero walang nagbukas kaya naman pumasok na ako,pero walang tao. Nasaan kaya si Theo, hindi kaya may meeting?

I scan the place and I find it very manly. Nakaayos lahat ng files and the paint is mixture of black,gray and white. May isang divider doon ng mga plaques niya, pictures at pigurin. My eyes landed on the sofa and I saw an Hermes bag. My heart pounded instantly.

Biglang bumukas ang isang pinto malapit sa bintana and I saw Audrey came out. Our gaze met. Alam kong kilala ako ni Audrey, ilang beses na rin kaming nagsalubong sa school dati at isa ako sa pinag-iinitan niya kapag kalaro ko si Theo ng chess. I can still remember every inch of her, paanong hindi talk of the town siya. Kung gaano karami ang achievements niya doble roon ang mga masasamang feedback don.

"Maritonie Emmanuel?" She asked in shockness. Her eyes widened when she learned that it's me.

O God paano ko ba pakitutunguhan ang babaeng ito.

"Yes, Audrey Abonitalla." I answered her in a cold tone. Nilakasan ko ang loob ko, the rising guilt inside me is so annoying.

Bahagyang lumapit siya sa akin, ang kanyang mababang buhok na kulay lupa ay bumagay sa mukha niyang mala anghel. Nakaputing bistida ito na may kulay maroon na belt at pinarisan niya ito ng pulang stilettos.

"What brings you here?" May pagdududa sa boses niya. Ganyan nga magduda ka! Baka sakaling makilala mo kung sino ang kaharap mo.

"May pag uusapan lang kami Theo." Walang gana kong sabi.

Tumaas ang isang kilay niya. I can smell irritation in her.

"Business matter?....... Oh your clothing line has nothing to do with his construction supply." May diin niyang sabi. Sarkastiko.

Na alarma naman ako sa diin noon.

"Wala kana doon, its between me and him" ayoko ko siyang patulan dahil hindi siya ang ipinunta ko dito baka masabi ko ang hindi dapat.

"Are you flirting with my fiancee?" Sumingkit ang mga mata niya. Now, she's angry.

Fiance?

Ibig sabihin nag propose si Theo sa kanya? Paano ako? Is he planning to annuled me? Abandoned me? No!

Hindi pwede!

"Excuse me?" My voice almost cracked.

"Oh! my bad, didn't you hear me? Theo is already engaged.....with me." May pangungutya sa pagkasabi noon.

My heart breaks, I'm the wife pero kung makapagmalaki siya ay parang ako pa ang kabit.

Kala mo magpapatalo ako? pwes labasan na ng alas ito.

"Ohh. Engaged lang pala akala ko kung ano na....." May pa trill kung sabi. I hardly control my fear and jealousy.

Umusbong na naman ang inis sa mukha niya.

" what do you want? " singhal niya sa akin. Alam kong napipikon na siya sakin.

"Si Theo, hindi ikaw kaya wag kang epal"I rolled my eyes.

"You whore---" akmang susunggaban niya ako ng mahawakan ko ang kamay niya. O diba? Demonyita talaga. Nanakit agad.

"Mag dahan-dahan ka sa mga pananalita mo  kung ayaw mong malaman Kung sino ang kinakaharap mo." May diin kong sabi at iniwaksi ang kamay niya.

"bakit sino kaba??" Panghahamon niya

"you won't like my answer though.....!"kalmado kong sabi na may pang uuyam. Nag aagaw ang takot at tapang sa akin.

"Spill it!! You bitch!!" Angil niya.

Inirapan ko lang siya. Bahala ka sa buhay mo manigas ka!!

"Hindi mo sasabihin? bakit  Anong kinakatakot mo? Na malaman ko na isa ka sa mga babae ng fiance ko? Na habang wala ako ay kayo ang parausan niya? ....O well girl hindi ako affected dyan, sanay na ako infact we're getting married kaya hanggang doon nalang kayo." Bawi niya. But still I can feel that she is hyperventilating in anger.

"Talagang inuubos mo ang pasensya ko noh." Nakakagigil na siya ha.

"Then why don't you tell me what you want?" Singhal na naman niya. Hindi ko alam palengkera pala itong si Audrey. Sige lang magkalat kapa ilabas mo yang baho mong babae ka.

Inirapan ko uli siya.

"kalma, hindi bagay sa mala anghel mong mukha, model kapa naman." Pang iinis ko pa sa kanya.

"Say it!!" Pulang pula na talaga siya sa inis.

Fine!

"Ako lang naman--"

"Toni!!" Naputol ang sasabihin ko ng dumating si Theo. Namutla ito.

"Hon!" Paawa face agad, if I know nag aapoy kana kanina.Lumapit siya Kay Theo at yumakap sa bewang.

Theo is stunned, his eyes never leaves mine giving me warning. Kaya naubusan na ako ng pasensya.

"Why don't you asked him?" Sabi ko. Ang sakit ng view ha. Parang piniga yung puso ko sa nakita ko, uminit ang sulok ng aking mga mata ngunit pinigilan kong maiyak.

"Hon, ano mo ba siya at ang lakas ng loob niyang pumasok dito?" Mangiyakngiyak niyang sabi. Ang drama ng gaga.

Umiling si Theo, telling me to stop. Para akong sinakal sa sagot niya.Ako pa talaga ngayon ang magbibigay, putang ina.

"Bakit ba hindi mo masabi dyan sa babaeng yan na asawa mo'ko ha?''sigaw ko sa pagmumukha nila. Punong puno na ako sa kaartehan niyo. Hindi ako laruan at hindi ito bahay babayan.

Nakita kong lumaki ang mata ni Audrey at humiwalay Kay Theo. Her tears fall like waterfalls. So as mine, in the same pain but definitely not same reason.






❤ LibRanz01

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now