chapter eleven

45.6K 1.1K 6
                                    

Chapter eleven

"Sissy bagay pala sa'yo ang binili naming bikini, Kaw ha ang sexy mo!!" Gigil na sabi ni Lian ng makapasok ako sa trabaho, nakita niya pala sa Instagram ko yung picture ko last Saturday.

Alam nila na pupunta akong Bora at puro daw sila busy kaya hindi sila makakasama. Si Amber may kasal na dadaluhan, si Lian ay uuwi ng probinsya sa mga magulang nya at si Osang naman ay mag kwa-quality time daw sa anak nya.

Yap! may anak na si Osang apat na taong gulang at walang tatay. Sabi niya gago raw ang mga lalaki, yun lang hindi na namin siya kinulit kasi ang bitter na nya.

''Oo, alam mo ba na may nakilala ako sa Bora? Ang gwapo, Brett ang pangalan niya." Excited na kwento ko sa kanya.

"talaga? Buti hindi nagselos ang asawa mo?" May irap na sabi nya.

I raised my brows "Bakit magseselos yun? Nagpapatawa kaba?" I said, denying her idea. Pero naalala ko ang pinapakita ni Theo noong nakita niya kami ni Brett. At yung nangyari sa amin, yung turing niya may pagbabago at kakaiba. Iisipin ko bang nagselos nga siya? Pero imposibli yun.

Iniwaksi ko ito sa isipan, ayoko munang diligan pa lalo ang pag aasume ko dahil tulad noon sa restaurant ay isang tawag lang ni Audrey kinalimutan na ako.

"Bakit hindi nga ba?"

"Alam mo ang sagot diyan Lian" malungkot kong sabi.

"Precisely!! So kailan ka gigising diyan sa fairy tale dream mo?"

I pout. "Hayaan mo na nga, minsan nga lang ako kikiligin eh, panira ka talaga."

"At kinilig kapa talaga ha" lumaki butas ng ilong niya.

"Sino naman ang hindi eh may mga the moves din naman siya no." Ngumuso pa ako lalo.

"Bahala ka nga, 'pag ikaw nasaktan diyan sa kalokohan mo pagtatawanan talaga Kita!! Kala mo ha." At nagtuloy na ito sa pagtitipa sa kanyang laptop.

I faced her. "Talaga? Tatawanan mo lang ako?" Malungkot kong sabi, ang sakit naman kasi ng sinabi niya.

Natigilan siya sa sinabi ko at hinarap ako. Ngayon ay maamo na ang kanyang itsura.

"Alam mo namang hindi Kita matitiis sissy." Malungkot niya ring turan.

I smile of what she said, I immediately run to her and hugged her so tight.

"I can't breath!!" Reklamo niya.

"I love you Sissy."

"I love you too kahit baliw ka" sabi niya ng binitawan ko na sya.

"Ay ang drama natin!" Pinalis ko ang luhang tumakas sa mga mata ko. Naglibot naman ang paningin ko sa buong silid at nagtaka.

"Teka saan na si Amber?"

"Naku,hindi ko makontak may naghihitay na sa baba mga costumer niya." Baliwala niyang sabi dahil may kinalikot nasa laptop niya.

Nag alala naman ako sa sinabi niya. Hindi naman ganito si Amber ahh. From time to time ay always keep in touch kami kahit pa magkatampuhan.

"Hindi kaba nag alala?" Tumuko ako sa mess niya.

"Syempre nag alala no pero pinsan naman nya yung pinuntahan niya noong Saturday kaya baka pina stay lang muna siya doon." Paliwanag ni Lian.

"Ganoon ba." Babalik na sana ako sa aking pwesto ng mag beep yung phone ko.

From: sis Amber

Sissy kunin mo ako dito sa Villa Almurata, Wala akong kotse at pera pls. Wag mo muna sabihin sa kanila.

Bigla akong kinabahan sa text message nya. Anong ginagawa niya doon? Pang mayaman na village yun ahh. Na kidnap ba sya? Jusko.

Nagmamadali akong ligpitin ang mga gamit ko at kinuha ang susi ng kotse. Sobrang kaba ang naramdaman ko sa puntong ito.

"Oh saan ka pupunta?" Sabi ni Lian

"Ahh may nakalimutan ako sa bahay babalikan ko lang kailangan ko yun sa new client eh." Pagdadahilan ko, naku lagot, nagsisinungaling na naman ako.

"OKAY" tangi niyang nasabi at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Nagmamadali akong sumakay ng elevator at nang makarating sa ground floor ay nagmadali din akong sumakay sa kotse. May kalayuan ang sinasabi niyang village,aabutin pa ito ng isa't kalahating oras kaya binilisan ko na ang pagpapatakbo.

After ko nakipagkarera sa mga sasakyan ay nakaabot din ako sa village, sa magarang entrance palang ng village ay nakita ko na si Amber naka T-shirt pang lalaki at walang tsinilas.

Takot na ang naramdaman nang nakita Ang kaibigan.

Anong nangyayari sa kanya?

Nagmadali ako sa kinatatayuan niya. At nang makita niya ang kotse ko ay tumakbo agad siya papunta sa akin. Huminto ako upang hindi ko siya mabunggo at lumabas ako ng kotse.

"Amber!!!" Halos maiyak ako sa kabang nadarama ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit na ayaw ko na syang pakawalan at baka may umagaw pa sa kanya.

" Anong nangyari sayo?" Nang makabawi ay tiningnan ko siya sa mga mata.

Iyak lang ang sinagot niya sa tanong ko.






Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon