chapter twenty two

46.1K 1.2K 27
                                    


Chapter twenty two

Dalawang araw lang ibinurol si Dad kasi hindi namin matagalan ni Aliyah na nakikita si Dad sa kabaong. Masakit para sa akin na wala na ang taong kumupkop sa akin. Ang taong naniwala at tinuring akong pamilya na kailanman ay hindi ko nakita sa mga magulang ko dahil wala naman akong mga magulang.

Naalala ko dati limang taon ako noon ng ampunin nila ako, hindi ako palakaibigan na bata sa bahay ampuan palagi lang akong nasa isang sulok. Kapag bumibisita si Mrs. Emmanuel upang ihatid ang kanilang donations ay palagi niya akong tinatabihan at tinatanong kung bakit ako mag isa, ang sagot ko naman ba't ako makikipag halubilo e sarili kong magulang ayaw sa akin ibang tao pa kaya. Kung ayaw nila, mas ayaw ko sa kanila.

Hanggang isang araw pinapatawag ako ni mother superior na may mag aampon na daw sa akin at laking gulat ko na si Mrs. Emmanuel ang nakita ko at may kasamang lalaki na nakangiti. At ang sabi nya.

"Gusto ka namin, at bibigyan ka namin ng pamilya, I'm going to be your mom and he will be your dad." Turo nya sa lalaking kasama niya.

Napag alaman kong wala silang anak kaya sila nag ampon,medyo may edad narin sila. Pinag Aral nila ako sa magarang paaralan at binigay nila ang kanilang apilyedo sa akin. Naging masaya ako sa piling nila hanggang isang araw ay sinabi ni mom na buntis sya.

"Ikaw ang swerte sa amin Toni, thank you so much." They hug me tight. Naexcite naman ako na magkaroon ng kapatid. Meron naman ako noon sa ampunan pero iba talaga na may mga magulang ka ng tinatawag.

Aliyah was a menuposal baby kasi 42 na si mom nagbuntis sa kanya. They were so happy when she came at nawala na naman ako sa picture ng pamilya nila kaya pinagbubutihan ko nalang ang pag aaral ko. They were still nice to me pero ang aliw nila ay na Kay Aliyah na. Naiinggit ako pero hindi dapat, kapatid ko parin si Aliyah kahit hindi kami magkadugo kaya hindi dapat.

Marami ang dumalo sa libing, mga kaibigan,kasusyo,at relatives nila. Kilala naman nila ako kahit papaano. Nakisimpatya sila sa amin ni Aliyah at hindi ko naman naramdaman na iba ako sa pamilya nila.

"Ate! si kuya Theo mukhang hinihintay ka." Napatingin ako sa banda ni Theo. Tinabunan na ang kabaong ng lupa, yung ibang mga tao ay umalis na ngunit nanatili ang aking mga kaibigan.

Theo's always there, he help us with the guests but I never go near him,I never had a single conversation with him the whole time. Andyan lang siya nakatanaw. Nakaalalay at nakasuporta.

Hindi na ako nag abala pa, para ano pa?para ipamukha na naman sa akin na wala lang ako sa kanya? Tama na, quota na ako. Sobrang durog na ang puso ko.

Kahit nag tatanong ang mga titig ng aking mga kaibigan sa akin ay walang ni isa ang nagtanong tungkol sa amin lalo na tuwing umiiwas ako pag lumalapit siya. Nagluluksa ako, hindi lang Kay dad pati narin sa puso kong sawi.

Lumapit ako sa kanya na walang kahit anong emosyon sa aking mukha.

"Thank you for staying....and I will just wait for the annulment paper. Pipirma ako." Malamig kong sabi.Yun lang at sinoot ko na ang aking sunnies at sumunod Kay Aliyah sa kotse.

I heard him sigh.

Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko si Theo, kaya grabi ang pagpipigil na ginawa ko. Kung iiyak man ako siguradong walang ibang makakaalam. Mahal na mahal ko siya, inaamin ko yun pero kailangan ko na iyung patayin dahil wala ng saysay.

"Ate sa bahay ka nalang uli, nag iisa nalang ako eh." Ani ni Aliyah.

"Of course baby girl, I won't leave you. I will take care of you." Niyakap ko sya at hinalikan ang kanyang buhok. Aliyah was only eighteen kailangan niya ako.

Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko Kay Dad through taking care of there daughter. Kulang pa nga ito sa malaking bagay na binago nila sa buhay ko.

"Hmm ate....what happen between you and kuya Theo?"

I sigh before answering her.

"Wala na kami." Simply kong sagot.

"I'm sorry ate." She look at me with a sorry in her eyes, she always been the sweetest girl.

"Don't be, wala kang kasalanan. Simula ngayon tayong dalawa nalang ang kakampi. You can always count on me, don't you hesitate. okay?"

"I will ate, thank you so much."

Pagkauwi namin ng bahay ay pinagpahinga ko na si Aliyah, tinawagan ko ang mga kaibigan ko na sa Monday na ako papasok pero nagprotesta sila na kahit another one week pa. Ano naman gagawin ko dito? Magmumukmuk? No way! mamamatay ako sa lungkot, babalik rin naman kasi si Aliyah sa school kaya malamang  maid lang ang kasama ko.

Pagkatapos kong maglibot sa bahay ay nagpahanda na ako ng hapunan at sabay na kami ni Aliyah kumain. Maaga rin akong natulog kasi inaantok na ako, nagiging antukin yata ako nitong nakaraang dalawang araw siguro dahil nakaburol si dad, wala akong matinong tulog.

KINABUKASAN parang hinalukay yung tiyan ko sa sama. Suka ako ng suka kahit wala na akong mailabas. Nakakapagod na, suka parin ako. Ano ba itong nangyayari sa akin?

Nang humupa na ang aking pakiramdam ay naligo na ako at bumaba. Nalaman kong umalis na ang kapatid ko,paano e late na akong nagising. Kinatok niya daw ako kanina pero tulog mantika ako.

Tumuloy na ako sa kitchen upang makapag breakfast ngunit ng maamoy ko ang garlic sa fried rice ay bumaligtad ang sikmura ko, nagmamadali akong dumukwang sa sink at nagsuka ng laway. Ano ba!

"Ma'am buntis po ba kayo?" Tanong ng katulong namin.

Nanlamig ako sa tanong niya.












Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon