chapter thirty four

52.8K 1.2K 9
                                    

Chapter thirty four

Theo's POV.

Nagmadali akong lumabas ng presinto kahit naririnig ko syang nag sisigaw. Hindi ko mapapalampas ang ginawa nya. I just can't believe she did it. Naguguluhan talaga ako, all this time she was fake.

'She wants all for her.'

'She's a hopeless evil bitch.'

'She hit me in the rib so that I couldn't participate for the swimming competition, so that she would win'

'Did you see how she ruined Maritonie's precious chess board? Oh God, poor Toni she thought it was an accident but it was all intentionally by that Audrey bitch.'

'Bakit ba hindi nakikita ng iba ang kademonyahan nya? She has the control over boys in the school, what a slut.'

Bakit hindi ko yun pinagtuonan ng pansin dati? Kasi-

'Naiinggit lang sila sa akin kaya sila gumagawa ng mga kwento. Do you think I'm capable of doing that? Oh no. Look at me? Hindi bagay sakin ang gumawa ng kalukuhan.'  And she would just laugh at it. So I have no reasons para alamin pa ang mga ganyan as long as she's assuring me. I'm too busy for the nonsense.

I hurried back to the hospital after. Its past six in the evening so I bought dinner for everyone. As I entered Toni's room there is nobody to be found.

"Nasaan na sya?"

I searched for someone to ask and I saw the other watcher from the other unit.

I hurried to her.

"Ahm miss, napansin mo ba ang nakaconfine dyan" I pointed Toni's unit. Tumingin naman siya doon.

"Pasensya na Mr. Kasi kakabalik ko lang din galing bahay. Hindi ko napansin eh."

"Salamat." Kinabahan ako. Bigla kong naisip si baby.

Dali-dali kong nilisan ang lugar at pumuntang NICU kung saan naka incubate ang anak ko.

Nang marating ko ang NICU ay nakita kong makatalikod ang mga kaibigan ni Toni including Aliyah, her sister, paharap sa incubator ng baby. But what caught my attention was the lady sitting on a wheelchair.

Its her. Gising na siya.

Para akong galing sa sakal na binitawan at nakahinga ng maluwag, thank God she's awake. Nakatutuk lang ako sa kanila, lalo na Kay Toni na hinawakan ang kamay ng anak namin na nasa loob parin ng incubator.

"Magpalakas ka baby... Mommy loves you so much. Thank God your safe." I heard her crying voice. Piniga ang puso Kong marinig muli ang boses niya.

How I miss that voice. So sweet. So tender.

Bigla lumingon sa Aliyah, siguro napansin nyang may nakatingin sa kanila at nanlaki ang kanyang mga mata.

"Kuya Theo?" Gulat nyang sambit.

Napakurap naman ako at umayos. Lumingon silang lahat sa akin lalo na si Toni.

Ang maamo nyang mukha ay napalitan ng galit. Alam ko na to, kasalanan ko naman kung bakit ganon ang magiging reaction niya sa muling pagkikita namin.

"Anong ginagawa mo dito?" Ang talim ng mga tingin nya at ang lamig ng boses niua. Hindi ko sya masisisi. Nanlamig naman ang mga kamay ko bigla.

"I'm here- for you and for-"

"Umalis kana!" He cut me there at pinapaalis. Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi niya. I'm sure she'll take away my daughter from me. But No! I'm gonna fight my rights.

"But-"

"Hindi ka namin kailangan kaya umalis kana. Kaya na namin dito." Her voice is trying to be still and rough but her eyes were red.

"Ate..." Si Aliyah.

Umiwas naman ng tingin ang mga kaibigan nya. Wala akong kakampi.

"Toni please. I have all the rights to stay."

Gulat naman ang humihistro sa mukha niya. Mas lalo lang din nagalit ang tingin niya sa akin.

"Don't make me laugh Theo, we're done months ago. Pumirma na ako sa annulment na pinadala mo I'm sure na grant na yun sa mga oras na ito kaya wala kanang kahit katiting na karapatan sakin.... sa amin." May diin nyang sabi. Nagtaka agad ako sa annulment na sinabi niya.

"What?"

"Sandali Theo kakagising lang ni Toni, she needs to rest. Dahan-dahan lang sa stress at baka mabinat siya. Hindi makabubuti itong bangayan ninyo." Pumagitna si Osang. Kumalma naman ako.

"Yeah, I'm sorry.... but let me just clear things out. I never filed an annulment."

Bigla naman ang pagtataka Kay Toni. Nangunot naman ang mga kilay nila.

Napahawak si Toni sa sintido niya at kumunot ang noo saka pumukit. Natakot naman ako bigla.

"Ate okay ka lang?" Si Aliyah ang dumalo sa kanya. And then everyone followed to worry. I wanna go near her but something is holding me.

"Nahihilo ako." Lumapit na ako kahit walang pahintulot. I was sick worried.

"Hey, magpahinga ka muna...please."

"Dalhin mo siya sa room 376, nilipat na siya bago pa kami pumunta dito. Nagising kasi siya pagka alis mo." Si Amber yun. "Sasamahan ko kayo."

"Si baby, " pilit nyang sabi kahit kitang-kita na nahihirapan ito.

"She'll be fine sissy. Take a rest, kailangan mo yun." Si Lian.

Tinulak ko ang wheelchair niya at sinundan si Amber. Mahina parin ito at namumutla. Pero masaya ako kahit papaano ay hindi siya napuruhan.

Nang makarating kami sa bago niyang silid ay binuhat ko siya upang maihiga. Hindi na ito nag protesta, siguro masama parin ang pakiramdam niya. Inayos ko ang kumot para sa kanya at di nagtagal ay nakatulog na ito.

"Mahina pa rin siya dahil general anesthesia ang sinaksak sa kanya, nasa kanyang katawan parin ang mga gamot kaya normal lang na mahihilo ito." Paliwanag ni Amber.

"Thank you so much Amber, paano ako makakabawi?"

Bahagyang ngumiti ito. "Hindi na kailangan,kulang pa nga ito mga nagawa namin para sa kanya. Napakabait ni Toni, anong wala kami dati pilit nyang binibigay. Siya lang naman kasi ang mas may kaya sa amin. Halos sa kanya na nga ako nakatira dati. Kaya hindi niya na rin kailangang bumawi."

Lumambot naman ang puso ko sa sinabi niya. What a precious friendship they have.

"May kailangan pa ba dito? I bought dinner pero naiwan ko yun doon sa ICU nagmamadali kasi ako."

"Okay lang papunta na rin kasi si Dwight, si Aliyah kasi ang magpapaiwan kapag gabi. Kailangan kasi umuwi ni Osang kasi may anak din yun. Si Lian naman papasuk bukas sa trabaho naiwan kasi namin-"

"Ako na ang bahala dito,wag na kayong mag alala. Magpahinga nalang kayo."

"Sigurado ka?"

"Oo naman"

Ngumiti lang ito.

"Salamat ha, malaking tulong itong ginagawa mo. Pero sana habaan mo yung pasensya mo sa kanya. Hindi mo naman siya masisisi."










Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now