Chapter 1.2 - - - - - - - -☁The RMC

868 50 21
                                    



"AUHMM...Welcome Ms. Nadine Trudy Sevilla to our very own Raven Mirth Compass, one of the most peaceful places in the country. The center of commercial transactions throughout the world." 


Napatulala siya sa naggagandahang mga bagay habang kausap siya ni Mr. Guzman, currently assigned as the head security.


Ubod ng laki ng lupaing iyon. That place is a paradise. Bukod sa magagandang kulay ng mga bulaklak, matataas na puno at preskong hangin, 'di rin maipagkakaila na dito makikita ang eskwelahan na pinapangarap ng kabataan. 


 Ang Raven Academy na ngayon ay tumatanggap na ng mga babaeng estudyante. Ang eskwelahan na iyon ay para sa matatalino ONLY. May sarili itong istilo ng pagtuturo. Kaya, 'pag dito ka nagcollege, daig mo pa ang nagmastery. 


 Masyadong advanced ito. Kahit wala namang elimination, sigurado namang mag-iimprove pa ang estudyante dahil sa 'skill'instructions- paraan ng pagrereinforce sa mga estudyanteng mabababa ang grado.


Inside the RMC, mayroon ka pang mapapansin na mga bagay. Ang mga naggagwapuhang mga lalaki. Ito ang mga orihinal na mga estudyante ng Raven Academy. Mga binatilyo palang ito ngunit parang sinanay na sa pagpaplano at kung anu-ano pa. 


Nanggaling ito sa mayayamang pamilya. Kaya kinababaliwan ang mga ito ng mga kababaihan. Para ka nang lumipad sa langit oras na makaapak ka sa teritoryo ng Raven. Perfect.


Kabibili lang ng mga Cervantes ang lupaing iyon. Binili talaga nila iyon para sa unang batch ng mga estudyante na mag-aaral sa Raven Academy. They have a lot of plans for the future. Isa na doon ang pagi-giit ng rule na tanging ang mga estudyante lamang ng Raven Academy ang makakamalakad sa Raven Mirth Compass at wala nang iba. 


They know those standards will fit for managing the place. Hanggang sa tuloy-tuloy na nga ang proseso ng pag-usbong nito.


"Nandito na po tayo Ms. Sevilla. 'Eto na po ang Raven Academy." agad naman niyang nilingon ang sinasabi nito.


Amazing. Parang langit sa ganda 'tong skul na 'to ah. Skul pa ba 'to? Palasyo 'yata 'to ng mga prinsipe eh.


"Mukhang kayo po ang pinaka-late na dumating. Mas maigi po siguro kung magmadali na kayong pumasok sa loob."


Nataranta siya at kinabahan, "Naku! Late na pala ako! Paano po makakapasok? Eh wala pa po akong I.D. sir?"


"You don't need an ID. Thumbmark mo ang kailangan sa entrance."


"Ah, ganon po ba? Oh sige po, salamat po sa paghatid. Mauna na po ako." bumaba na siya ng sasakyan. "See ya!" nagpaalam siya rito saka nagmadaling tumakbo patungo sa entrance ng skwelahan.




- - -

"MUKHANG may bagong dating yata guys!" wika ni Blair, isa sa magiging kaklase niya this school year. Napabilang siya sa Junior Class-B.


Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon