Chapter 3 - - - - - - - - - What? !

550 38 15
                                    



Chapter Three


"IKAW NA giraffe ka! 'Pag nalaman ko lang talaga na pinaiyak mo ang bestfriend ko, baka ipatapon kita pabalik sa zoo!"


"Excuse me, hindi ako giraffe, ikaw 'tung mukhang tarsier. Huwag mo akong istorbuhin dito."


"Ah... ganon ha," tinitigan ni Rio ang mga matatalim na mga titig ni Spade. "Pinagsasabihan lang kita. Kaya ngayon, dahil alam mo na may guwardiyang nagbabantay sa 'yo rito, minimize your pagiging playboy."


"Nanay na tarsier pala ang isang ito. Hmmm..."


"Ano?"


"Wala, sabi ko, magdadala raw si Camille ng tarsier dito."


"Che! Tandaan mo ang mga sinabi ko kanina ha. 'Pag nakita kita ulit na nambababaero, alam mo na kung saan kita ipapatapon."


'Di lang kalayuan ang bangayan nito mula sa nilalakaran nila. Kaya dinig na dinig nila ang buong detalye. Pero hindi naman sila mga journalists na isinilang talagang tsismosa.


"Miss Sevilla, tama ba ako?" may sumulpot sa paningin niya.


"Oo, at bakit po?"


"Ah... mag-iinterview po sana ako, ano po ba ang buong detalye ng pagbabangayan ni Ms. Rosales at Mr. Torres? May namamagitan ba sa kanila?" isa itong journalist. Dahil everyweek ina-update ang schoolpaper, hindi matapos-tapos ang ginagawan nito ng article. Lalu na sa pinakasikat at mga estudyanteng may academic awards.


"Heh! Naku! Hindi ko alam iyan. Hindi ko narinig ang usapan nila eh. Baka si Mikaela, narinig niya." itinuro ng kamay niya ang mukhang baklang katabi niya. Binalingan niya ito. "Oh, Mikaela, for the sake of the tsismosas here in the campus, ano ang narinig mong chika kanina 'nung nakita natin na halos magboxing na sila Ms. Rosales at Mr. Torres?"


"Auhmm..." Tumikhim ito, "Thank you for that wonderful question Ms. Sevilla. Hello guys!" Humarap ito sa mga dumadaang tao sa hallway. Ngumiti na lamang ang mga ito sa kanya. "Hindi po klaro ang narinig ko kanina, pero, depende nalang talaga sa inyo kung maniniwala kayo. According to the chika this past segundos, mukhang may GF sa labas ng campus si Spade. That's all. A major-major thank you very much. Mabuhay Philippines!" at nagsipalakpakan ang lahat. "Palakpakan pa kayo!"


"Sino ba 'yong babaeng 'yon? Ang galing niya."


"Ang galing ng boses niya." napansin nitong ang mga taong nagsipalakpakan sa kanya ay sa iba pala nakatingin. Nasa likuran nila ang atensyon ng mga ito.


"I think that's Eliza Janine? Tama ba? Sila daw ang kakanta sa intermission ng music club party."


"Music ka?"


"Of course! Maganda ang boses ko no. At may banda na ako. Marami ngang nagrerecruit sa 'kin eh. Pero loyal ako sa banda ko. Hindi ko sila pababayaan."

Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon