Chapter 6- - - - - - - - - - She's back! ☁☀☁

237 29 11
                                    


Chapter Six   


After five years. . .


"ANO BA? Kass! Bakit mo ba kasi ako dinadamay sa mga kalokohan mo? Sabi ko na nga 'di ba? Na ayokong pumunta sa RMC!"


"Hello? Nandito na kaya tayo. At 'wag ka na ngang pakipot diyan! Alam ko namang gusto mo ring makita si Yojeid eh.


......Hmm.. At tsaka, ayaw mo ba akong makita sa concert? Sikat na ako no! Pero sabi daw ng staff, makakaduet ko raw si Zeph kahit na buong araw ko nang nireklamo dahil sa ayaw ko!"


"Ayoko nga sabi eh! Kahit nandito na tayo sa gate, pwede pa rin namang umurong 'di ba?"


"Nakakainis ka! Sa ayaw at sa gusto mo! Kahit kaladkarin pa kita papasok!" at kinaladkad nga siya nito.


Pero tila hindi naman siya papayag doon. Nag-tug of war pa sila. Ngunit hindi nila namamalayan na nakapasok na pala sila sa loob at tuluyan nang sinasara 'nung guard 'yung gate.


Malayu-layo na rin sila mula sa gate. At hindi na mahahabol pa ni Nadine ang unti-unting pagsara nito.


"No way!! Guard! Don't!!" tumakbo siya pabalik sa gate. Inis na inis talaga siya sa echoserang kaibigan niya. Parang gusto na niyang kalbuhin ang bangs nito sa kalbaryong ipinararanas nito sa kanya.


But she think that she cannot find hope anymore. The guard is already gone. Saan kaya nagpunta 'yon? ^_^ Pero para talaga siyang pinagsakluban ng langit at lupa. At nakakulong na nga siya ngayon sa kadiliman. Pero paano kung makita niya talaga ito?




~ after watching the concert~_~




Yes! ^_^ Mabuti nalang at hindi talaga kita nakita dito. Hayy.. Salamat talaga Lord!


"Oh ano? Saan na tayo ngayon? Pwede na bang umuwi? Kating-kati na 'tung mga paa kong lumayas eh. Sige, baboo."


"Anong baboo? One week pa tayo dito 'no. At 'wag kang magtatangkang tumakas! Marami pa tayong aasikasuhin dito. You have many obligations."


"Anong obligations? Baka ikaw. Ah ganon, assistant a.k.a. alalay mo na pala ako ha?"


At hindi nila napansin ang pagsulpot ni Zeph mula sa likuran nila, "Oi! Girls! Rock on! Nagustuhan niyo ba 'yung concert? Ano? Okay ba? Gwapo ba 'yung kumanta kanina?"


Tila nag-iba yata ang kulay ng dugo ni Kass, "Bakit ka nandito sa dressing room ko? Che! Layas! This is not your territory!"


"Kass, huwag mong kalimutan ang appointments natin this week. Kakatapos lang ng meeting ng manager natin... sabi niya, Two weeks pa daw tayo rito kasi dito nakafocus ang lahat ng guests galing New York at iniimbita tayo sa iba't-ibang parte ng RMC."


"Ahh... Okay. Makakaalis ka na. Thank you. Sige na."


"Pinapalayas mo ma ako? Baka nakalimutan mong isa ako sa mga taong nagpapatakbo rito ah? Alam mo ba iyon?"


"Sorry, but I'm not interested. Oo na, sabihin na nating isa ka sa nagpapatakbo dito. Kaya aalis na kami after a week. Ayaw na nitong friend ko eh. So - - -"


"'Di ba mas maganda if I'll go ahead?" singit ni Nadine. "Pwede ka namang maiwan dito, 'di ba? So one week lang ako..habang ikaw, two weeks. Yeah?" at damang-dama na nga niya ang pagiging out of place. Gusto na niyang pag-uuntugin ang mga ulo nito.


"Heh! Bakit ka ba ganyan Nadine? >.< Wala ka man lang bang awa sa 'kin? Iiwan mo 'ko dito kasama 'tong mukhang 'bass drum' na 'to?" tinutukoy nito si Zeph.


"Anong mukhang bass drum?! Baka gusto mong magmukhang drum sticks diyan eh. Sumunod ka nalang nga sa bawat sasabihin ko! Kung hindi, kukumbinsihin ko si Blythe na hindi ka palalabasin dito ng isang taon."


"Isang taon? Naka-drugs ka ba? Ang taas na kasi ng imagination mo eh. At saka, 'di ba kani-kanina lang eh kami lang dalawa ni Nadine ang nag-uusap? Bakit para kang langaw na dadapo-dapo dito?"


Kumukulo na yata ang tubig sa utak ni Nadine. Kulang nalang ay ang magbusiness siya ng kapihan. Chos! =3


"Pwede ba? Tumahimik muna kayo? Please? Kung ayaw niyo, pwede bang lumayas nalang kayong dalawa rito? So annoying!"


Hinarap siya ng dalawa at napansin niyang nagsalubong ang mga kilay nito. At may namuong ngiti sa labi ni Kass. Unti-unting inilapit nito ang mukha sa binata.


At habang naghaharutan ang 'bass drum' at ang 'drum stick', nakatingin ang mga ito sa kanya. Nairita tuloy siya ng bonggang-bongga. May namuong mga ngiti sa mga ito.


Tumikhim si Zeph, "Hmmm, Nadine? May something ka palang hindi sinasabi sa 'kin ha . . Kaibigan na naman tayo 'di ba?"



~.~.~.~.~

Hanna Jei's note: Hi guys! =) Nagustuhan niyo po ba 'tong part na 'to? ^_^  Thanks for reading! =) God Bless You!Teka, itutuloy pa ba?^^ Just comment below=) 


Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon