Chapter 8.4- - - - - - - - - It's their date! ♡

81 3 0
                                    



KAKATANGGAP lang ni Nadine ng text message ni Zeph kani-kanina lang. 8:30 na lang daw ngayon gabi sila magkikita. Wednesday na pero parang napakabilis yata ng araw para sa kanya. Marami na rin siyang nagawa dito sa RMC. Dinala siya ni Kass sa mga event nito. And it's really fun to watch her friend at bakas na nga sa katawan niya ang pagkapagod.



Ilang oras na rin niyang pinahinga ang sarili. At ilang minuto nalang, date na nila ni Zeph. At nakahiga pa rin siya ngayon sa kama. Nakadikit na yata ang katawan niya roon.



Kinakain yata siya ng antok. Gustong-gusto na niyang ipikit ang mga mata niya ulit. Pero kailangan niyang bumangon. Baka magalit sa kanya si Zeph kung mahuhuli siya sa date nila.



Kaya bumangon siya. Kumuha ng damit at dumiretso na sa CR.



Nagulat yata siya sa ipinakita ng wristwatch niya. 8:25 na. Five minutes nalang at magkikita na sila. Sana nga hindi siya ma-late. Winisik niya ang expensive perfume na regalo sa kanya ng kapatid niya. Isinara na niya ang pinto ng bahay at didiretso na sa Blue Path Park.



She weared her red skirt with eye catching design on the upper right sleeve. Light make-up defines her genuine soul. Hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok niya. And this night may be nicer to her.



At sa wakas ay nakatungtong na siya sa meeting place nila.



At damang-dama na nga ng buong kaluluwa niya ang napaka-preskong hangin at lamig ng gabi. Habang nilalakad ang Blue Path Park, sinulyapan niya pa rin ang na fountain sa gilid nito, na nagbibigay ng sentrong kagandahan ng park.



She wanted to see Zeph right now. Pero bakit tila wala pa rin ito? Maghihintay muna siguro siya at baka pinaghahandaan na rin nito ang date nila. Patience. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya kung maghihintay siya.



Alam mo kung bakit Nadine? Okay. I just want to be with you. Siguro, sa una palang na makita kita, 'nung sa concert, nahumaling na ako sa ganda mo. At sa ugali mo. Mabait ka pero hindi halata iyon. Pero kung tititigan ka sa mga mata, nakakatunaw. 'Dun ko na-witness ang tunay mong ugali.  Kaya kung 'di ka naniniwala, that's already your problem.



Biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bag at tiningnan kung sino ang negtext. Si Zeph.



Nadine. Dumiretso ka lang.



Sinunod niya ang gusto nito. Nilakad niya ang park ng dire-diretso.



Pero hanggang kailan kaya siya ganon? Matatanaw lang mula sa malayo ang naglalakihang mga puno sa harapan niya. 'Yun ba ang sinasabi ni Zeph na meeting place nila? Nandoon ba talaga ito?



Ibinalik niya sa bag ang cellphone at ipinagpatuloy ang paglalakad ng diretso. Dahan-dahan lang ang paglalakad. She expected high of Zeph. Baka mamaya ay nasa likuran lang pala niya ito.



Kaya lumingon siya sa likuran. Baka mamaya ay makakita siya ng aswang dito. Or zombie. :o Gosh. Kinabahan siya.



Pero salamat sa Diyos at wala naman siyang nakita.



Hayy. . akala ko may halimaw. . .Thanks Lord!



Pero nasaan na ba kasi si Zeph? Nakalimutan niya yata ang date namin ah. Baka natutulog pa 'yun ngayon. Or nananaginip na yata? Sana bangungutin! Joke! XD Aba'y nag-effort akong pumunta rito ah!



Sumulyap nalang siya sa langit. Iniisip niya kung paanong ginawa ng Diyos ang lahat. Mga bituin, ang buwan, mga puno, at ang napakalamig na hangin ngayon na parang gusto na siyang liparin.



Ang ganda talaga ng mundo. . =)



Naglakad siyang muli. Nagtataka siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita si Zeph.



 Ilang minuto na ang lumipas pero tila hindi pa rin nagpapakita ito.



Then, she faced faced the truth in front of her. Hindi niya akalain na nasa harapan na niya pala ito. And she didn't notice it. Nakatalikod ito at wala yatang planong batiin siya.



Napangiti siya. At may purpose na nga ang pagpunta niya rito. Her smile says that she's glad that finally, Zeph came and trying to catch her tonight.



But suddenly, while getting near to that guy, she felt a weird feeling. Parang hindi yata tama ang takbo ng isip niya. Napabilis lalo ang tibok ng puso niya.



Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.



Nadine, ang ganda mo pala sa dilim 'no? Pero bakit sa liwanag- - -



Gosh. Nagkakamali yata siya ng akala. Parang tinatangay yata ng hangin ang kaluluwa niya. Kilalang -kilala niya kung kaninong likuran iyon.



Yojeid Villazanta.



It's just Yojeid Villazanta!

Hate Me Now, But Not Forever.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon