Chapter 5 - - - - - - - - - Movie Marathon☺

428 31 9
                                    


Chapter Five


"AT SINONG MAY sabi sayong makakaalis ka sa pamamahay na ito? Boys week pa ngayon kaya hindi ka makakatakas!"pagtataray ni Yojeid sa kanya habang nakikiusap siya rito na kung pwede, makasingit sandali sa date nila ni Giulio.


"Sige na, maawa ka! Five minutes lang! Please!"


"Anong five minutes? Baka five hours? Heh, maglinis ka na nga! Still didn't finish the chores!"


"Che! Nakakainis ka! Ang sama mo talaga! Ang damot-damot mo! Para five minutes lang!" ngumiti siya, " Gusto mo lang akong makasama no?"


"Maglinis na!"


"Eh!....grrr..." wala talaga siyang laban sa isang taong alam niyang dapat binibigyang improtansya sa linggong iyon. Para siyang nakakadena sa katawan nito na hindi niya maalis-alis. Naglakad nalang siya papunta sa kusina. Parang gusto niyang ipukol dito ang mga shining shimmering na plato nito.


Naiirita talaga siya. Parang wala na yata siya sa sarili. Ano kaya kung tumakas siya rito? Pero hindi, ayaw niyang makick-out sa Raven. At mas lalo nang ayaw niyang salubungin ang mga nagniningning na mga pangil ng alaga ng mokong na 'yon.


"Ayusin mo 'yang trabaho mo kundi,.."


"Anong hindi inaayos? Mukha mong mukhang buwaya!"


"Anong sinabi mo?"


"Ah hindi, bulldog pala!.. Nagmana ka sa alaga mo!"


"Ano? Gusto mo ng-"


"Ang gwapo mo talaga, Mr.Dreamboy. . hayyy..." pinagpawisan siya sa mga pinagsasasabi niya.


"Aminin mo na kasi.."


"Ha?"


"Na patay na patay ka sa akin."


"Ha?" parang nakalimutan niya yatang magcotton buds ng isang linggo ah.






_ - _ -_ -_


"OH ANO? Tapos ka na ba sa lahat ng gawain? 'Pag may nakita pa akong mali o kahit na alikabok sa bahay, malilintikan ka talaga sa akin!"


"Grrrrr! Wala na ngang mali dito!" dinilaan niya ito. "Ikaw na lang!" saka inirapan.


Humanda ka na 'pag nag-'Girls' Week, dugu-dugo na talaga ang kamay mo sa kakatrabaho! Wah!


"Kung ganoon, samahan mo nalang muna ako rito. Tutal, gabi na naman eh, wala ka nang mapapala sa labas."


"Labas? Anong labas?"


"Labas? Nag-elementary ka ba para hindi malaan iyang word na 'yan? Hindi, nakita kita sa labas kanina, mukhang busy ka sa chikahan. Sino kayang chinichika mo doon? Hindi kaya ako?"


Biglang umusok ang ilong niya. "Howw-"


"Anong gusto mong panoorin? Horror? Sige. Mukhang bagay sa 'yo 'yun." isinalpak na nito ang untitled DVD na nakapatong sa mesa. Mga ilang segundo ay nagkatinginan sila.


"Halatang excited ka ah. Sa obserbasyon ko sa mukha mo, magulo. At mukhang excited ka nga kasi hindi ka mapakali."


"Are you mocking me?"


"I'm not mocking you, dear." inirapan siya nito.


"Che! Ayoko nga ng mga horror! I hate horror movies!"


"Hmm....sure ka? Hindi halata. O baka naman takot ka lang?" gusto na niyang batukan 'tong mokong na 'to. Hindi pa siya handang manood ng horror movies ngayon. "Inaayos pa ni Mang Tonyo ang wirings sa mga kwarto kaya dito lang talaga ang lugar kung saan ka pwedeng mag-stay. Enjoy watching. Lalabas ako. I'll be back for a few minutes."


Ha? Aalis siya? Walaa- WALA akong kasama sa panonood? "Saan ka pupunta?"


Ah. Close na pala sila kung makatanong siya? "May tatawagan lang ako." at umalis na nga ito. Lumabas lang pala. Hindi niya napigilang sundan ito ng tingin.


Maliwanag sa sala sa may inuupuan niya. Nagsisimula na ang palabas. Nagsisimula na ring magsitayuan ang mga balahibo niya. Kung bakit kasi umalis pa 'yung lalaking na 'yon!


"Teka. Circular ba'tong pelikula na 'to?"


Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon