Chapter 4 - - - - - - - - - The Boys week

465 31 14
                                    



Chapter Four


"BOYS WEEK?  Ano 'yun?" nagtatakang tanong niya kay Kass habang sinusundan niya ito patungo sa sinasabi nitong listahan daw ng mga magkakapartner para sa boys week——-ang linggo para sa mga raven boys.  Wala bang girls week para fair naman?


"Basta.  sundan mo nalang ako.  'Pag nabasa mo iyon, maliliwanagan ka kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon.  Hala, hooo!  Nandito na pala tayo!"


Mga nagkukumpulang mga estudyante ang nakita niya.  Baka nga siguro ito ang sinasabi  ni Kass.  Sinundan niya ito at naki-osyoso na rin.  Dumiskarte siyang sumuksok sa ibaba ng mga tao dahil hindi talaga niya makita kahit maliit lang na parte ng listahang iyon.


Agad siyang nakarinig ng mga hiyawan ng mga babae.  Siyempre, hindi kasali ang mga lalaki doon.  At napansin niyang nakangiti ang lahat ng mga ito habang nakatingin sa listahan.  Na-curious na rin siya.  Nasaan kaya banda ang pangalan niya doon?  Ang hirap din pala maghanap ng sariling pangalan.  Nakakaduling.  Kaya sinimulan niya sa itaas.  Tama nga ang sinasabi nilang chika.  Na by-partner nga ang nakalista doon.  Marami rin siyang nakitang mga kaklase niya na napartner pa sa mga ayaw nila.  Pero imposible namang——may ayaw sila roon.  Remember,  lahat ng raven boys ay kinikinalang—-gwapo, saan man sa mundo. 


At ano naman ang sa kanya?  Ganoon ba rin?  Tiningnan niya at hinanap niya ng maigi ang pangalan niya.


Oh my——


Napaatras siya.


"Oh?  Sinong partner mo?  Hay naku!  Nakakakilig!  Ang super super gwapo ng makakaparter ko! Eeee!"


Sevilla, Nadine Trudy...and...———————


Biglang bumulis ang tibok ng puso niya.


and——- Villazanta, Yojeid.


Gosh.


Anak ng pating!  Oh my...  Hindi!  Ang mukhang unggoy na 'yon!  Hindi ako makakapayag! 


Pero baka lumabo lang ang mga mata niya.  Kinusot niya iyon.  Pero kahit anong balik niya ng tingin doon ay ganoon pa rin ang resulta. 


Hindi pwedeng mangyari 'yon!  Over my sexy body!


"Pwede bang baguhin ang mga kapartner sa boys week?"  huminga siya nang malalim.


"Of course.."  napatingin ito sa listahan.  "Not."


Gusto ko nang mamatay ngayon.  "Heh..  Kairita...  Ang mokong na 'yon." nagdilim na ang paningin niya.  "Ipapatapon ko na siya... "  Lord.  Bakit siya pa?  Sa lahat ng lalaki sa campus? 


 Bolahin niya ang lolo niyang kalbo.


"Hoy... 'wag kang ganyan.  Magbago ka na nga.  Sino ba kasi 'yang partner mo?"


Hindi siya makapaniwala na ganoon kailap ang swerte sa kanya.  Hindi niya talaga akalain na ang unggoy na iyon ang makakapares niya.  Para siyang hinulog sa bangin nang makita niya iyon.  Iniisip palang niya, sigurado nang hindi talaga sila magkakasundo 'nung mokong na iyon.


Parang tumaas na naman ang blood pressure niya.  Parang ayaw na niyang pumasok mula 'nung araw na iyon.  Malas.  Malas.  Malas.



~.~.~.~

"HELLO guys.  I'm Blythe Raven Cervantes.  The president.  Boys week is now officially launched.  Kaya simula ngayon, lahat ng iuutos ng lalake sa mga napiling partner sa kanila ay kailangang sundin.  Deduction sa grado niyo ang naghihintay 'pag napansing hindi ka sumunod dito.  Girls, I need your cooperation.  Hayaan niyo, may Girls week din naman."


Humanda ka, Yojeid.


"Kailan Mr. President?  Next week na?"


"It's not yet approved by the dean.  Boys week muna ngayon.  So ang ibig sabihin, bahala na ang mga boys sa pag-iisip kung anong iuutos sa inyo buong linggo."


"Linggo?"


"Huy, shunga.  Boys week nga 'di ba?  Meron bang boys WEEK na ISANG araw lang?  Haller." bumaling sila ulit kay Blythe.


"Anyway, wala namang pasok the whole week kaya huwag kayong mangangamba kung pagagawin kayo ng mga homeworks nila.  Pwede kayong dalhin kahit saan maliban sa bad places.  Hindi kayo pwedeng lumabag.  Bawat kilos ninyo ay alam namin."


"Alam?"


"Boss!  Paano kung sadyang nananamantala na 'yung lalake?  Na bawat segundo nalang ay sunud-sunod ang utos?"


"Problema niyo na 'yan!"  singit ni Fletcher.  "'Di bale, hindi naman lahat ng lalake eh masama eh, mero pa rin namang mga anghel sa inner and out.  Kagaya ko."


"Heh!  Tumahimik ka nga!  Istorbo ka lang dito eh!" galit na wika ni RZ or Arianne Zee.  Halos batukan na niya si Fletcher sa sobrang inis.


Hindi niya alam kung makakaya ba talaga niyang pakisamahan ang magiging partner niya sa boys week.  Ang magsisilbing amo niya sa loob ng isang linggo.  Ewan nalang niya kung sa bahay pa ba ang uwi niya pagdating ng sabado.  Baka kasi sa sementeryo na siya agad dadalhin dahil nililibing na siya nang buhay ng demonyitong ka-partner niyang si Yojeid.


"Boys and Girls, go now to your respective partners.  Please sundin ninyo ang rules.  Konektado ito sa grado kaya please be serious with this."


Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon