chapter eighteen

44.3K 1.1K 66
                                    

Chapter eighteen

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Audrey sa amin ni Theo, umaasa na may magpapaliwanag sa kanya. Tumulo din ang mga luha nito. The tension between us is so vivid.

Ako man ay naawa sa kanya pero kailangan kong subukan kung may laban ba ako. May tumakas na isang butil ng luha sa aking mga mata at agad ko iyung pinalis. My heart is slowly pounding, lalo dumilim ang tingin ni Theo sa akin.

Unti unting lumalayo si Audrey Kay Theo at umiiling.

"Hi, please let me explain " pagmamakaawa ni Theo Kay Audrey na sumaksak sa puso ko ng paulit-ulit.

"Sige hahayaan kitang magpaliwanag sa kanya pero mag-uusap tayo mamaya." Tinapangan ko yung boses ko kahit parang dinurog yung puso ko sa panunuyo ni Theo Kay Audrey.

But he just gave me a cold stare. Kinabahan ako sa tingin na iyon.

"Hihintayin kita sa bahay." Yun lang at walang lingon likod ko silang iniwan.

Buong buhay ko wala akong ginawa kundi ang gwardyahan ang sarili ko sa sakit na maidudulot ng mundo. Kasi mula bata kinimkim ko na walang may gusto sa akin. Ipinamigay ako ng totoo kong mga magulang at initsapwera ng mga umampon sa akin dahil may mas higit pa sa akin. Pero ngayon hinayaan ko yung sarili kong malugmok at manlimus ng pagmamahal.

Ang unfair.

Do I don't deserve to be loved?

Kahit walang sinabi si Theo kanina alam na alam ko ang mga titig na iyon. Hindi ako ang pipiliin niya. Ngayon hihintayin ko siya para isampal sa akin ang katotohanan na hindi ako karapatdapat mahalin.

Alam ko yun simula't sapol pero sumugal parin ako. Lulunukin ko lahat ng pride meron ako at magbabakasakali na ako naman ang piliin niya. Ang hirap pala, para kang hindi makakahinga sa sakit. Ganoon ko na pala siya ka mahal. Nakakalimutan ko na ang sarili ko na matagal kong inalagaan at pinakaiingatan.

Its either this is the start or the end. Pero ang huli ay may pinakamataas na posibilidad.

Hinintay ko siya sa bahay at nagluto pa ako ng hapunan. Mga alas syete narinig ko ang sasakyan niya sa labas. Kaya Dali dali kong binuksan ang pinto, only to see a mad man.

Galit siya.

"Theo--"

"You were so selfish Toni, hindi mo man lang ako hinintay na ako ang magsabi sa kanya." May diin niyang sabi. Nagtuloy tuloy siya sa kusina at kumuha ng tubig sa ref.

"Bakit? Sasabihin mo ba? Hindi naman diba? Naitago mo nga ako ng mahigit dalawang buwan." Pagdedepensa ko.

"I'm just waiting for a perfect timing." Mahinang singhal niya sakin. Controlling his beast side.

"Timing? E na engaged kana sa kanya wala pa rin ang timing na sinasabi mo!!" Sigaw ko sa kanya. Na fu-frustrate na ako. Kailangan kong lumaban at ipaglaban ang anong meron man kami o ako.

Natigilan siya sa sinabi ko.

"O! bakit?akala mo hindi ko malalaman?" Asik ko sa kanya.

"Why your like this? Hindi ka naman ganito ah...are you thinking that we're going to work this marriage?" Kumunot ang noo niya. Tila nanunumbat.

Bakit?ano ba sa tingin niya ipinaglalaban ko? Gago ba siya?

"Toni, we both know what are we from the start, ang akala  ko hindi ako mahihirapan sayo pero.... Look at you..your acting a jealous wife."

Ako naman ang nagtaka.

"Yes I am!"

"What?"

"Ano ba ang Balak mo?" Kahit alam kong mali ang tanong ko ginawa ko parin.

"I'm filing an annulment." Pinal niyang sabi. At tumiim ang kanyang bagang.

"No!!!! ...your not leaving me!" Sigaw ko.

" Toni, ang lahat sa atin ay isang pagkakamali lamang at gusto kong itama uli ito." Hinilot niya ang kanyang sintido na parang nahihirapan sa akin.

Ito na, ito na yung papatay sa akin.

"No!Theo please! don't leave me!" Nagmamakaawa na ako sa kanya baka magbago pa ang isip niya.

" let's end this pretendings, ayoko ng magtago pa. Si Audrey ang para sa kin, nakaplano na yun noon pa man at ang nangyari sa atin ay aksedente lang,walang ibang ibig sabihin.Naging malaya lang ako pansamantala kasi wala si Audrey at ngayon ay giniv up na niya ang career niya para sa amin--." Sinampal ko siya ng pagka lakas lakas

"Walangya ka! ginawa mo lang pala akong parausan, gago ka!!!!!!!" Sinusuntok ko siya sa dibdib sa galit ko pero pilit niyang hinuhuli ang mga kamay ko.

"Masahol kapa sa asong ulol. Gago ka!!!! Walangya ka!!!" Nagwawala na talaga ako, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong galit.

"Ginusto mo rin yun!" Ani niya.

"Walangya ka talaga." Patuloy parin ako sa pagsusuntok sa kanya.

I won't give you the satisfaction, titirhan ko ng kunti ang sarili ko. Hindi ko aaminin sayong minahal Kita.

Your an asshole Theodore Monticlaro!!
Pagsisisihan mong sinaktan mo ako.

"Get out!" Sigaw ko.

"Umalis ka!!!!! Magsama kayong mga hayop!!!!"Pinagtutulakan ko siya palabas ng bahay.

"Oooooouuuut!!!!!!!"

Iling lang ang sinukli niya. Yung luha ko walang tigil ang pag agus kanina pa. Hindi ko siya dapat iniiyakan, wala siyang kwenta.

Totoo nga ang sinabi ng mga kaibigan ko, mali ang ginagawa ko. Kailangan ko sila ngayon pero nahihiya ako. Nahihiya akong humarap sa kanila kasi mali pala talaga ako. Ang sakit, sobrang sakit. Hindi ko na alam gusto ko nalang mawala.

I wanna die in pain. I can see and feel my heart ripped into pieces. I'm completely wrecked.

Ang tanga tanga ko.







❤ LibRanz01

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon