Chapter 2.2- - - - - - - - -ℂlassmate

538 39 19
                                    



PERO habang binibigyan niya ng distansya ang pagitan nila ng lalaking iyon, tila napansin niya ang kabuuang pagmumukha nito. That perfect face. Tila namumukhaan niya ito. At pinipilit niyang inaalala kung saan niya nakita ang pamilyar na pagmumukhang iyon.


"Oh! Yojeid! Bakit ka naparito? May kakausapin ka bang taga-Senior Class A?" tanong ni Giulio sa lalaki.


At namumukhaan niya talaga ito. Naiirita na siya. Kung bakit kasi hindi pumasok sa isip niya kung saan niya nakita ang gwapong lalaking iyon. Pero syempre, mas gwapo si Giulio. Kaya binaling niya ang tingin dito. Mas mapapanatag pa ang isip niya 'pag nakikita ito. Kaysa mag-isip pa ng mga bagay-bagay na wala namang silbi.


"Wala pare, kakausapin ko sana si Blythe eh."


"Tatawagin ko."


"'Wag na pare. Palamigin mo muna ang ulo niya. Mukhang mainit yata."


"Hmm...So, wala bang klase ngayon ang Junior Class-B pare?"


Junior Class-B? Parang may natutuklasan yata siya ah. Agad na nabalik ang atensyon niya sa lalaking iyon. Junior Class-B ba kamo? Ibig sabihin ba 'nun, kaklase sila?


"Actually, nagkaklase na ngayon. Tinatamad lang akong magmadali." at napansin niya ang unti-unting pagbaling nito sa kanya. At sinalubong nga niya ang titig na iyon.. At tila nalalaan na nga niya kung kanino ang nakakamatay na titig na iyon.


HOY! Miss! Ikaw na! Umayos ka nga!


Bull's-eye. And that was the guy who just shouted her in front of her classmates. At nakakahiya talaga ang ginawa nito sa kanya. At kanina lang iyon. Malas niya at na-encounter na naman niya ang ganoong creature. Bakit ba kasi ubod niya ng malas? Malas talaga ha?


Parang ayaw na yata niya ipagpatuloy pa ang pagmamatanglawin kay Giulio. Siguro sa susunod nalang. Kinilig na naman siya eh. Tama na iyon. Kaysa naman makisama pa rito sa isa niyang kaharap. Baka makagawa lang siya ng kakaibang dance moves nang wala sa oras. Pero tila nakaramdam siya ng sobrang lakas na boltahe ng kuryente na tumagos na din pati sa kaluluwa niya. Kakainin yata siya ng lalaki na iyon sa kakaibang titig nito na ipinakita sa kanya. Biglang nagsalubong ang mga kilay nito.


"Oh? Ano pang tinatayu-tayo mo diyan? Tara na sa Junior Class-B!"


Sabi na nga ba. Alam niya talagang may ibubuga itong masamang hangin. Kanina pa niya napapansin iyon. Nek nek mo. Magsolo kang pumunta ron. Mas maigi nang ma-late. Kaysa naman salubungin ko ang bagyong ondoy. Wala akong payong.


"Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni Giulio. At inenjoy ni Nadine ang pagtitig dito habang nakabaling ang tingin nito kay Yojeid. Then, matapos ang ilang segundo, sa kanya naman. Sweet.


Ayyiee!


"Oo. Kaklase ko siya."


Alam niya na magkaklase kami?.. Sabagay, hindi ako makakapayag na makalimutan niya ang kalokohang ipinakita niya sa'kin kanina. Ipinahiya niya ako. Ang lalaking iyon. Grrrrrrr!


"Pumunta na kayo guys. Baka pagdating niyo doon, automatic na bagsak kayo sa subject na iyon. Good Luck."


"Salamat." at sa wakas ay nakapagsalita na nga siya. Kahit isang salita lang. Masaya na siya roon.


"Miss! Hello!" nagulat yata siya sa isang boses na nagmula sa likuran niya. At tumalikod na nga siya para makita ito.


"Anong pangalan mo?" wika uli nito habang titig na titig sa kanya.


"Auhhmm—­­­­­­­­­­­­­­­­­­­——"


"Late na kami Pareng Gus, pwede?" hindi yata niya natapos ang sasabihin niya nang biglang may sumingit. Nagulat yata siya sa sinabi nito. Bakas sa tono nito ang pagkainis.


"Iba na talaga 'pag may mga babae sa campus no? May buhay na kasi eh. Lalung-lalo na 'pag mga cute ang mga KAKLASE mong babae." wika nito na tila nagpaparinig sa kanilang dalawa. Nagsitawanan naman ang magtotropa. "Pwede bang malaman ang pangalan mo miss? You look cute. Lalo na 'pag namumula." nginitian siya uli nito.


Agad namang tinubuan ng pagkairita si Nadine. Gwapo nga ito, nakakakilig pa nga nang konti ang mga salitang binibitiw nito. At mukhang sanay na ito roon. Sanay na yata kasi 'yun ang palaging sinasabi sa mga babaeng kagaya niya. She hates that kind of guy. Sa dami kasi ng mga narinig niyang mga kalokohan kanina, napuno na yata siya. Mas gwapo, mas babaero. Mataas pa rin talaga ang pogi points nito kay Giulio.


"Sorry po, pero hindi ko talaga sinasabi ang pangalan ko sa mga estrangherong katulad ninyo. At sana po ay 'wag ninyong mamasamain ang pagkamestisa ko. Mauna na po kami!" binalingan niya si Giulio. Nakangiti ito sa kanya. Kinilig naman siya nang todo-todo.


Hindi niya maipaliwanag ang pagpasok ng kaluluwa ni Andres Bonifacio sa katawan niya. Hindi niya ma-imagine ang katapangang taglay niya kanina. Biro mo iyon, nakapagsalita siya sa harap ng mga kalalakihang crush ng lahat ng kababaihan? Worldwide.


Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon