chapter sixteen

43.6K 1.1K 18
                                    

Chapter sixteen

Binilhan nga talaga niya ako ng cellphone katulad ng kanya. Hinatid niya rin ako sa trabaho kinabukasan at nagtetext siya from time to time.

Okay naman kami kapag walang Audrey na eeksena e kaso meron talaga.

Balik sa dati ang set up namin, hatid sundo niya ako kasi pinatalyer ko yung sasakyan ko kahit wala namang sira. Gusto ko lang siyang e secure sa akin, nagiging selfish na ako. Totoo nga sabi nila nagiging ibang tao tayo kapag nagmahal. Hindi naman kasi ako ganito dati e, hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko sa ibang tao. Kaya nga noong magkaanak ang mga umampon sa akin ay nawala na rin ang interest nila sa akin pero hindi ko yung binigyan ng hinanakit as long as pinapaaral at pinapakain nila ako ay ayos lang hindi naman nila ako kadugo. Kaya noong may nangyari sa amin ni Theo at naabutan kami ni dad ay unang beses iyun na ipagtanggol niya ako, kaya nga nauwi sa kasalan e.

Lumipas ang isang linggo na okay kami ni Theo at kahit ni minsan ay hindi niya nabanggit si Audrey sa Batangas. Hindi ko nalang itinanong mukhang hindi rin naman sinabi ni Audrey na tumawag ako.

Kagagaling ko lang ng grocery at naabutan ko si Theo na nakabihis. Saan kaya ang punta nito.

"May pupuntahan ka?"nagtataka kong tanong.

"Ahmm. Dumating na kasi si Audrey from LA at nag aya mag dinner with her family." Sabi niya habang inaayus nya ang kanyang polo.

Natigilan ako sa sinabi niya.

"Hindi mo pa ba sinasabi Kay Audrey ang tungkol sa atin?" Walang kagatul-gatul kong tanong. Siya naman ang natigilan sa sinabi ko.

"Hindi pa," medyo malamig niyang sagot.

"Bakit hindi? Ano ba ang plano mo sa pagsasama natin Theo? Hindi tayo naglalaro lang!!" Medyo tumaas yung boses ko.

He look at me with no expressions on his face.

"Akala ko ba alam natin pareho ang ang sitwasyon natin from the start" malamig niyang sabi. So ano yung pinaggagawa namin? Bahay-bahayan?

"Theo asawa mo na ako at si Audrey kabit nalang siya ng maituring--"

"Don't you dare say that damn word to her. " galit niyang sabi na naikatigil ko. Ngayon ko lang siya nakita na ganito ka galit at natatakot ako sa nakikita ko sa kanyang mga mata. Naguilty ako bigla sa sinabi ko. I shouldn't act that way. Sana mas hinabaan ko pa muna ang pasensya ko.

"Im--" gusto kong humingi ng tawad pero tinalikuran na niya ako.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak nalang. Mahal na mahal niya si Audrey at wala akong Laban doon.

Minsan na nga lang magmahal hindi pa masuklian. Akala ko bumubuti na yung pagsasama namin, pero nauuwi parin kami sa wala.

Hindi siya umuwi ng gabing iyun at naabutan ako ng hatinggabi sa kahihintay sa kanya. Sa sofa na nga ako nakatulog.

Late na ako sa trabaho at naabutan ko ang mga bodyguard ni Amber sa labas ng building.

"Good morning ma'am Toni." Bati noong isa. Na familiar narin sa amin itong mga tauhan ng asawa niya.

"Nandyan naba ang mahal na Reyna?" Pabiro kong tanong, naging kaibigan ko narin ang mga ito kasi araw-araw sila dito, hindi nga lang sila naka unipormi baka kasi matakot ang mga costumers namin.

"Opo ma'am at nandoon din po si boss."

"Oh!!! Bakit?"

"Ayaw na kasi ni boss na pinagtatrabo si ma'am e matigas po yata sa bato yang kaibigan niyo." Natatawa nitong sabi.

Tumawa ako ng pagkala-lakas.Tumawa rin ang dalawang mga tauhan ni Amber.

Pumasok na ako sa loob at tumuloy sa opisina. I saw an intimidating man sitting next to Amber.

"Good morning everyone!"  Lumingon silang lahat sa akin.

"Late kana naman....hinay hinay lang sa midnight exercise sissy baka malusyang ka." Sabi ni Amber na inilaki ng mata ko.

"Ang bastos mo na Amber! Yan ba ang nakukuha mo sa asawa mo ha?" Nilakihan ko ito ng mata.

"Hindi noh." And she blushed. Sabi ko na nga ba at naiskuran na ito. I saw Dwight grinned. Confirm.

"Deny pa more." At umupo na ako sa swivel chair ko. Inirapan niya ako nginisihan ko lang siya.

Naging busy na kami at nagpafiesta ng pagkain ang asawa ni Amber noong lunch.Kaso hindi ako nakakain ng matino di ko feel ang mga pagkain, gusto ko lang ng vegetable salad pero lettuce lang ang meron, okay na rin ito.

Bandang hapon ay umalis din ito, may meeting daw.

Tenext ko si Theo kung bakit hindi siya umuwi last night. Pero wala akong natanggap na reply. Kapag tinatawagan ko siya  hindi niya sinasagot. Ano kaya kung pupuntahan ko siya sa trabaho niya.

Oo pupuntahan ko siya ngayon.







❤ LibRanz01

Free to comment
Hindi ito edited kaya pasenya na sa mga mali minsan,cp lang kasi ang gamit ko
Tnx

Mistaken Love (SBH Series#1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon